Chapter 11

259 10 0
                                    


[Rough]
Lakad takbo ang ginawa ko papasok sa maluwag na bakuran ng bahay ng target ko ngayon.
Patago tago sa mga halamanan kapag nakakarinig ng mga kaluskos.
"This place really looks familiar." Maybe napadaan na ako sa lugar na ito kaya natatandaan ko ito.
*Flashback*
My phone rang....
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
Nanlaki ang mga mata ko ng malaman kong si "Big Mommy" pala ang tumatawa.
Nilingon ko si Daniel. Payapa itong natutulog pero mahirap na at baka marinig nya ang pag uusap namin ng boss ko sakaling magising sya.
Dali dali akong lumabas ng kwarto at isinarado ang pintuan nito.
"Hello Big Mommy?" kinakabahan kong sagot sa phone.
"What took you so long to answer my call Black Empress?" ang malayelong tinig na naman nito ang narinig ko sa kabilang linya.
"Im sorry Big Mommy. Im with someone a while ago. Naghanap po ako ng lugar kung saan ko masasagot ang tawag nyo ng walang makakarinig."
"Hmmm... Anyways I called because I want you to do something for me Black Empress."
Walang kahit na sino ang nakarinig ng tinig ni Big Mommy aside from me at sa iba pang gang leaders.
"You're giving me a mission Big Mommy?"
"Yes. Yes. Black Empress. I want you to kill someone for me. He had been my pain in the ass for years so I need to get rid of him as soon as possible. At ikaw. Ikaw ang napili ko Black Empress. Ikaw ang papatay sa taong yun."
*End of Flashback*
That's why im here. To kill big mommy's enemy.
Its a privilege. Para sa amin, mautusan lang ng Big Mommy at magawa ang utos nya, nakakatanggap ng reward na walang sinuman sa gangster community ang tumatanggi.
-Its protection and immunity.
Mapasailalim ka lang ng mga pakpak ni Big Mommy siguradong walang ibang grupo ang mangangahas lumaban sayo.
~
Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa tuluyan ko ng mapasok ang bahay. Inihanda ko ang paborito kong sandata.....Ang darts.
Masapol ka lang ng matalim na dulo nito sa ulo siguradong patay ka. Kahit daplis nga lang. Dahil ibinababad ko ito sa poison.
Tahimik ang buong kabahayan pero walang kalaban si Big Mommy na pipitsugin.
Hindi ako nito uutusan sa isang simpleng misyon lamang kaya't hindi pwedeng makampante. Kailangang mag ingat.
Binuksan ko ang mga kwarto sa dalawang palapag na bahay na yun pero wala akong nakitang tao.
"Masters bedroom nalang ang natitira." agad kong tinalunton ang daan patungo dito.
Sigurado akong andito lang ang target ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Tama nga ako. Andito sya.
Payapang natutulog ang target ko.
Napangisi ako at dahan dahang nilapitan ang natutulog kong target.
"Dalawa pala sila. Magugulat na lamang ito na malamig na bangkay na ang katabi nito paggising nya."
Napangisi ako. Lumapit pa ako lalo sa kinaroroonan nila. Hinanda ko na para sa aking pag atake ang Darts.
Akma ko na itong itutusok sa kanya ng maaninag ko ang mukha nito.
Naibaba ko ang hawak kong darts at mabilis na tinalunton ang daan palabas ng bahay na yun habang tumutulo ang luha.
Kailangang makaalis agad ako sa lugar na ito bago pa nya ako makita.
"Bakit sya pa? Bakit kailangang sya ang target to?"
Oo balak ko syang patayin pero not until malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Gusto kong malaman nya na nag eexist ako bago ko sya patayin.

[Daniel]

Nagising ako sa lakas ng kalabog na narinig ko mula sa labas.
I looked at my watch. Its past midnight.
"Dis oras ng gabi ang ingay ingay. Ano kayang ingay yun? Rou-"
Gigisingin ko sana si Rough na kanina ay natutulog sa tabi ko pero wala akong nabalingan kundi mga unan.
"It might be her."
Bumangon ako para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas.
"Rough? Ikaw ba yan?" tawag ko sa kanya habang naglalakad ako patungo sa may sala.
Si Rough nga. Nakaupo sa gilid ng sofa. Nakayuko at wari'y umiiyak.
"Rough? Anong nangyari?" Hindi sya sumagot.
Hinawi ko ang buhok mula sa mukha nya. Umiiyak nga sya.
"Hey. What happened babe? Bakit ka umiiyak?"
Umiling lang ito at isinubsob ang mukha nya sa mga kamay nya.
I smelled her and doon ko naconfirm na nakainom sya.
"You forgotten about my rule Rough. I told you to stop drinking, didnt I?"
I heard her sob.
"Ano ba talaga ang nangyayari Rough? Tell me. Please." I hugged her pero lumakas lang lalo ang pag iyak nya.
"Shhh. Tama na. Tumahan ka na please Rough."
"All this years Dan. All this years hinanap ko sya. Simula ng malaman ko kung sino ang daddy ko, I searched for him. At ng makita ko sya? May ibang pamilya na sya Dan. Masaya sya kasama ang binuo nyang pamilya. Galit ako Dan. Kasi dapat kami ni mommy ang kasama nya at hindi sila. Kaya I told myself na gagantihan ko sya sa pag iwan nya sa amin ni Mommy. Pero when I saw him kanina, bigla akong nawalan ng lakas Dan. I should have killed him pero hindi ko nagawa."
Ano ba ang pinagsasabi nito? Is she referring to her dad? Bakit nya binalak na patayin ito?
"What are you talking about Rough? Sino ang papatayin mo?"
"My dad. Tadeo Rivera. Andun na ako eh. An inch away from him pero hindi ko nagawa Dan. Hindi ko sya magawang patayin. I want to hug my dad, Dan. I want to tell him about my existence." she cried even harder this time.
Pinatayo ko sya mula sa pagkakasalampak nya sa sahig at pinaupo ng maayos sa sofa.
"Look at me Rough. Tumingin ka sa mga mata ko."
Tumingin nga siya pero ewan ko kung naiintindihan pa nya ako. Lasing na lasing pala sya. I can see it in her face, in her eyes.
Pero alam kong she's telling me a fact about what happened to her earlier.
"Rough hindi tamang magtanim tayo ng galit sa mga taong nananakit sa atin. At mas hindi tamang idaan sa dahas ang mga bagay bagay Rough. Hindi nito masosolusyunan ang problema. Lalo lang itong lalaki."
"You dont know how it feels Dan. Kasi lumaki kang buo ang pamilya mo. Ako Dan? Ako, lumaking walang ama. Si mommy lang ang meron ako Dan pero kulang. May kulang Dan. Dahil hinahanap ko pa rin ang pagkalinga ng sarili kong ama. Alam mo? When I was little, sobrang naiinggit ako sa mga kabataang kasa-kasama ang kanilang mga ama. Naghahatid sa kanila sa school, nagtatanggol kapag may umaaway at may kumakarga kapag nadadapa. Pero ako? Kailangan kong tumayo at maglakad sa sarili kong mga paa Dan kasi wala akong ama." humagulgol lalo ito.
"Shhh. Tahan na. We will talk about this in the morning Rough. Hali ka. Aalalayan kita patungo sa kwarto ha? You need to sleep."
Inakay ko sya papasok sa kwarto. Pinahiga ko sya at agad naman itong pumikit.
"Problema to." napaupo ako sa gilid ng kama namin ng maalala kong kailangan ko pala syang palitan ng damit.
"Ahhh. Rough? Wala na. Nakatulog agad sa kalasingan. Ano ba to? Paano ba to? Bahala na nga." pikit mata kong hinubad ang suot nyang jacket, pantalon at tank top.
"Argh. Stop staring Daniel. Hindi tama yang ginagawa mo." saway ko sa sarili ng hindi ko mapigilang pagmasdan ang kabuuan nito.
"Woooh! Sh*t. Mas mahirap pa to sa mga kasong hawak ko." Saglit akong tumalikod at inayos ang namumukol ko ng pantalon.
"Bakit kasi ang sexy mo Rough? Pinatay ko na nga ang ilaw pero naaaninag pa din kita. Nagniningning ka kasi sa dilim."
"Sa wakas! Thank you Lord." Naisigaw ko matapos ko syang mabihisan.
Agad kong binuksan ang ilaw matapos ang ginawa kong pagpapalit ng damit nya.
Nangunot ang noo ko ng makita ko ang mga itinapon kong pinaghubaran nya sa lapag.
"Darts? What are these for?" i examined the darts bago ko inilapag sa side table.
"Sh*t! Bakit sya may mga bala?" aksidenteng nahulog ang mga bala mula sa bulsa ng pantalon nya ng kunin ko ito sa lapag.
Chineck ko ang pantalon nya at tama ang hula ko.
"May baril ka Rough? Para saan kaya ito? Bakit ka may baril? Sino ka ba talaga Rough? Ano ka ba talaga?"

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon