Chapter 13

163 6 0
                                    

------(Virg's part)------

“Yun ba yung gago mong boyfriend?”

Napalingon sya sakin. Gulat yung makikita mo sa mukha nya. Siguro nagulat sya sa sinabi ko.

Pero kasi eh.

Alam mo yung galit na galit ako.

Fvck. Kung hindi lang magagalit si Rm, binasag ko na yung mukha ng Paul na yun eh.

Pero wala naman akong karapatan gawin yun eh.

--flashback--

Kanina, nung nagpaalam si Rm sakin na pupunta sya ng CR, pumunta ako agad sa isang drug store para bilhan sya ng band aid. Alam ko kasi na may paltos na yung paa nya. Kasalanan ko naman kasi.

Medyo natagalan ako ng konti dahil mahaba yung pila.

Pagbalik ko sa labas ng CR, di ko nakita si Rm, paglingon ko sa kiddie section, andun sya. Kaharap yung dalawang tao.

Pagkita ko nun, bigla na lang ako lumapit sa kanila. Kahit hindi ko pa kilala yung Paul, alam ko na sya na yun.

Nung lumapit ako saktong harap naman ni Rm sakin. Nabunggo sya sa dibdib ko.

“Baby, san ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Sabi ko sayo wag tayo dito sa mall magtaguan eh.”

Ewan kung bakit naramdaman ko na yun yung dapat kong sabihin.

Nakita ko yung mata nya na konting konti na lang, iiyak na sya.

“Baby? Okay ka lang ba?” tanong ko ulit. Para din akong gago eh. Tatanong ko sya kung okay sya, malamang hindi.

Tapos bigla ko syang narinig na umiyak. Grabe. Parang dinudurog yung puso ko.

Tumingin ako ng masama kay Paul bago ko inalis yung pagkakayakap ko kayRm.

“Baby? Bakit ka umiiyak?

Yumuko sya.

“Masakit yung paa ko. May paltos.”

Ayun,sinakyan nya yung acting ko.

Nakita ko na nagulat sya ng bigla akong lumuhod . sinuri ko yung paa nya.

“Sabi ko na nga ba ee. Binilhan na kita ng band aid meron ka na pala.”

Inalis ko yung sandals nya. Tapos nilabas ko sa kahon yung doll shoes na binili ko kanina.

Sinuot ko sa kanya.

Nagulat pa din sya.

Ngumiti ako ng sobrang tamis. Ang totoo, para naman talaga sa kanya yun eh. Nung nakita ko kanina yun alam kong sa kanya na babagay yun. Pero hindi ko pa dapat ngayon ibibigay sa kanya yun. Saka na. pag may lakas na ko ng loob. Pero kailangan nya yun ngayon.

“Sabi ko na nga ba ee. Bagay na bagay sayo to. Dapat surprise ko to sayo mamaya ee. Pero dahil kailangn mo na, ngayon ko na ibibigay. Surprise!”

Lalo syang naiyak..

Nung tumulo yung luha nya, gusto ko na sugurin yung Paul na yun at ipahalik sa kanya yung lupa.

Tumayo ako at pinunasan ko yung luha nya.

Nakatingin lang sila Paul samin.

“Shhhh. Tahan na. gusto mo na bang umuwi?”

Marahang tumango lang sya.

Nagsmile ako. “Okay. Uuwi na tayo” tapos inakbayan ko sya at naglakad na kami palayo.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon