Chapter 14

248 10 0
                                    


[Rough]

Nagising ako sa gitna ng gabi dahil sa pagtunog ng cellphone ko.
Mag isa lang ako sa bahay dahil nasa duty si Daniel.
Agad kong sinagot ang tawag.
"Ron? Bakit? Gabing gabi na tumawag ka pa. Nakalimutan mo na yata ang rules ko." pagalit na singhal ko dito.
"Black empress. Black empress." Bakit ang hina yata ng boses nito.
"What? Tumawag ka lang ba para sabihin ang pangalan ko Ron?"
"Sinusugod kami Black Empress. Ang dami ng namatay na mga kasapi natin." nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Sino Ron? Sino ang nangahas na kalabanin ako? Sino?"
"Si Big Mommy. Si Big Mommy, Black Empress."
Oh my! Bakit?
"Tumakas muna kayo Ron. Magtago muna kayo at kakausapin ko si Big Mommy. Be safe Ron. Be safe Black Knight."
I turned of my phone at agad akong nagbihis para puntahan sana si Big Mommy.
Bakit nya ginawa to? Bakit?
My phone rang again. Nangalit ang bagang ko ng malamang si Big Mommy ang tumatawag.
"Good evening Black Empress."
"Why Big Mommy? Why?"
"Hahaha. So nakarating na pala sayo ang balita. Ang bilis naman ng tauhan mo."
"Bakit Big Mommy? Bakit mo ginawa to? Im under your wings right? As I can recall ikaw pa itong nagrecruit sa akin para sumali sa Mafia mo."

*Flashback*

"I hate you Chris! I hate you!" basang basa na ako ng ulan habang nakaupo sa bench sa parke na yun.
Ilang oras akong naghintay pero walang Chris na dumating. Ring lang ng ring ang cellphone nito pero walang sumasagot hanggang sa malowbatt nalang ang cellphone ko kakadial.
Iyak ng iyak ako ng gabing yun hanggang sa mapansin ko na lamang ang mga nakangising lalaki na nakapalibot sa akin.
"Ano pong kailangan nyo sa akin?"
"Miss nag iisa ka lang ba dito? Gusto mo bang samahan ka namin?" sabi nung isa sabay lapit sa kinaroroonan ko.
"Wag po kayong lalapit. Please po. Maawa na po kayo." i hugged my bag. Nanginginig na ako sa lamig pero nahigitan pa ito ng takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Hindi ka naman namin sasaktan eh. Sasamahan ka lang namin dito. Nakita kasi naming malungkot ka. Papasayahin ka lang namin. Diba mga tol?" nagsitanguan naman ang mga kasamahan nito.
"Wag po please." I had no choice. Ibinato ko sa kanila ang dala kong bag at tumakbo.
Bahala na kung saan man ako mapadpad. Ang mahalaga ay makalayo ako sa mga lalaking yun.
Ng lingunin ko sila ay nagulat ako na ang lapit na nila sa akin. Tumatakbo din sila at hinahabol ako.
"Lord. Please save me po. Please." takbo ako ng takbo hanggang nakarating ako sa highway.
"Aray" napasigaw na lamang ako sa sakit ng mahagip ako ng humaharurot na sasakyan.
Nagpagulong gulong ako sa daanan at nawalan ng malay.
Paggising ko ay nasa ibang lugar na ako. Pero agad akong nagsumiksik sa gilid ng higaan ng mapansin ko ang mga nakaluhod na kalalakihan sa harapan ko.
Natatandaan ko ang iba sa kanila kaya sobra ang takot ko.
"Gising ka na pala." sabi nung nakamaskarang pumasok. Sigurado akong babae sya sa pigura at dahil sa mahaba nitong buhok.
"Natakot ka ba sa pagmumukha ng mga yan?"
Tumango naman ako at umiyak ng tahimik. Umupo ang nakamaskara sa tabi ko.
"Pagpasensyahan mo na ang mga yan. Napahamak ka pa tuloy ng dahil sa kanila."
I looked at myself. Puno ng gasgas, pasa at sugat ang iba't ibang parte ng katawan ko.
"Nabangga ka ng sasakyan. But dont worry. Naiganti na kita." sabi nito and hold my hand.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Takot ka ba dahil nakamaskara ako? Dont worry, im a friend."
"Hindi po ako natatakot sa inyo. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang pagtulong nyo sa akin. Pero takot po talaga ako sa kanila."
Itinuro ko ang mga lalaking humahabol sa akin kagabi.
"Bakit? Anong ginawa nila sayo?"
"Hinabol po nila ako kagabi kaya po ako napunta sa highway at nasagasaan."
"Hmmmm. Kaya ka pala takot sa kanila. Ganun pala ha? Gusto mo bang makaganti sa kanila?"
Tinitigan ko ang mga lalaki. Namumutla yata sila dahil sa sinabi ng nakamaskara.
"Po?"
"You can kill them all. Akong bahala sayo." nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Nagulat ka ba? Pwedeng pwede mo silang patayin lahat. At wala kang aalalahanin dahil ako ang bahala sayo. Sagot kita."
"Po?"
"Maawa po kayo Big Mommy. Maawa po kayo." sabay sabay na sambit ng mga lalaki.
Kung kagabi ang aangas nila pero ngayon bakit parang takot na takot sila sa babaeng nakamaskara na ito?
"Maaawa ka ba sa kanila?"
"Po?" Nagsipalitan naman ang mga lalaki sa akin. Akmang hahawakan ako ng isa ng magtago ako sa likod ng sinasabi nilang Big Mommy.
"Maawa ka po sa amin. Hindi na po namin uulitin." pagsusumamo ng mga ito sa akin.
"Maaawa ka ba sa kanila?"
"Mukha naman pong nagsisisi na sila Big Mommy. Siguro pwede naman silang bigyan ng second chance."
"Walang second chance kapag may nagkasala kay Big Mommy."
"Po?"
"Kung gusto mo silang iligtas pamunuan mo sila at patinuin."
"Po?"
"Yes. Gusto kitang maging kasapi sa mafia ko. Gusto kitang maging leader sa isa sa mga gang ko."
"Po?"
"Remember na may utang na loob ka sa akin Rafaella San Sebastian"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Paano nyo pong nalaman ang pangalan ko?"
"Walang nakakaligtas na impormasyon kay Big Mommy, Ella."
Kaya ayun. I had no choice kundi mapabilang sa LMM na pinamumunuan ni Big Mommy. Doon na nagsimula ang buhay gangster ko kasabay ng pag iwan sa akin ng walang hiyang Christopher na yun.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon