---RM’S PART----
Nung bandang hapon, nagswimming kaming lahat. Medyo malilim na nun kaya hindi nakakatakot na baka umitim kami.
Nung kinagabihan naman, nagset kami ng Bonfire malapit sa dagat. Umupo kami paikot dun. As usual, magkatabi na naman sila Kae at Virg. Sa kanan nila si Luigi at Rona then kami ni Roselle.
Sa gilid namin ay may Cooler, may lamang San Mig Light. Meron din kaming tagi tagisa sa harapan. At nag iihaw kami ng mashmallow.
“Nakakamiss yung ganito no!” biglang sabi ni Rona. “Parang nung collge days lang kapag magkakasama tayo.” Malungkot na ngumiti sya.
“Oo nga. Kaso kulang na tayo.” Sagot naman ni Roselle.
“Hoy! Bawal ang emo dito! Nilulunod!” sabi naman ni Luigi.
“Heh!” sabay na sabi nila Rona at Roselle.
“Palibhasa ikaw nakasama mo si Rona ng matagal kaya hindi ka nalulungkot.” Dugtong ni Roselle.
Nakita ko na parang napatingin si Kae kay Rona. What’s in her eyes. Is that jealousy? Pero bakit naman? Eh may Virg na sya ah? Tanong ko sa sarili ko.
“Wag na nga kayo magdrama. Nakasama nyo din naman ako ng matagal ah! At saka nandito na si Virg kaya okay na. Diba pare?” sabi ni Luigi.
“Oo nga.” Natatawang sagot ni Virg.
“Maglaro na lang tayo para hindi na malungkot sila Rona.” Biglang sabi ni Kae.
“Game ako dyan! Anong laro?” tanong ni Virg.
“Spin the bottle. Kung kanino matatapat mamimili kung truth or dare.” Nakangiting sagot ni Kae.
“Hindi ba masyadong pambata yan?” tanong ko.
“Masaya yan! Game ako dyan!” sagot ni Rona.
“Ako din!” si Roselle.
“Count me in!” sabi naman ni Luigi.
Tumingin silang lahat sakin. “Me too.” Napipilitang sagot ko. Ang pangit naman magpaka-K.J.
Nakangiting tuamyo si Kae at kumuha ng boteng walang laman.
“Okay. Kung sino ang nag spin, sya ang magpapapili kung truth or dare. Ang matuturo ang syang sususnod na mag i-spin. Okay ba yun?” sabi nya.
“Okay.” Chorus na sagot namin.
Inikot na nya yung bote. Kay Rona natapat.
“Truth or dare?” tanong ni Kae.
Nag isip si Rona. “Truth.”
Nagisip din si Kae ng pwedeng itanong. “Kapag nagkita uli kayo ng dati mong minahal. Anong gagawin mo?”
Saglit na natigilan si Rona. “Hindi ko alam. Siguro let’s cross the bridge when we get there na lang. Mahirap sabihin eh.”
Tumango tango si Kae. “Okay. Pwede na.”
Si Rona naman yung nag spin. Kay Luigi natapat. “Truth or dare?”
“Dare.”
Nag isip si Rona. “Kiss Kae’s forehead”
Biglang nataranta si Kae. “Why me?” tanong nya.
“Why not?” Sagot naman ni Rona.
“Okay. I’ll do it.” Humarap si Luigi kay Kae. Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ni Kae at masuyo nyang hinalikan ito sa noo.
Tinignan ko yung reaksyon ni Virg. Bakit wagas yung ngiti nya? Parang masaya pa sya na may humahalik na iba sa girlfriend nya.
“Ayiiie!” sabay na sabi nila Rona at Roselle.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...