Chapter 2

354 17 0
                                    


[Rough]

My cellphone rang....

Kasalukuyang nagpapamasahe ako sa isang Spa. Kakatapos lang ng gig namin kung kaya't naisipan kong magrelax na muna dito.

I looked at my phone and I rolled my eyes ng mapagsino ko ang tumatawag.

"What do you need?" walang ka gana ganang tanong ko dito.

"Master, someone's threatening us. Yung kalaban nating gang. Naghahamon ng duel."

Tumaas ang kilay ko. Di yata't hindi na nadala ang mga hinayupak na 'yun.

"They want war? We will give them war." napangisi ako.

"Anong plano n'yo Master?"
Pinatigil ko ang masahista at naupo sa kama. Inikot ikot ang ulo ko at mga balikat.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko after that massage.

"Tayo ang susugod. We will surprise them Ron. Call our men. Alam kong sabik na sabik na sila sa labanan. Matagal ng walang practice ang mga iyon."

Napangisi ako. Hindi yata't naghahanap na naman ang mga 'yon ng sakit ng katawan.

"Copy that Master."

Tumayo na ako and changed into my clothes. Black tank top, black maong pants, black boots and black leather Jacket.

I looked at my reflection on the mirror.
Nasiyahan naman ako sa nakikita.

"Its play time"

Sumakay ako sa bigbike ko papunta sa hideout ng mga animal na yun.

Kabi-kabila ang mga nagsusuntukan, nagsisipaan at nagbabalyahan.

Nakangisi ako habang nakahalukipkip na nakaupo sa motorsiklo ko.

They always make me proud. Halos wala ng malay ang karamihan sa mga kalaban nila pero sila? Ni wala pang kagalos galos sa katawan.

Humahangos na lumapit si Ron sa kinaroroonan ko.

"Master. Mabuti po at nakapunta kayo." yumuko ito sa harapan ko. I patted his head.

Nginitian ko si Ron. Ang aking sidekick. Halos s'ya na ang inaasahan ko sa pamamalakad ng itinayo kong gang. Sya na halos ang nagrerecruit at nagtitraining sa mga miyembro namin.

"Good job Ron. Good job."

"Wew. Thank you Master. Ginagawa po namin ang lahat para sa kasiyahan n'yo." sabi nito at tumayo sa tabi ko.

Pinagmasdan naming pareho ang nagsisitumbahang mga kalaban.

Maya maya pa ay nagsitakbuhan na ang ibang natitira at pinaharurot na paalis sa lugar na yun ang mga kotse nila.

"Mga duwag!"

Napailing na lamang ako na natatawa.

"Kahit kailan ang lalakas ng loob maghamon ng away. Ang hihina naman."

Gang war always make me happy. Nasisiyahan ako kapag nakakakita ng madugong labanan.

Maswerte pa nga ang nakalaban nila dahil hindi pa barilan ang naganap kundi simpleng suntukan lang.

Bakit ko nga ba itinayo ang gang na ito?

PAGHIHIGANTI...
That is my reason. Para paghigantihan ang taong nanakit at nang iwan sa akin at kay mommy.

Pinapalakas ko ang aking pwersa, kaalaman at kakayahan pagdating sa pakikipaglaban.
When the time comes.... Babalikan ko ang taong yun....
Gagantihan ko ang aking Ama....

~
Biglaang napadapa kami ni Ron. Nagulat kami ng biglang may sumabog sa likuran namin.

"Master hali ka. Magtago tayo sa likod ng puno."

Inakay ako ni Ron. Mabilis naming tinakbo ang kinaroroonan ng puno habang naririnig namin ang palitan ng puntukan mula sa grupo namin at mga kalaban.

"Sh*t! What is this Ron? I thought 'yung mga mahihinang 'yun ang kalaban natin? Bakit parang ibang grupo ang umaambush sa atin ngayon?"

I punched his arm habang nakakubli pa din kami sa likod ng puno.

Napakamot nalang din ito ng ulo.

"Ay tanga! Ron!!! I trusted you! Alam mo namang ayaw kong nasusurprise ng ganito. Damn!"

Kinuha ko ang revolver ko sa holster nito at ikinasa.

"Sorry Master."

"Dont give me that damn sorry Ron. I. Want. You. To. Kill. Them. All." singhal ko dito at binaril ang lalaking akmang susugod sa kinaroroonan namin.

Agad naman itong natumba sa lupa matapos tamaan.

Umakyat ako ng konti sa puno at sinipat ang buong lugar.
Binilang ko ang mga nandito.
30! 30 morons. Nakakubli sa kung saan saan.
Bumaba ako sa puno.

"30." sabi ko kay Ron.

He checked my gun. 10 ang bala. He gave me extra 20.
Umakyat ako ulit sa puno.
Pinaputukan ko isa isa ang mga nakikita kong kalaban.

"Aaaahhh!" napasigaw ako sa sakit when a bullet struck my arm. Dumugo ito.

Agad naman akong bumaba ng puno dahil nalaman na yata nila ang kinaroroonan ko. Pagbaba ko ay wala na si Ron.

Siguro ay nakipagbarilan na din ito sa ibang direksyon.
Agad kong tinakbo ang motorbike ko at pinaharurot ng takbo sa kalsada.

"Shit!" napamura na lamang ako ng makita ko sa side mirror ang 3 kotseng humahabol sa akin.
Agad silang nagpaputok.

Ilag at pagaspas ng pagpapatakbo ng motorsiklo ang ginawa ko. Gumanti ako ng putok hanggang sa mapadako ako sa isang iskinita. Dito ako dumaan kasi alam kong hindi nila ako masusundan. Eksaktong paglabas ko sa iskinitang 'yun ay sya namang pagbukas ng gate ng isang bahay at pagpasok ng isang kotse dito.

I had no time to waste. Alam kong gagawa sila ng paraan para masundan ako. Kinakapos na ako ng bala at dumudugo pa ang balikat ko.

I had no choice kundi ang magkubli.
Pinaarangkada ko ang motorsiklo at sumabay sa pagpasok ng kotse sa gate nito.

Nagulat yata ang may ari ng kotse kasi bigla itong nagpreno. Agad kong ipinarada ang motor ko sa gilid ng pader sa loob ng bakuran nito kung saan hindi ako makikita ng mga kotseng sumusunod sa akin.

Napasandal ako sa pader habang humihinga ng malalim. Medyo humahapdi na ang sugat ko sa balikat.

Nakita kong isinarado ng isang lalaki ang gate ng bahay nito at tinungo ang kinaroroonan ko.

"Who are you? Bakit ka pumasok dito?" tanong nito ng makalapit sa akin.

Tinanggal ko ang helmet ko. Pareho kaming napatitig sa isa't isa.

Ang gwapo n'ya. 'Yun na lamang ang naisip ko.

6 feet tall I guess. Medyo maputi s'ya. Matangos ang ilong. Hindi gaanong makapal ang kilay na bumabagay lamang sa hazel colored eyes nito. He has a slightly brown hair. Lean body na siguro ay may abs pa na nakatago sa suot nitong puting t- shirt.

He has this boyish aura na nakapagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Miss? Who are you? Are you okay?" tanong nito habang niyuyugyog ang balikat ko.

"Ouch!" sigaw ko ng mahawakan nito ang sugat ko.

"May sugat ka ah. Dadlhin kita sa ospital."

Umiling iling ako.

"No. Dont. Please don't Mister. Please promise me. 'Wag na 'wag mo akong dadalhin sa ospital. Magpapahinga lang ako saglit dito. Please wag mo muna akong paalisin."

Pagsusumamo ko sa kanya.
Bigla na lamang dumilim ang paligid ko after I said that.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon