---RM'S PART--
8 PM na ko nakauwi sa bahay. Hindi ko na pinapasok si Virg sa loob. Nandun kasi sila Mama. Hindi ko pa alam sasabihin ko sa kanila.
Nagmano ako kila mama at papa.
“Sino yung naghatid sayo?” tanong ni papa sakin
“Ah. Si Virg po.”
Nakita kong lumabas si Roselle sa kwarto nya at sumenyas sakin na parang sinasabi nya na wag ko munang sabihin kila papa yung tungkol samin ni Virg.
“Nobyo mo ba yun?”
“Ho? Hi-hindi po. Ka-kaibigan ko lang po.”
“Rosemarie, dati pinayagan kita kay Paul. Pero ngayon ayoko muna sanang tumanggap ka ng manliligaw. Alam mo ang nangyari ke Paul. Magiging binatang ama na. Nako. Ang panahon ngayon. Mga kabataan talaga oo. Wag kang basta basta magtitiwala sa mga lalaki ha. Mag-aral ka muna.”
Napangiwi ako. Ito na naman si papa. Alam ko seryoso sya, tinawag na nya ko sa buo kong pangalan eh.
“Opo pa. alam ko po yun. Matutulog na po ako.”
Pagpasok ko sa kwarto, pumasok din si Roselle.
“Te, medyo BV sila mama no? Nako.. kasi naman.”
“Oh, bakit?”
“Kasi yung pinsan natin, si Frids. Nakipagtanan.”
“Ha? Hala! Nako, edi galit na galit sila tito?”
“Oo kaya! Tumawag kasi dito si tito kanina. .Akala nila dito nagpunta si
Frids. Eh hindi naman. Ayun. Bago ka kaya dumating pinangaralan na ko nila papa. Sabi ko naman kaibigan lang natin sila Xander.”
“Edi hindi ko na mapapakilala si Virg?”
“Mapapakilala mo. Pag gradute na nga lang natin. Mahigit 1 year pa.”
“Sasabihin ko na lang sa kanya. Maiintindihan naman nya siguro ako.”
“Oo te. Maintindihan ka nun. Tulog na ko. Goognight.”
“Wait. Kayo na ba ni Kavs?”
“Ha?” namula yung pisngi nya. “Hindi no!”
“Asus. Dun na din papunta yun. Yaan mo, secret lang natin.”
“Ewan ko sayo te. Tulog na ko.”
Lumabas na sya ng kwarto ko.
-----VIRG’S PART------
Malapit na ko sa bahay ng maalala ko na naman yung ginawa ko kanina. Akala ko hindi talaga matutuwa si Rm sa surprise ko, at akala ko din hindi nya ko sasagutin. Grabeng lakas ng loob inipon ko bago ko magawa yun. Worth it naman eh! Bastta para kay Rm kaya kong gawin lahat.
Umakyat na ko sa unit ko, nagulat ako ng hawakan ko yung doorknob. Hindi nakalock? Nakalimutan ko ba?
Dahan dahan akong pumasok.
Ang dilim.
Kinabahan ako. May magnanakaw ba?
Nung isasara ko na ulit yung pinto, biglang bumukas yung ilaw.
“Surpriseeeeeeeeeeeee!”
Shete! Nagulat ako!
Sila mama pala. Kasama si papa. Si tito Dennis at tita Gracielle. At si..
“Lorry?”
“Miss me?” bigla syang lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko sya nakilala. 3 years kaming hindi nagkita. Ang laki ng pinabago nya.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...