Chapter 18

233 12 0
                                    


[Rough]

"You are impossible Dan. Halos 1 week lang na naging tayo and then you broke up with me without letting me explain my part tapos you were dragging me into this marriage thing? Are you on drugs?"
I cant believe what he's bargaining in me.
Ako? Si Rough San Sebastian? The famous playgirl? Magpapatali sa lalaking isang linggo ko palang nakilala? Okay naman sana because he seemed a decent man pero for goddamn sake noon yon! Noong hindi ko pa alam na he is my first love's killer!
"I dont think it will ever be a good idea Dan." Nakatingin lang sya ng matiim sa akin.
"Then we are not talking about anything from now on Rough. Ayokong mag aksaya ng panahon sa laro. Im not that kind of man."
Memories of Chris flashed on my mind. His happy smile, his jolly aura and his love for me. Bumangon ang sobrang galit sa puso ko.
Gustong gusto kong dambahin si Daniel sa mga oras na ito at iputok sa ulo nya ang baril na nakatago sa likuran ko.
But Jem's face crossed into my mind. And then I imagined dad, mom, Rain and Snow's bloody face.
"Argh." napasabunot nalang ako sa ulo ko. Jem is leaving me with no choice.
Oo this will be one of the best solution para magkabalikan kami ni Daniel at mafulfill ang 100 days mission ko.
But damn! It is MARRIAGE!
Maging successful man ako sa 100 days na yun I will be stuck with Daniel forever. I will be stuck with Christopher's killer forever.
"Oh anong nangyari sayo? Its easy Rough. I want marriage. Gusto kitang mapatino sa sarili kong pamamaraan. Kapag kasal na tayo wala ng sinumang lalaki ang pwedeng lumapit at makipagdate sayo."
"You are crazy! Itatali mo ako sa pamamagitan ng kasal dahil lang sa nonsense jealousy mong yan?"
"Nonsense jealousy? Damn! Una palang Rafaella i had been vocal about my intentions. Gusto kitang protektahan, gusto kitang mapatino, gusto kitang pasayahin but now your accusing me of having this nonsense jealousy as you call it?" galit na hinawakan ako nito sa braso.
"Listen Rafaella. Aaminin ko I am jealous. Oo nakakatawa yun para sa isang playgirl na kagaya mo. Seryoso ako Rough. I dont want to waste my time playing your goddamn games. I want marriage. Kung ayaw mo tapos ang usapan and it will be goodbye."
Ang sarap nalang magpakamatay sa mga oras na ito. Nakakainis na nakakabwisit na ewan.
"Oo na. Damn!I will marry you."
Nagliwanag naman ang mukha nito.
"But I have one condition."
"What is it Dan?"
"Marry me now. Not tomorrow. Not on the following months or years but today. Now."
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit kaya sya nagmamadali? Why?
"But Dan."
"Take it or leave it Rough."
"Oh hell! Fine! But in one condition too."
"What is it?"
"I want it to be a secret wedding. Yung tayo lang muna na dalawa ang nakakaalam." Mahirap ng malaman ito ni Jem. It will make things worse. Baka isipin nyang im playing my tactics on her. Na ginawa ko to just to be safe and sure na hinding hindi kami maghihiwalay ni Daniel sa loob ng 100 days.
But damn! This is not my idea! Ayokong mapahamak ang pamilya ko dahil sa deal namin ni Daniel lalo na dahil sa deal namin ni Jem.
"Im not buying it Rough."
"Pumayag ka na. Just for 100 days. Tapos magpapakasal na tayo formally sa church." nangunot ang noo nito.
"100 days of being secretly married? What for?"
"Basta. Ito lang ang hihilingin ko sayo Dan. Ito lang."
Nag isip ito saglit bago tumango.
"Okay fine. But I will be the one to choose the Judge na magkakasal sa atin. Mahirap na at baka pekein mo pa."
"Oo na. Oo na." Crap! Nakakainis! Paano na to? I never had any choice.

[Rough]

The judge handed us the documents na kailangan naming mapirmahan na magpapatunay na kasal na nga kami ni Daniel.
I still cant believe this is happening.
Of all people bakit sya pa? Bakit sya pa ang kailangan kong pakasalan?
Sinamaan ko sya ng tingin as I get the pen to sign the papers.
Bumuntong hininga muna ako bago ko permahan ang dokumento.
Nakangiti naman si Daniel ng iabot ko sa kanya ang papeles para pumirma na din sya bago ito ibinalik sa Judge.
Sinipat ng judge kung tama ba ang napirmahan namin and smiled widely at us.
"Well and good. I now pronounce you husband and wife. Congratulations."
Tumango lang ako kay Judge at ngumiti ng alanganin.
"Kiss naman po dyan." sabi nung kinuha naming witness na ni hindi namin kilala kung sino. Basta nalang sya hinablot para may magpatunay sa kasal na ito.
"Oh paano ba yun honey? Kiss daw."
Sinamaan ko sya ng tingin pero nagulat na lamang ako when he grabbed my waist para mailapit sa katawan nya and kissed me hard in the lips.
"Sweet naman." sabi nung judge na nagkasal sa amin.
Tumikhim ako at napalayo kay Daniel.
"Salamat Judge. Mauna na po kami." sabi ni Daniel ng makita nya akong tumalikod.
"No problem Attorney. Ikaw pa ba?"
"Salamat po. Judge, yung napag usapan po natin ah?" narinig kong sabi nito sa judge.
"Sure sure. I'll keep this a secret hanggang sa kunin nyo na akong ninong sa church wedding ninyo."
"Hahaha. Sure po. Sige po. Thank you again judge i mean ninong."
Tss. Feel na feel naman ng gago ang kasal-kasalan na to.
"No problem Iho. Oh sige na at may honeymoon pa yata kayo. Goodluck. Hahaha."
Nagtawanan na naman sila. Ito akong parang bulkan ng sasabog sa init ng ulo ko dahil sa sitwasyong kinasusuungan ko sa ngayon.
Maya maya ay nagulat na lamang ako ng may humawak sa beywang ko.
Pumiksi ako at lumayo ng konti sa kanya.
"Bakit parang diring diri ka naman sa akin Rough?" tanong nito at humapit na muli sa beywang ko ang kamay nya. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hindi. Im just tired."
"Tired? Tired with what?"
"Nothing. Im just tired."
"Really? Napagod ka ba sa ginawa nyo ng Martin na yun kagabi?" i can sense anger and jealousy in his tone.
"Wala nga akong kilalang Martin for goddamn sake!"
"Wala ba? O nagmamaang maangan ka lang Rough? Oh come on. Bakit all of a sudden nahiya kang ipangalandakan ang lalaki mo? Dati naman you were so damn boastful about your toys." nag init ang ulo ko at sinampal ko sya. Nagulat naman ito at napahawak sa namula nyang pisngi.
"I told you I did not do anything! Dyan ka na nga." tinalikuran ko na sya.
I have much important things to do than this. Kailangan kong makahanap ng paraan para matigil na ang kahibangan ni jem at pagkontrol nito sa buhay ko.
"Wait! Rough!" tawag ni Daniel sa akin ng makasakay na ako sa kotse ko.
Pinasibad ko ito without giving him another glance.
Mas gugustuhin ko pang makasama ang pamilya ko sa ngayon ksa mag aksaya ng oras sa pakikipag argue sa kanya.
>>>
I had a nice dinner with my long lost family. Ang saya pala ng buhay na kasama sila. Ang kalog ng mga magulang ko pati na din si Snow. Parang ang simple lang ng buhay nila pero masaya. Ganun din si Rain at ang asawa nyang si Jacob kasama ang kambal nila. Sana noon ko pa sila nakilala. Sana hindi nalang din ako nalayo sa kanila.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa driveway.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid.
It will be my home from now on. Kasama sa usapan namin ni Daniel na sa bahay nya ako uuwi.
Well his house is not that bad to stay in.
Malaki ang bahay nya. Malapad ang lawn na nababanigan ng bermuda grass. Maraming orchids na nakahilera sa gilid ng pader na nagpapabango sa paligid.
His house is two-storey painted with white and blue.
Malaki pero mag isa lang din syang nakatira dito.
I parked my car sa tabi ng kotse nito at akmang papasok sa bahay when I hear the water splashed from the back of the house.
I got curious kung kaya't tinalunton ko ang daan patungo sa likod ng bahay.
"May swimming pool pala dito."
I went near the pool pero nagulat ako sa biglang pag ahon ni Daniel mula sa tubig.
Natigil ako sa paglalakad at napahalukipkip na lamang ako sa may pader.
I get mesmerized by his wet look. Mas gwapo pala sya kapag basa ang buhok nya. And his body? Hindi ko mapigilang mapalunok. His six pack abs glistening with water caught my attention. Parang ang sarap sigurong hawakan ng abs nya. I think it will even get harder with my touch. Dumiritso pababa ang tingin ko. Napalunok ako bigla when i saw the bulk on his briefs. I can say that he is big down there kahit pa sabihing I never saw any manhood in my life.
Nabaling ang tingin ko sa ibang direksyon when I saw him come my way. Nakita nya pala ako.
"What took you so long to be home?" medyo galit ang tono ng boses nito.
Napakibit balikat na lamang ako. I dont have time explaining. Napapagod na ang utak at puso ko.
Nagulat nalamang ako ng isandal nito ang mga kamay sa pader at nakakulong ako sa gitna ng mga ito.
I shivered when he started smelling me.
"What are you doing Dan?" I had to push him away. Nakakakiliti kasi ang hininga nya.
"Im smelling you. Hindi ba obvious?"
"I know. Para kang aso sa ginagawa mong yan."
"Inaamoy kita para malaman ko kung galing ka na naman sa mga lalaki mo."
Naningkit ang mata ko sa narinig and I slapped him.
"You are being unreasonable. Pinakasalan mo ba ako para lang bastuhin Daniel?"
Napatikhim naman ito at ikinulong ako sa mga yakap nya.
"Ano ba Daniel. You're soaking me wet. Mababasa mo ang damit ko."
"Hmmm. I just want to say sorry. For being a jealous jerk."
"You have to be. Dont think that I even loved being married to you."
"What do you mean?"
Kunot noo nitong tanong. Napabuntong hininga ako. I have to tell lies again. Oh God! Im now a fvcking liar.
"Ginagawa ko lang ito to make my mom stop midling with my life. Ayoko ng pinapakialaman nya sa mga decisions ko."
"So your making me an excuse para magawa mo ang gusto mo ng walang nangingialam sayo?"
"Exactly. And I did you a favor. Gusto mo to diba? Idea mo ang pagpapakasal sa akin diba? But dont think that i will become a submissive wife Dan. I will still do my thing. Dahil yun ang nakasanayan ko."
He gripped me by the shoulders.
"What is wrong with you? Ano ang problema mo Rough?"
("Ikaw Daniel. Ikaw ang problema ko. Pinatay mo si Chris. You fvcking killer! Wala kang puso!") Gustong gusto ko sanang isigaw sa kanya pero hindi pa ito ang tamang panahon.
"Im just being honest to you Daniel. Gusto kong malaman mong ginagamit lang din kita. I want you to act sweet and nice sa harap ng maraming tao. Diba gusto mong bakuran ako? Then suit yourself. Ipakita mo sa buong mundo na sayo ako. That is hitting two birds with one stone. You can get rid of my toys as well as mapapaniwala si mommy na maayos tayong nagsasama. But when we are alone? Dont ever think about touching me."
"Your impossible Rough. Ang gulo ng utak mo."
"Yes. I am. Kaya malas mo at ako pa ang pinakasalan mo Daniel. And dont think of making foolishness kapag nasa labas tayo at magkasama. Act like my true husband. Dahil yun ang tama at yun ang dapat. I know you think about all these para mapatino ako. But unluckily you did me a great favor Daniel."
"You are hopeless Rough. Nababaliw ka na."
"Maybe I am. But im not crazy for you Daniel. I have my reasons for being like this. At wag mo akong piliting sabihin sayo."
Tinalikuran ko na sya doon. All the love I had for him seemed to disappear ng malaman ko ang ginawang nilang pagpatay kay Chris. Alam kong sinubukan pang mabuhay ni Chris para sa akin pero pinatay nila sya. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Sya at ang daddy nya.
("You made my life a living hell when you killed Christopher. Now its time na pagbayarin kita sa nangyari sa buhay ko all this years. I'll make your life a living hell too. Ipaparanas ko sayo kung gaanong kasakit ang naramdaman ko back then.")

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon