Chapter 4

290 12 0
                                    


[Someone's POV]

"Fvcking sh*t!" pinagsusuntok ko ang mga tauhang nagbalita sa akin tungkol sa nangyaring sagupaan laban sa BGG o Bad Girl's Gang na pinamumunuan ng mortal kong kaaway na si Rough San Sebastian na mas kilala sa underworld bilang si Black Empress.
Paano kong nalaman na sya si Rough? Malalaman nyo din sa mga susunod na kabanata.
"I told you to kill that bitch didnt I? Bakit ba ang tatanga nyo? Akala ko ba perpekto na ang planong nabuo nyo? Kesyo magrelax lang ako dito. Kesyo kaya nyo na yan at masusurpresa nalang ako. Mga ugok! Ang tatanga nyo! Bakit nakatakas pa ang Black Empress na yun?" pinagsasampal ko pa ang mga nakayuko kong tauhan.
"Im sorry Master! Ang dulas po ni Black Empress. May sa pusa yata. May tama na po pero nagawa nya pa din kaming lusutan ng pumasok kami sa isang subdivision."
"Kung di ba naman kayo sangdamukal na mga tanga! Iisang babae lang natakasan pa kayo?"
Nagsiyukuan na lamang ang aking mga tauhan.
"Sorry po Master. Hahanapin namin ulit si Black Empress para patayin."
Sinamaan ko ng tingin ang right hand ko.
"No. Wala muna kayong gagawin sa ngayon. Hayaan nyo munang isipin nya na wala tayong kinalaman sa pag ambush sa kanila. Maghahanap tayo ng tamang tyempo para lusubin silang muli. Siniguro nyo bang lahat ng namatay nating tauhan ay naligpit nyo?"
"Opo master. Wala po kaming bakas na iniwan. Matapos magkahabulan at nagkanya kanya ang grupo, binalikan ko po ang lugar at nilinis ang mga pakalat kalat na bangkay ng mga tauhan nating napatay ni Black Empress."
"Tang*ng babae yun! May araw ka din sa akin Black Empress! Hindi ako papayag na sumaya ka! Hindi ako papayag na magwagi ka sa laban nating ito."
Naiputok ko ang baril na hawak ko sa sobrang galit.
Mula noon hanggang ngayon wala ng ginawa ang Rough na yun kundi ang painitin ang ulo ko at talunin ako. Hindi ako papayag na ganito nalang palagi ang nangyayari.
"Magtutuos din tayo Black Empress! Magtutuos tayo sa takdang panahon!"

[Rough]

Sunod sunod na pinaputukan ko ang target na nasa harapan ko.
Dito ko inilabas sa firing range ang galit ko sa kung sinumang mga kinayupak na nang ambush sa amin kagabi.
"Ron!!!" sigaw ko dito matapos maubos ang bala ng hawak kong baril.
"Master?" agad nitong sinalo ang inabot kong baril.
Nilagyan nya ulit ito ng bala at lumayo agad bago ako nagpaputok na muli.
"Arggghhh!" galit na galit na pinaputukan ko ang mga target hanggang sa maubos na muli ang mga bala ko.
"Sino sa inyo ang gustong mag explain sa nangyari kagabi?" Nataranta namang nagsiluhuran ang mga miyembro ko na nandito.
"Patawad po Master. Naging kampante po kami na yung mga walang kwentang gangsters lang na yun ang makakalaban natin."
Ikinasa ko ang baril at itinutok sa kanila.
"Pag uuntugin ko kayo eh. Di nyo ba alam ang salitang BLUFF? Naloko nila tayo! Naloko nila si Black Empress dahil sa katangahan nyo! Mga tang*na nyo! Pinagkatiwalaan ko kayo kaya ako kampante na walang mangyayaring masama sa akin, sa grupo natin. Akala ko ba walang tanga sa grupo ni Black Empress? Bakit nangyari to?"
"Patawad po Black Empress. Hindi na mauulit pa ito. Sinigurado ko po sa inyo."
"Dapat lang, kung hindi ako mismo ang papatay sa inyo isa isa."sigaw ko sa kanila. Naupo ako sa sofa na nandoon at uminom ng champagne.
"Master." yumuko ang bagong dating.
"What do you need?"
"Master nandito na po ang result tungkol sa pinaimbestigahan nyong tao."
Napangiti ako ng malapad. Parang nawalang bigla ang init ng ulo ko sa narinig.
"Good. Salamat at may good
news din kahit papaano."
Kinuha ko ang iniabot nitong file folder.
Tumambad sa akin ang picture ng gwapong mukha ni Daniel Martinez.
[Profile:]
Name: Daniel Martinez
Age: 25
Civil Status: Single ("Nice. May pag asa pang mapasaakin sya.")
Occupation: Lawyer, 2 years in service / Disk Jockey, 5 years in service. 73.5 FM, Love on Air.
Marami pang nakalagay sa file pero this last one caught my attention.
" Lawyer. Hmmm. Kaya pala parang palaging seryoso ang pagmumukha. And he is a DJ. A love DJ. Interesting."
Binasa ko pa ang nilalaman ng mga files at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.
"Fvck it! Damn!"
Paano ba naman kasi ay nakasaad sa files ang pagsostalk sa kanya ng tauhan kong imbestigador sa nakalipas na 24 hours.
~
The file stated that he went to his lawfirm at around 8 in the morning until 5 in the afternoon. ("Workaholic. Ni hindi manlang lumabas ni minsan")
Then after 5 he visited an orphanage where he brought some food for the childrens living in there. ("Hmmm. Mapagkawang-gawa pala sya. Not a typical guy. I like it.")
At 9 pm he went to the FM station.
Dito na nanlaki ang mga mata ko.
Nakasulat dito ang isa sa mga tawag na sinagot ni Daniel also known as "DJ Dan."
His caller was no other than my latest victim.
Josh. Joshua Sarmiento. A college professor na natipuhan ko.
We've meet in a hotel where I stayed for the night after my gig. Sya din naman ay nandun for a seminar.
That guy I thought was somewhat special kaya I made efforts para mapasaakin sya.
And in just a snap napaamo ko sya at parang asong susunod sunod wherever i am. He gave me everything. Including flowers, chocolates and all that cheesy stuffs. Nawalan ako ng gana when he started acting weird. Yung halos gusto nya akong sundan 24/7. Yung gusto nyang controllin ang buhay at schedules ko. And i hate that kind of guy.
Marami akong secrets and i dont want him to know any of it kaya I dumped him.
"Kaya pala mukhang kilalang kilala nya ako. Gabi gabi pala syang nakakatanggap ng tawag mula sa mga pinaglaruan kong lalaki."
Napangisi ako.
"Kaya pala he called me playgirl."
Tumayo na ako mula sa sofa.
"Im going. Make your master proud guys. Kill them. Patayin nyo kung sino man ang nang ambush sa atin."
"Yes Master."
Tinalikuran ko na ang mga ito. I have something more important thing to do than that fvcking sh*t gangsters.
~
Dumating ako sa station bandang 11. I think ganitong oras sya kung umuwi.
Pumasok ako sa station wearing my "rocker chick look." "Sexy black" for others.
Leather jacket on top of a tube top, tight black jeans (I never wear girly stuffs like formals and cocktail dresses or even mini skirts. Im comfortable wearing my jeans.) and boots for my feet.
"Cool. I think im famous on this part of the earth."
Bulong ko sa sarili habang naglalakad ako sa hallway ng FM station.
Paano ba naman kasi i can hear buzzes all over like:
"Si Rough ba yan?"
"Cool Rough San Sebastian"
"Oh my God! My idol! RSS!"
"Sya ba yung famous playgirl? Is that Rough San Sebastian?"
"She's here. My crush!"
Ilan lang sa klarong bulong na naririnig ko sa paligid.
Napataas ang kilay ko ng makita si Daniel with some girls. Hmm. Probably college students.
"No one dare touches what's for me."
Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila at ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Daniel.
"Kanina pa ako naghihintay sa kotse Dan. Lets go?"
Halos manlaki ang mga mata nito pero saglit lang bago napatiim ang titig nito sa akin.
"What are you doing here?" tanong nito sa akin.
"Im coming home with you Daniel."
"What the he..." hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon