Chapter 4

246 10 2
                                    

KINABUKASAN ang sarap ng gising ko. Alas nueve na ng umaga pagtingin ko sa orasan ng cellphone ko .Nakakapanibago, kasi sa Manila kahit gabi na ay mainit pa rin. Pero dito kahit hindi ako mag electricfan ay malamig, to think na summer na.

Lumingon ako sa tabi ko kung saan natutulog si Roselle. Mahimbing pa rin ang tulog nya. Well hindi na nakakapagtaka. Kung sa patagalan gumising, sya ang panalo.

Naghilamos at nagmumog muna ako bago lumabas ng kwarto. Sobrang presko talaga ng bahay nila Rona kahit kongreto ang pagkakagawa. Pababa na ko ng hagdan ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Huminto ako sa hamba ng hagdan at tinignan ang kung sino ang caller.

"Hello?" tinatamad na sagot ko.

 Sinong tumawag?

Si Paul.

 Alam ko naman naman na kung bakit tumawag sya eh. Pustahan tayo. Papagalitan lang nya ako dahil tumuloy pa rin ako dito kahit pinagbawalan nya ko.

"Bakit hindi mo sinabing tutuloy ka pa rin dyan? Kung hindi pa ko dumaan sa inyo kagabi hindi ko pa malalaman."

Oh diba? Tama ako.

"Eh alam ko naman na hindi ka papayag."

 

"Yun na nga eh, alam mong ayoko pero tumuloy ka pa rin."

"Birthday ng bestfriend ko okay? Saka sila papa nga pinayagan ako eh, tapos ikaw pagbabawalan mo ko?" Naiinis na ako ha.

 

"May karapatan ako dahil boyfriend mo ko. At bakit ni hindi man lang nagpaalam si Rona sakin na isasama ka nya dyan?"

Dahil ayaw nga nya sayo. Ayaw nila sayo. Muntik ko ng masabi sa kanya.

"Paul, hiindi na ko bata okay? Ano bang kinakainis mo? Nagpaalam naman ako sayo."

 

"Nagpaalam ka nga pero hindi ako pumayag, pero sumige ka pa rin. Parang wala ng halaga sayo kung anuman ang magiging desisyon ko." galit na boses nya.

 

"Isang linggo lang naman ako dito. Kung magalit ka sakin, parang hindi na ako babalik dyan sa Maynila."

"Sino sino bang kasama mo dyan? Saan ba eksakto yan lugar na yan? Susunod ako." desperadong sabi nya.

 

"Paul, pwede ba wag mongpairalin yang ugali mong ganyan. Ayokong gumawa ka pa ng eksena dito. Saka kahit pumunta ka pa dito, wala ka ring matutulugan.”

"Siguro may hotels naman dyan diba?”

 

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon