Chapter 21

219 10 0
                                    


[Daniel]

"Rough? Honey? Breakfast in bed." panggising ko dito habang niyuyugyog sya ng kaunti. Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina maya maya.
"Ilagay mo lang dyan. Mamaya na ako kakain."
Napabuntong hininga ako. It had been 3 months pero ganito lang kami palagi. She's cold. Kahit anong lambing ang ginagawa ko wala talagang epekto.
I cooked her breakfast before going to work everyday. Pagdating ko sa gabi i cook her dinner bago ako pumasok sa FM station pero wala, she doesnt appreciate it. Palaging mainit ang ulo nya at masama ang tingin kapag kaming dalawa lang.
Pero kapag nasa labas kami ng bahay like we go shopping or eat lunch sa labas, she's sweet, pero alam kong peke lang.
"Ganito nalang ba tayo palagi honey?"
Bumangon naman ito at hinarap ako.
Nagkatitigan kami pero agad din syang nagbawi ng tingin.
I want to hold her; kahit yun lang. Kahit kiss sa cheek hindi ko na nagagawa. Kahit ayusin manlang ang nagusot nyang buhok dahil sa pagtulog hindi ko magawa. Pero ni dulo ng daliri nya kapag kaming dalawa lang, ni hindi ko mahawakan dahil nagagalit sya.
"Wala kang mapapala sa akin Daniel. It will be like this forever. Hmmm. Maybe it'll be easier for the both of us kung maghihiwalay na tayo after 100 days."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Whats with 100 days? Bakit kailangang maghiwalay na tayo? For goddamn sake Rough! It'll be 10 days before it happens. Ano ba talaga ang problema?"
Nagkibit balikat lamang ito at pumasok sa banyo para maligo. Alam kong maya maya ay mauuna na naman itong umalis at hindi ko na naman alam kung saan sya pupunta.
"Masama na talaga to. Hindi na tama to. I have to make a move bago mangyari ang binabalak nyang pakikipaghiwalay sa akin.Im not guilty. At sigurado ako doon. Hindi ko ginusto ang pagkamatay ni Chris. At hindi ko inasam na kitilin ang buhay nya para lamang mailipat ang puso nya sa akin."
Napaisip ako. Ano kaya ang pwede kong gawin? Sino ang pwede kong hingan ng tulong?
"Si Dr. Sanchez. Sya ang sagot sa problema ko. I have to bring him here para tulungan akong makapag explain kay Rough. Tama! Kailangang puntahan ko na sya ngayon din."
>>>
"Tao po! Dr. Sanchez! Tao po!" sigaw ko mula sa labas. Doorbell ako ng doorbell kanina pa pero wala manlang sumasagot sa akin.
Maya maya ay may nakita akong sumilip sa bintana.
"Tao po! Dr. Sanchez!" sigaw ko ulit pero pinagsarhan lang ako ng bintana nung sumilip.
"Bakit kaya?" napakunot ako ng ulo. Bakit ayaw akong pagbuksan nung taong yun? Wala naman akong binabalak na masama ah.
Nagpunta kasi ako kanina sa ospital kung saan ako inoperahan dati. Ipinagtanong ko si Dr. Sanchez pero hindi na daw doon nagpapakita ang doctor mahigit 3 buwan na ang nakakaraan. Humingi ako ng address at swerte namang may nakakaalam sa tinitirhan ng doktor.
"Tao po! Ako po si Daniel Martinez. Ang dating pasyente mo Dr. Sanchez. May kailangan lang po sana ako sayo." sigaw ko mula sa labas.
Hindi naman kalayuan ang bahay sa gate kung kaya't alam kong maririnig nila ako sa loob.
Bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang matandang babae. Nagpalinga linga muna ito sa paligid bago tuluyang binuksan ang gate at dali dali akong hinila papasok ng bahay.
Napabuntong hininga ito ng makapasok kami sa loob.
"Bakit ka pa nagpunta dito? Dilikado."
"Po?" Ngayon ko lang napasok ang bahay na ito. At tama ako. Kay Dr. Sanchez nga ang bahay dahil sa mga nakakabit na pictures niya sa wall pati na din sa mga picture frames.
Pero nahagip ng paningin ko ang isang picture ni Dr. Sanchez na may katabing nakasinding kandila at isang Urn. Dito na nangunot ang noo ko.
"Patay na po ba si Dr. Sanchez?"
Napahagulgol naman ng iyak ang matandang babae. Siguro asawa sya ni Dr. Sanchez.
"Pinatay sya Mr. Martinez. Pinatay nila sya." sobra ang iyak ng matanda.
"Sino po? Sino po ang pumatay sa kanya?"
Pinaupo ko ang matanda. Mahirap na at mukhang hindi na rin maganda ang kalagayan ng kalusugan nito.
"Pinatay sya ng mga nakaitim na lalaking nakamaskara dito mismo sa bahay. Sa mismong harapan ko 3 months ago."
"Po? Isinumbong nyo po ba ito sa pulis, Mrs.?"
Umiling iling ito.
"Binalaan nila ako Mr. Martinez. Wag na wag daw akong magsusumbong sa police kundi buhay ko at buhay ng mga anak ko ang malalagay sa kapahamakan."
"Bakit daw po nila ginawa ito Mrs.? Ano po ang kailangan nila kay doc?"
"Dahil dito Mr. Martinez. Dahil dito."
She handed me a brown envelope. Tiningnan ko sya and opened it. I scanned on the documents na laman nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Ito ang original na copy ng medical history ko. Andito din ang medical records at transplant na ginawa sa akin. Andito din consent ng parents ni Christopher para sa pagtatransplant ng puso nito sa akin. All in original and certified true copy."
"Tama ka Mr. Martinez. Namatay ang asawa ko sa pagprotekta at pagtatago sa documents na yan. Pinilit nila syang ibigay sa kanila ang mga papeles pero nagmatigas sya kaya sya pinatay."
"Oh God. Im sorry maam. Sorry po. Ako po pala ang dahilan ng pagkamatay ni Dr. Sanchez."
Umiling ang matanda at ngumiti.
"Pinanindigan nya lang ang propesyong sinumpaan nya hanggang huli Daniel. Confidential ang mga files na yan at hindi pwedeng ibigay kung kani-kanino lang pwera na lamang sa pamilya at totoong nagmamay ari ng medical files na yan."
"Hindi nyo po alam kung gaanong makakatulong ito sa akin at sa pagpigil sa napipintong paghihiwalay namin ng asawa ko. Hindi ko po alam kung ano ang binabalak ng mga taong yun pero I think may idea na ako. Salamat po dito. And im sorry for your lose maam. Hindi ko po ginusto ang nangyari."
Niyakap ko ang matanda ng sobrang higpit. Hindi lang para magpasalamat kundi sana ay maibsan ang dinaranas nitong sakit sa pagkamatay ng asawa nito.
"Fix your marriage before its too late Mr. Martinez. Gawin mong makahulugan ang pagsasakripisyo at pagkamatay nya."
"Opo maam. Opo."
Masaya at may ngiti sa mga labi ko habang papalabas ako sa bahay ng mga Sanchez. Sa wakas may ebidensya na ako na magpapatunay na talagang inosente ako.
Pero bigla na lamang akong napaatras ng may sumugod ng suntok sa akin mula sa kung saan.
"Si-sino kayo?"
Mga nakamaskara at nakaitim na mga lalaki.
"Ibigay mo sa amin ang files, Martinez."
Nanlaki ang mga mata ko. Paano nilang nalaman ang tungkol sa files?
"Anong sinasabi nyo? Anong files ang tinutukoy nyo?"
Sinipa ako ng isa.
"Aaahhh." napasigaw ako sa sakit ng madaplisan ng sipa nito ang mukha ko. Masakit ang sapatos nya at dumugo ang mukha ko.
"Amin na ang files." sinuntok ako ng isa na ikinaputok ng labi ko.
"Wala akong alam sa sinasabi nyo." I prepared myself to fight. Never in my life na napalaban ako pero para na rin ito sa kaligtasan ko.
Sinipa ako ng isang lalaki at sinalag ko ito ng kamay ko.
"Aray!" napasigaw ako sa sakit. Parang nabali yata ang buto sa kamay ko dahil sa sipa nito.
Salag lang ang ginawa ko habang patuloy akong sinisipa ng mga lalaki.
"Amin na ang files!" sigaw ng mga ito. Kinapkapan nila ako. Namamaluktot naman ako sa pagsalag at pag iiwas sa kanila ng files na nasa loob ng leather jacket ko kahit pa tigmak ng dugo ang mukha ko.
Maya maya ay nakarinig ako ng sirena ng paparating na patrol car.
Agad namang nagsialisan ang mga nakamaskara.
Tumayo ako at napabaling sa bahay nina Dr. Sanchez. Tango lang ang naisagot ko sa ngiti ng matandang nakadungaw sa may bintana. Sigurado akong siya ang tumawag sa mga pulis.
"Salamat po!" sigaw ko bago sumakay sa kotse at umalis sa lugar na yun bago pa dumating ang mga pulis.
Sobrang nababaghan na talaga ako sa mga nangyayari. Ito din ang dahilan ng pag aaway namin ni Rough. Kung sino man ang hayop na nagsabi kay Rough na ako at si Dad ang nagpapatay kay Chris malamang sya din ang taong gustong makuha ang files mula kay Dr. Sanchez.
"Ano ba ang nangyayaring ito? Sino ang may pakana nito. Oh God!."
>>>
"Tang*na!" naisigaw ko na lamang habang papasok ako sa bahay.
Inihampas ko sa pader ang kung may ilang boquet ng bulaklak mula sa kung kani kaninong lalaki.
"Ginagawa ko naman ang lahat para sayo Rough! Bakit ginaganito mo ako?"
Kuyom ang kamaong lumabas ulit ako ng bahay.
"Ahhh! This is getting crazy! Nakakainis na Rough! Nakakabaliw na ang pagseselos kong ito."
Im getting hopeless na maayos pa namin to ni Rough. Ni hindi na natigil pa ang pakikipaglalaro nya sa mga lalaki.

[Rough]

It has been 3 months since Jem called. And from then wala akong ginawa kundi ang sumunod sa ipinag uutos niya.
Parang ang simple lang naman kasi. Parang joke ng bata.
Ano naman ang mahirap doon? Paplastikin ko lang naman si Daniel sa labas. Ipakita sa kanila na sweet na sweet kami ni Daniel.
Easy diba?
"Kaya siguro hindi na tumawag. Isip bata pala yun si Jem. Ikinakasiya na nya ang ganito? Tsk. Natakot pa man din ako nung una. Hindi naman pala dapat. Pero may advantage din naman. Nalaman ko na patay na si Chris. At si Daniel pa ang may kasalanan. Ang hayop na Daniel na yun. In time Daniel ipapakulong kita kasama ng hinayupak mong ama. Kaya pala sobra ang pagkulo ng dugo ko sa kanya. Yun pala may mas mabigat na dahilan ksa sa pagkawala ng mga milyones ko dahil sa mga raids nila sa mga auction namin underground. Hayop ka General Martinez."
Naikuyom ko ang kamao. Balang araw magagantihan ko din silang mag ama. Uunahin ko muna si Jem.
Maya maya ay nagring ang cellphone ko.
Jem calling.....
"Hello."
"Hi baby. How are you? I miss you."
"Cut the drama Jem. Anong kailangan mo this time?"
"Hahaha. Didnt you miss your mommy Rough? Ang tagal nating hindi nagkausap."
"No."
"Hahahaha. I think so too. By the way, your mission is nearly up."
"Yes. And im winning it. Sisiw." napangisi ako. Ang dali naman talaga kasi.
"Awww. Hahaha. I know madadalian ka Rough. Mahal mo na ba si Daniel?"
"Tss. Why do you ask?"
"Just answer my question. Para saan ba ang ibinigay ko sayong misyon? Hindi ba para lalo kayong magkalapit at mahulog sa isa't isa ni Daniel?"
"Tss. Yes. We are. Nagkalapit nga kami gaya ng gusto mong mangyari."
"Really? Sounds great. Your mission is about to end in 10 days."
"Yes."
"At 10 pm on the 100th day someone's going to be killed." Dito na nanlaki ang mga mata ko.
"What the hell are you talking about Jem? Diba sumunod naman ako sa ipinag uutos mo? Pinakisamahan ko si Daniel kahit na nalaman kong sya ang pumatay kay Christopher. Nagkalapit kami kagaya ng ipinag utos mo."
"Tsk tsk tsk. I am telling you Rough. Hindi para suwayin mo ang utos ko kundi sundin mo. May kailangang mamatay. Oh diba sabi mo sisiw lang itong ipinagagawa ko sayo? Now prove it to me na sisiw nga lang ito."
"Hayop ka Jem. Hayop ka!"
"Tsk tsk tsk. I thought sisiw lang baby? Now here's the catch. Sabi ko dapat may mamatay at 10 pm on the 100th day of your mission. Its up to you. Whether it will be Daniel or Tadeo. You choose. Hahayaan kitang mamili. Ang simple diba? And i'll be happy whoever you choose. Its a win win situation for me. Kung si Daniel ang pinili mong mamatay mawawalan ka ng lovelife at kung si Tadeo? My oh my! That will be great. I'll be happy whoever you choose. Yun lang. See you soon my baby. Hahahaha."
I heard that beeping sound again tanda na pinutol na nito ang linya.
Bumuntong hininga ako.
"I've already choosen. Si Daniel. Sya ang pinipili kong patayin. Sya naman dapat kasi sya ang may kasalanan sa akin. Nothing could ever make me change my mind."
Akala ni Jem sya lang ang panalo dito. Ako din. Its so easy kasi wala namang nagaganap na maganda sa amin ni Daniel. I had been distant for the past 3 months. Oo aaminin ko natutunaw ang galit ko whenever he stares at me, cook something for me and for being so sweet and caring when we are outside or even inside the house pero sa tuwing maaalala ko ang pagkamatay ni Christopher? I become angry and cold.
Ang dali pa din para sa akin nitong mangyayari. Sanay naman akong pumatay. Lalo na kapag yung papatayin ko ay may kasalanan. At si Daniel? He's one of those people I hate and thus will be easy to be killed.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon