Chapter 21

143 6 0
                                    

------VIRG PART----------

Sumunod ako kay mama sa kusina.

“Ma. Ako na dyan.” Sabi ko sa kanya ng makita ko na inaayos nya yung goods sa ref.

“You haven’t told her?” tanong nya. Alam ko na kung ano yung tinutukoy nya.

“I can’t ma.”

“You should tell her. Hanggang maaga.”

Bumuntong hininga ako. “Ma please? Not now. Nasa sala lang sya. Baka marinig ka nya.”

“Mas maganda nga diba? Para hindi ka na mahirapang magsabi?”

“Ma! Can you please just act like you like her? Don’t treat her like that.”

“Then tell me how should I treat her? You see, di ko kayang makipag plastican sa kanya. And you know why.”

Hinawi ko yung buhok ko. “Ihahatid ko na sya.”

“Much better.”

Nagbuga ako ulit ng hangin.

Pagdating ko sa sala naabutan ko si Rm na tinutupi na yung picnik blanket.

“Leave that. Ako na bahala dyan. Ihahatid na kita.”

“O-okay. Magpapaalam muna ko sa parents mo.”

“Wag na. nagpapahinga na sila.”

Tahimik lang kami habang pababa ng elevator.

Paglabas namin hindi pa din humuhupa yung ulan. Tahimik lang kami habang nag dadrive ako.

Traffic sa daan. Nilingon ko sya. Nakatingiin lang sya sa labas ng bintana. Ang lungkot ng mata nya.

Hinawakan ko yung kamay nya. Lumingon sya sakin. Nagsmile sya. Malungkot na smile. Tapos lumingon na sya ulit sa bintana.

Pagdating namin sa bahay nila hindi muna kami bumaba.

Nakayuko lang kami pareho. Bigla syang nagsalita.

“They don’t like me.”

“No. pagod lang sila. Next time. I’ll introduce you to them properly.”

“You’re not a good liar Virg.”

Nagulat ako.

“Just admit it! They don’t like me.”

Bumuntung hininga ako. “Nagulat lang siguro sila. Ikaw pa lang kasi ang napapakilala koong babae sa kanila. Please. Try to understand.”

Tumawa sya ng mahina. “Ano pa nga ba ieexpect ko? I didn’t pass their standards.”

“No don’t sya that baby girl. I love you. Whether they like you or not I love you. yun naman yung mahalaga diba?"

Sya naman yung napabuntong hininga. “Bakit ba ko nag iinarte ng ganito. Eh samantalang ikaw hindi ko din naipapakilala.”

“Okay lang sakin. May right time for that.” Nag smile ako sa kanya. Nag smile din sya sakin.

Lumabas ako at pinagbuksan ko sya ng pinto. Tumila na yung ulan.

Pagpasok namin sa bahay nila wala pa ring tao.

“I think I should stay hanggang umuwi si Roselle.”

“Nag text sya sakin. Pauwi na din daw sya. You should go. Baka magalit yung parents mo.”

“you sure you’re okay here?”

Pabiro nya kong sinutok ng mahina sa tyan.

“Sus. Para namang first time ko mag isa dito.”

Natawa ako. “Nga naman.”

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon