[Rough]Weeks had passed and everything went normal.
Yumi had been cremated and thus Jem hadn't been herself since then.
Ewan ko kung ano ang nangyari but my heart softened for her. Nawala ang galit na kinimkim ko sa kanya dahil sa ginawa n'yang pagsisinungaling tungkol sa totoo kong pamilya. She almost stays with me everyday and as a matter of fact she lives with me and Dan now.
But Dan? He never stays at home that much after that incident on Yumi's hideout.
We never talked about anything serious or even about how had he been related to Zamara. We had been wed on papers. We sleep together but we don't talk nor touch each other. Its as if we had never been lovers.
Most of the time Zamara fitches him and I don't know where they usually go.
Si Zamara na everytime pumupunta sa bahay, ang sama ng titig ni Jem. Its as if she wanted to kill her that very moment. I understand her. Ikaw ba naman ang mawalan ng anak na hindi mo pa nga nakakasama buong buhay mo. But Zam remains cool. Parang sanay na sanay na talaga s'ya na may kalaban. Sanay na sanay na s'yang pumatay.
"Dan?" nilingon n'ya ako. Kunot-noong napatingin sa akin at wari'y hinihintay kung ano man ang sasabihin ko. Palabas na sana s'ya ng bahay ng tawagin ko.
"Pwede ba akong magtanong?"
"About what?"
"About Zamara. How are you related to each other Dan?"
"Hmmm. She's a friend. My long lost friend."
"Really? Just friends?"
Namula yata s'ya. Naningkit pa ang mata n'ya. Parang galit yata.
"Zam is a friend and nothing more. Don't ask me about it again." sabi nito at umalis na ng hindi nagpapaalam.
I wonder why he got angry. Nagtatanong lang naman ako tungkol kay Zamara ah.
[Daniel]
Why does she need to ask about Zam that way? Iyong parang inaakusahan n'ya ako na may ginagawang kababalaghan kasama si Zamara.
Aminado naman akong si Zam had been special to me.
*Flashback*
"Bago ka?" someone asked me. Hingal na hingal na ako matapos umikot sa field.
Pagod na pagod ako dahil inutusan akong tumakbo ng 10 laps ng officer ko.
"Yes ma'am." tumayo ako ng tuwid at sumaludo ako sa kanya kahit na hingal na hingal pa ako.
"De Leon!" sumigaw ito.
Agad namang lumapit 'yung officer na nag utos sa akin na tumakbo sa field kanina.
"Pinagtripan mo na naman itong bagong salta. Ilang laps ang pinagawa n'ya sa iyo Martinez?"
Kilala n'ya ako? Ah. Baka dahil sa badge na nasa dibdib ko.
"10 laps ma'am." matikas pa din ang tayo ko habang sumasagot sa kanya kahit na sobrang hingal na hingal pa din ako.
"Do 20 laps De Leon. Now!" utos nito sa officer na nagpatakbo sa akin kanina sa field.
Ni hindi manlang nagreklamo 'yung si De Leon na tinawag n'ya. Siguro nga mas mataas ang rank n'ya kaysa sa officer na 'yon.
"Hali ka sa loob Martinez. Tandaan mo ang pagmumukha ng taong 'yon. Gumanti ka balang araw. Pareho lang kayong baguhan. Alam kong mas mabilis ang promotion mo kaysa sa kanya. Ngayon palang ang dami na n'yang pagkakasalang ginagawa. Nagtataka nga ako kung paanong napasok yan 'dito."
Nagoyo pala ako ng hayop na 'yon.
Natawa ang babae sa reaction ng mukha ko. Namula kasi ako sa pagkapahiya at sa galit kay De Leon.
"Nauna lang s'yang naidistino sa'yo dito. Hindi ko alam kung ano ang trip ng loko lokong 'yon. Lahat ng bago ginaganyan n'ya."
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng headquarters kung saan ako madidistino.
"S'ya nga pala i'm Zamara Montelibano. Ako ang magiging buddy mo simula sa mga oras na ito. Whenever i'm in a mission ikaw ay ganoon din. Ako ang magiging sanggang dikit mo dito. Ang kaibahan lang ay senior mo ako."
Simula noon ay palagi na kaming magkasama ni Zamara. Kung saan s'ya naroroon ay nandoon din ako kung kaya't hindi ko naiwasang mahulog ang loob ko sa kanya.
I asked her out pero pinagtawanan n'ya lang ako.
I tried to court her pero binasted lang din ako. Kaya siguro natakot na akong manligaw after that.
*End of Flashback*
"Hey. May problema ba?" tinapik ako sa balikat ni Zam. Kasalukuyan kaming nasa headquarters.
Simula ng makabalik s'ya at ang mga kasamahan naming napabilang sa mga "Guardians" ay siya ding pagbabalik ko sa trabaho bilang Agent.
"Nothing much. Si Rough lang ang iniisip ko."
"Live in na pala kayo ng girlfriend mo? Doon na talaga s'ya nakatira sa bahay mo ah."
Nangunot ang noo ko.
"Teka. You sound jealous Zam."
"Am I?"
"Yes. Sa tono kasi ng pananalita mo parang nagseselos ka."
Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Hindi ah."
"Really Zam? I thought wala kang gusto sa akin. If I can remember binasted mo pa nga ako years ago. Ako ang dahilan ng pag uundercover mo sa Gangster world diba? Para makaiwas sa akin."
"Drop it Dan. I'm just trying to make a conversation here."
"Hindi ako naniniwala Zam."
"Then don't. I don't care. If I know. Ikaw ang may feelings pa sa akin hanggang sa ngayon Dan. Baka nga nakipagrelasyon ka lang kay Rough dahil nalaman mong gangster din s'ya. At inisip mo na magagamit mo s'ya sa paghahanap sa akin sa underground. Tama ba ako Dan?"
Hindi ako sumagot. Actually hindi ko alam ang isasagot. Iyon ba talaga ang reason ko? Did I use Rough to find Zam? Am I still inlove with her?
Im confused.
BINABASA MO ANG
SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)
Action[Complete] Teaser: She set her eyes on him and her world began spinning. She doesnt know him. But she was sure about one thing. He's different. And she want him. __________________________ He set his eyes on her and his eyes promised anger and reven...