Chapter 6

252 12 0
                                    


[Rough]

Napabalikwas ako ng bangon.
I had dreamt of him again. Maybe a million times now.
Chris. Christopher. My first love.
Ewan ko kung bakit lagi ko syang napapanaginipan for the past 6 years.
6 long years since he left me hanging!
Yes! He left me without a word. He left me without even saying goodbye.
*Flashback*
"I love you thart." bulong nito sa tenga ko habang nakaupo kami sa may damuhan sa park malapit sa school.
"I love you too Chris. Sana ganito nalang palagi noh? Yung masaya lang. Tayong dalawa, magkasama habang buhay." inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.
"Oo naman thart. Yun din ang gusto ko." napabuntong hininga ito kaya nilingon ko sya.
"May problema ba Chris?"
Ngumiti naman ito ng pilit.
"Gusto akong ipadala ni dad sa US. May businesses na kasi syang nasimulan doon. Gusto nya na ako ang mamahala doon."
My tears started to fall.
"Paano naman tayo? Iiwan mo nalang ba akong mag isa dito? Alam mo namang ikaw lang ang sandalan ko diba thart?"
"Shhh. Wag ka ng umiyak thart. Kaya nga I decided na magtanan nalang tayo. Lumayo tayo. Pwede naman yun diba?"
I looked at him. Parang seryoso naman sya at determinado sa sinasabi nya.
"Pero thart maiiwan ko si Mom. Alam mong kaming dalawa nalang sa buhay."
Medyo kumunot ang noo nito.
"Akala ko ba gusto mo akong makasama Rafaella?" hindi ako sumagot. Iniisip ko pa kung ano ang mas mabuting solution sa problema.
"Ella naman eh."
"Chris alam mo namang hindi ganun kasimple yun diba? May mga businesses din si Mom na kailangan kong tutukan. Oo at 18 palang tayo. Nag aaral palang din naman. Pero hindi tayo basta bastang mga estudyante lang Chris. May mga responsibilidad tayo sa kompanya ng mga magulang natin." mahaba kong paliwanag. Mahal ko si Chris pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay mommy.
"So you're not going to give me any choice Ella? Ganito nalang. I'll be in this park on friday. 7pm. Hihintayin kita. On saturday kasi kailangan ko ng umalis patungong New York. Kung hindi ka dumating meaning nun wala na akong magiging choice but to leave. Mahal kita Ella at lahat kaya kong isacrifice para makasama lang kita."
That was his ruthless last words 6 years ago.
Dumating ako sa tagpuan namin kasi i cant afford to loose him.
6.7.8.9 hanggang maghatinggabi pero walang Chris na dumating. I cant even contact his phone.
Araw gabi ko syang iniyakan hanggang dumating sa point na sumuko na ako. Sumuko na akong maniwala sa pag ibig.
*End of Flashback*
I became what they called "a playgril" kasi tamang paglaruan ko din ang mga lalaki gaya ng ginawa ni Christopher sa akin.
"How are you feeling Rough?"
Si Daniel, pumasok ng nakaapron pa.
I saw concern on his eyes. Sa dinami dami ng lalaking nakasama ko. Itong si Daniel lang yata ang nakakitang naging mahina ako. Siya din lang itong nag alaga sa akin.
Hmmmm. He's really something.
"Im fine now. Thanks. You look good with that apron on Dan." he chuckled.
Lumapit sya sa kinaroroonan ko at sinalat ang noo ko.
"Bumaba na ang lagnat mo. Akala ko naman nagdedeliryo ka pa kasi nambobola ka."
Nginitian ko sya.
He is the only person i can clearly read. Yung expressions ng mukha nya are so visible na malalaman ko agad kung nagbibiro lang sya o seryoso ang sinasabi nya.
"Your too good to be true Daniel."
"Hmmm. Maybe I dont have any choice. Im your boyfriend right?"
Hala! Ano daw? Bakit parang nag iba yata ang ihip ng hangin.
If i can recall, kagabi, kinailangan ko pa nga syang iblackmail para mapilitan lang syang maging boyfriend ko tapos all of a sudden, natulog lang ako, parang tinanggap nya na agad na kami na.
"What on earth is happening to him?"

[Daniel]

Nakakunot ang noo nya habang nakatitig sa akin.
Siguro nagtataka kung bakit bigla ko nalang tinanggap ang pagiging boyfriend nya.
"Lets just say na nagbabayad ako ng utang na loob. Kaya I need to fulfill a dead man's wish."
*Flashback*
Lakad takbo ang ginawa ko sa park ng gabing yun. Bumili lamang ako ng chocolate sa convenient store ng pagdiskitahan ako ng mga adik na nakatambay sa park na yun.
"Hoy!" itinulak ako ng taong nabangga ko.
"Dan? Im sorry pare akala ko kung sino na. Bakit ka tumatakbo?" Nakabungguan ko ang dati naming kapitbahay. Si Chris.
"Chris? Salamat at nakasalubong kita. Itago mo muna ako please. May humahabol sa akin. Hingal na hingal na ako. Sumasakit na naman ang puso ko."
"Sige magtago ka sa likod ng mga halamanan. Sakitin ka pa din pala hanggang ngayon Dan."
Nagtago agad ako sa halamanan at tahimik na nagmasid sa paligid.
Maya maya pa ay nagsidatingan ang mga adik na humahabol sa akin.
"Hoy! Ikaw? May nakita ka bang lalaking nakaitim na tshirt at pulang sombrero na dumaan dito?" tanong ng isang adik kay Chris.
"Wala eh. Kakarating ko lang din dito. Anong kala nyo sakin information desk?" sagot naman ni Chris.
"Naku bakit ganun sya kung sumagot? Alam nya namang mga adik yun eh. Sinabihan ko na sya." bulong ko.
"Aba't matalas ang dila mo ah. Itong sayo." nagulat nalang ako ng pinagsasaksak ng mga hayop na adik na yun si Chris.
Nagsitakbuhan na sila pagkatapos.
I dial dad's number.
"Hello. Bakit Dan?"
"Dad we need your help. Si Chris po nasaksak. Yung kaibigan ko po. Andito po kami sa park."
"Oh Jesus. Sige papunta na kami. Tell your friend to hold on."
Agad kong nilapitan si Chris na nakahandusay sa may damuhan.
"Chris. Chris. Sandali nalang darating na sina dad. Hold on."
Nginitian nya ako. Maya maya pa ay may lumabas na dugo sa bibig nito.
"Oh God. Chris. Please live. Im sorry. Im really sorry at napahamak ka pa ng dahil sa akin."
"Its okay Dan. Kasalanan ko din naman kasi kaagad nag init ang ulo ko sa kanila. Mga adik nga pala yun. Hahaha" nahina nitong sagot.
"Alam mong hindi na ako magtatagal Dan. Kunin mo ang puso ko Dan ng sa gayon ay gumaling ka na. Kailangan mo ng transplant diba? Alagaan mo yung puso ko ha? And please look for her. Please gawin mo ang lahat para lumigaya sya. Please do everything para mapatawad nya ako. Alam kong magagalit sya sa hindi ko pagsipot sa tagpuan namin ngayon. Please do everything for Ella, Dan. Please. Yun nalang ang kabayaran sa pagliligtas ko sayo ngayon." Umiiyak na pagsusumamo ni Chris sa akin.
"Who's Ella, Chris?"
"Do everything para makilala at makita mo sya Dan. Alam kong magkakatagpo din kayo ni Ella. Promise me na hahanapin mo sya Dan. Promise me. Ihingi mo ako ng tawad." Tumango naman ako.
"Promise Chris. I swear." tapos sumuka na ulit ito ng dugo. Sobrang dami na this time.
"Chris. Chris. Hold on please. Mabubuhay ka pa."
Dumating naman agad agad sina Dad at dinala namin si Chris sa ospital.
I told dad about Chris donating his heart to me but I told Dad to do everything just to make Chris well.
Pero wala. Namatay pa din sya. And his heart? Its still living within me.
Naging match ang puso ni Chris para maitransplant sa akin.
Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya pati sa pagsagip nya sa buhay ko nung gabing yun.
I looked for Ella everywhere hanggang sa nagkatrabaho na ako at naging sobrang busy kaya't saglit kong nakalimutan ang tungkol sa kanya at sa pangako ko kay Chris.
*End of Flashback*
Until I found that picture. Ang picture nina Chris at Rough together.
Paano ko nasigurong si Rough si Ella?
A dedication is written at the back of the picture with her full name in it.
"Himala yata at mukhang hindi ka na napipilitang maging boyfriend ko?" nakangiti nitong tanong.
"Choosy pa ba ako? An angel from above was sent just for me." nakangiti ko namang sagot sa kanya.
"Tss. Bolero. Anong nakain mo?"
Tawa lang ang isinagot ko sa kanya.
"Chris. Im ought to fulfill my promise. And I had plans on changing her image and character. I hope tama nga itong ginagawa ko."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon