Chapter 38

139 3 0
                                    

-----RM’S PART---

ONE WEEK AFTER NG BIRTHDAY NI KAE.. Balik na uli sa normal.

Pero yung isip ko yata ang hindi na normal. Ewan ko ba, pag wala akong ginagawa laging pumapasok sa isip ko si Virg. Kaya ng minsan, kahit hindi ko trabaho ginagawa ko na lang.

“Ate.” Pukaw ni Roselle sa atensyon ko.

“oh bakit?”

“Nagyayaya si Rona. Beach daw tayo.”

“Kita mo yung babae na yun. Ang daming trabaho gusto pa magliwaliw.”

“Wag ka ngang ano dyan. Nag-aaalala lang yung tao. Subsob ka daw kasi masyado sa trabaho. Mag relax ka naman kasi ate.”

“Hindi pwede.”

“Pwede yan kapag ginusto mo. Gagalaw naman tong Bittersweet kahit mawala tayo ng ilang araw. Ano bang silbi ng internet? pwede naman natin kausapin ang crew throug that. Saka may acting manager naman tayo ah! 5 days lang naman ate eh. Sige na.”

Bumuntong hininga ako. “Kayo na lang.”

“Tss. Kaya nga tayo magbibeach dahil sayo eh. Tas maiiwan ka din?”

Ang kulit ng kapatid ko. “Saan ba yan?” tanong ko.

“Sa Batangas.” Nakangiting sagot nya.

“Kailan?”

“Bukas.” Mas malawak ang ngiting sagot nya.”

“Agad agad? Madami pa ako aayusin.”

Ngumiti sya. “don’t worry te. Everything is settled. Nakausap ko na rin yung mga crew kanina bago ka dumating. At ayos na lahat ng gamit natin papunta dun. Ang kailanagn mo na lang ay mag empake.”

Napanganga ako. “So kahit pala hindi ako pumayag wala akong choice? Ang galling nyo talaga.”

Ngumisi sya. “I know right.” Maarte nyang sagot.

Natawa ko at binato sya ng nilamukos na tissue. “Arte mo. Di bagay sayo.”

ON THE WAY NA KAMI PA BATANGAS. Driver namin si Luigi. Katabi nya si Rona sa passenger seat. Kami naman ni Roselle nasa backseat.

Parang dati lang. Nung papunta kami nila Rona sa probinsya nila.

Nakatulog ako ng isang oras sa byahe. Well, kami palang tatlong babae.

“Mga antukin talaga kayo.” Umiiling na sabi ni Luigi after namin bumili ng pagkain sa drive thru.

Sabay sabay na ngumisi kami habang may mga hawak na fries. Nagising lang naman kasi kami dahil gutom na kami.

Umiling iling si Luigi. “Wala ba manlang sa-sub sakin sa pagdadrive?”

Bigla kami kunwari walang narinig.

Bumuntong hininga sya. “Ang sama nyong mga babae kayo. Kaya wala kayong mga boyfriend eh.”

Sabay sabay naming syang binato ng fries. “Nagsalita ang may Girlfriend!” sabay sabay din naming sabi.

Tumawa sya ng malakas. “Sino may sabi na wala akong girlfriend?”

“Kami. Obvious naman eh.” Sagot ko.

Ngumisi lang sya. At nagdrive na.

Mukha ding ewan tong lalaki na to eh.

BLUE STONE RESORT. Basa ko sa sign ng pinasukan namin.

Hapon na kami nakarating dahil medyo traffic at medyo naligaw rin kami. Papansin kasi si Luigi eh. Hindi naman pala nya kabisado yung daan.

“Yey! Andito na tayo!’ parang bata na sabi ni Rona.”

Ngumiti lang ako. Bumaba na kami ng sasakyan.

Lumingon ako sa paligid. Ang ganda.

Sobrang ganda ng dagat. Para kang hinahatak sa ganda.

Inakbayan ako ni Rona. “Ganda no? parang paraiso.”

Tumango ako. “Pano mo nalaman tong lugar na to?”

Ngumiti lang sya at bumitaw na sakin.

“Hi guys! I’m glad you came!” narinig kong sigaw ng isang babae.

Lumingon ako sa entrance. Si Kae. Nakasummer dress. Kasama si Virg na pang summer din ang outfit. Bat sila nandito?

“Oo nga! Naku, naligaw ligaw pa kami.” Sagot ni Roselle.

Wait? So may usapan sila? Bakit hindi ko alam?

Lumapit sakin si Kae at humalik sa pisngi ko. “Hi ate Rm, akala ko hindi ka talaga makakasama. Thanks for coming.”

Ngumiti lang ako ng tipid. Napatingin ako kay Virg. Hindi ko maintindihan yung reaksyon ng mukha na.

Parang makikita mo yung saya.. at pangungulila..

Nag iwas ako ng tingin at kinuha na lang yung kamit ko sa sasakyan.

Nakapasok yung kalahati ng katawan ko sa sasakyan habang inaabot yung mga gamit ko. Nagulat ako ng may tumabi sakin at ipinasok din yung katawan nya.

Lumingon ako. Si Virg.

“Let me help you.” Kinuha nya yung travelling bag ko.

Binawi ko. “I can manage.”

Binawi nya uli sakin. “I insist.” At nauna na syang naglakad.

Bumuntong hininga ako at pumikit. Mukang hindi magiging maganda nag 5 days na pag i-stay ko dito.

PAGPASOK NAMIN SA COTTEGE NAMIN KINUROT KO SILA RONA AT ROSELLE SA BRASO.

“Mga hitad kayo! Bakit hindi nyo sinabi na isasama nyo pala sila Virg dito?”

Ngumiwi sila. “Ang sakit mo naman mangurot! Baka magkapasa ako. Mag su-swim suit pa naman ako.” Sagot ni Rona.

“Heh! Bakit nga?”

“Eh kasi nga alam ko na hindi ka sasama. And correction, sila ang nag invite satin.” Sagot naman ni Roselle sakin.

“Sila ang nag invite? Ano bang meron? At bakit ba lapit pa rin kayo ng lapit kay Virg ha? Nakalimutan nyo na ba yung ginawa nya sakin?” naiinis na tanong ko.

“Ate, si Virg ang may ari ng resort na to. At sa tanong mo kung bakitpa din kami lumalapit sa kanya ay dahil kaibigan pa rin naming sya.at saka kung ano man ang ginawa nya sayo dati, diba dapat labas na kami dun? Afterall, matagal na panahon nay un. Hindi kka pa rin move on?” mahabang sagot sakin ni Roselle.

Naiinis na nauupo ako sa kama. “Sana hindi nyo na lang ako isinama. I can’t stand being here watching him and Kae.”

Lumapit sakin si Rona. “Nag usap na ba kasi kayo ni Virg.”

“bakit naman kami mag uusap?” sagot ko habang inaalis sa bag yung mga gamit ko.

“Para makapag paliwanag yung tao.”

“hindi na kailangan.”

“Yan tayo eh! Ate, hindi mob a alam yung word na ‘Second chance?’” sagot naman ni Roselle.

Umirap ako. “bakit kaya hindi nyo yan sabihin sa sarili nyo?”

Nagpamewang sya. “Magkaiba tayo ate. Ako ang may kasalanan kay Kavs. Ikaw naman, gusto kang kausapin ng tao pero ayaw mo.”

“hayaan nyo na nga lang ako.”

Sinabunutan ni Rona yung sarili nya at lumapit kay Roselle. “Umiinit ulo ko sayo Rm! Tara na nga lang magswimming Roselle. At ng lumamig ulo ko.”

Tumawa si Roselle. “Hala ka ate, hinighblood na si Rona dahil sayo.”

Binato ko sila ng unan. “ang daldal nyo. Lumayas na nga kayo.”

Dumila muna ang dalawang berat bago lumabas. Nailing na lang ako. Di pa din talaga nagbabago.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon