Chapter 12

170 6 0
                                    

------(Rm's Part)------

Pumasok kami sa The Old Spaghetti house.

“Bakit dito tayo? Diba sabi mo gutom ka?” tanong ko sa kanya.

“Oo nga. Diba ikaw din naman?”

“Medyo lang naman.” Pero syempre, kunwari lang yun. Gutom kaya ako. Nakakapagod kay yung ginawa namin.

Dun kami dinala nung waiter sa bandang dulo. Wow. Ganda ng ambiance dito ha. Infairness.

Inorder nya sa waiter yung unli spag and pizza. May promo pala sila eh.

Grabe busog ko.

Inaasar ko sya eh. Ang lakas nya kasi kumain. Parang bibitayin lang.

Nag order pa sya ng dessert after nun.. Tapos nagpahinga muna kami sandali bago umalis dun.

Di ko pinapahalata na medyo na awkwardan ako sa ginawa nya kanina sa photo booth. Ayoko naman kasi maging awkward kami sa isat isa. Kaya hinayaan ko na lang. Malay mo ganun lang talaga sya? Malay mo bet lang nya ganung mga pose sa picture. Yung may paghalik sa noo. Malay mo ganun din mga pose nila pag picture taking nila ng bandmates nya.

Ewwww.

Sagwa. Haha.

Syempre, humahanap na lang ako ng dahilan..

Ayoko mag isip ng iba eh. Mahirap mag assume.

Paglabas namin sa TOSH nagpaalam muna ako sandali sa kanya na pupunta ako ng CR.

Lalagyan ko kasi ng band aid yung paa ko..

Namaltos sa sandals na suot ko ee.

Lakad ba naman kami ng lakad.

Tiis ganda lang.

Pumasok ako sa isang cubicle. Nilagyan ko agad ng band aid yung paa ko tapos lumabas na ko sa cubicle.

Naghugas ako ng kamay tapos napatingin ako sa salamin.

Parang hindi ako yung nakikita ko.

Ang saya kasi ng aura ko. Compare this past few weeks.

Bigla nawala yung ngiti ko.

Medyo naguguilty ako. Ako ito, nagsasaya. Pero magkaaway kami ng boyfriend ko.

Ano kayang ginagawa nun? Huling usap namin yung binabaan ko sya ng phone ee. Wala na syang padama after nun. Nagtext ako pero walang resposnse.

Siguro sobrang nagalit sakin kasi ng first time ko syang pinagbabaan.

Bumuntong hininga ako at ibinalik ko ulit yung ngiti sa labi ko.

Lumabas na ko ng CR.

Paglabas ko hindi ko nakita si Virg.

“Nasaan kaya yun?” Pagtatanong ko sa sarili ko.

Lumingon lingon ako sa paligid ko.

Wala.

Lumakad ako, banda dun sa kiddie section ng maga damit.

Alam ko naman na hindi pupunta dun si Virg. Pero lumingon ako sa loob.

Parang instict lang.

Saktong paglingon ko, may nakita ako.

Napasecond look pa ko eh.

Medyo tumaba kasi sya. Kaya hindi ko nakilala.

Yung bestfriend ko nung highschool.

Si Angel.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon