Chapter 3

323 16 0
                                    


[Daniel]

Naghikab ako. Inaantok na ako. Naging sobrang nakakapagod ang araw na ito para sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala na naman ang babaeng 'yun.

"R.o.u.g.h." nasambit ko na lamang habang nagmamaneho pauwi sa bahay ko. Bakit ba ang harsh n'ya sa mga kalalakihan?

Parang lahat yata ng naging caller ko, kung hindi naging ka fling n'ya na iiwan n'ya lang pagkatapos nyang paglaruan, 'yung mga nerd at weird na mga lalaki naman na nagkakandarapa din na kahit daw isang oras lang maging sila ng Rough na 'yun.

"Tss. Mga baliw. Ang daming matitinong babae d'yan eh 'yung girlfriend ng bayan pa ang nagustuhan. Mga ugok talaga."

Gabi gabi nalang sa programa ko hindi mawala wala ang mga callers na naglalabas ng hinaing nila patungkol kay Rough San Sebastian.

"Tengene para ka bang dyosa sa ganda na ganyan nalang sila kung kabaliwan ka? Hay. Nevermind na nga. Ang affected ko talaga. Tama na sigurong mapayuhan ko sila."

Nagulat nalamang ako ng pagpasok ko sa driveway ay may sumabay na nakamotor sa akin papasok ng bakuran ko.

Dumeritso ito sa tagong bahagi at napasandal sa pader ang rider nito.

Kinuha ko ang baril sa may glove compartment ng kotse ko.

Isinarado ko ang gate at nilapitan ang rider ng motorsiklo na nakasandal lang sa pader at walang kakilos kilos.

"Who are you? Bakit ka pumasok dito?" tanong ko ng makailang beses sa kanya.

Hindi ito sumagot bagkus akmang magtatanggal ng helmet.

Niready ko ang aking baril na nakatago sa aking likuran at kung may gagawin man itong masama, na wala naman sana, hindi ako mag aatubiling barilin s'ya.

"Wow." nasambit ko na lamang sa utak ko ng matanggal na ang helmet n'ya.

Sobrang ganda n'ya.
Maputi s'ya.
Hindi ko masabi kung gaano katangkad dahil nakasandal ito sa pader pero sa tingin ko hindi nalalayo sa height ko ang height n'ya.

Medyo manipis ang kilay na normal lamang na inaalagaan ng mga kababaihan.

Yung mapipilantik n'yang pilikmata na bumabagay sa singkit n'yang mga mata.
May matangos na ilong at mapupulang mga labi.

Para syang artista. Ah hindi. Para talaga syang dyosa.

"Miss? Who are you? Are you okay?" nilapitan ko sya. I can see pain written all over her face.

Niyugyog ko ang balikat n'ya upang sana ay sumagot ito ng maayos sa mga tanong ko.
Pero mali yata ang ginawa ko kasi lalo itong namilipit sa sakit.
I told her na dadalhin ko s'ya sa hospital pero ayaw n'ya.

Nagmamakaawa na dumito muna s'ya saglit pero nagulat na lamang ako ng mawalan ito ng malay.

Kinarga ko sya at dinala sa kwarto ko.

"Sino ka ba talaga?" natanong ko na lamang habang pinagmamasdan ko ang magandang babaeng nakahiga sa kama ko.

Nagpatulong ako sa maid ko sa pagbibihis sa kanya matapos kong gamutin ang sugat n'ya. May tama ng bala ang balikat n'ya pero mabuti na lamang at daplis lang ito.

"Napakamisteryoso ng pagkatao mo. Pero I must say. You are pretty. And i'm sure hindi ka kabilang sa madilim na mundong kinaiinisan ko kahit nakikita ko sayong gustong gusto mo ng itim na kulay."

I hate war. Yung tipong gang war, frat war at kung ano ano pang labanan na laganap sa lugar namin ngayon.

"Sana hindi ka kabilang sa kanila. Sana hindi mo doon nakuha yang sugat mo. Pero hindi eh. Your face is too angelic para maging kagaya nila." kinakausap ko ito habang nakatunghay sa kanya.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon