Chapter 30

218 9 1
                                    

[Rough]

"She's of great help."
That masked woman sent me a note na naglalaman ng exact address ng kinaroroonan ng kuta ni Big Mommy kaya hindi na ako nagpakahirap sa paghahanap sa lugar na ito.
Palinga-linga ako sa buong paligid. Aral ang bawat kilos habang nangangapa sa kadiliman ng gabi. Sobrang dilim at wala kahit na anong nagbibigay ng ilaw maliban sa konting liwanag na nagmumula sa buwang nakukulapan ng makakapal na mga ulap. Sa malas ay mukhang uulanin pa yata ang gabing ito. Tila makikisimpatya sa sino mang masasawi sa labanan.
"Dan? Do you hear me?"
I speak on my bluetooth headset. Gusto kong makasigurado na maayos ang magiging komunikasyon naming dalawa ni Dan sa buong magdamag.
"Loud and clear Rough. Kung bakit ba naman kasi kailangan kong magpaiwan dito sa sasakyan?"
I rolled my eyes. Heto na naman kami.
"Hindi ba naexplain ko na ito sa'yo Dan? Laban namin ito ni Yumi kaya kaming dalawa lang ang magtutuos."
"Nandoon na tayo Rough. Pero hindi talaga ako mapalagay na dito lang ako sa kotse maghihintay. Hindi ba mas mainam naman na matulungan kita kahit papaano?"
"Shhh. Enough of this conversation Daniel. Kaya ka nga may bluetooth headset 'di ba? Sakaling kailanganin kita mabilis lamang kitang matatawagan. Marerescue mo pa din ako sakaling may mangyaring masama sa akin."
"Urgh! You're making me worried Rough. Bahala ka na nga. Remember na nandito lang ako. I'll watch your back. Goodluck Black Empress. I love you honey."
"Tss. Thank you Dan. I love you too."
Kinuha ko mula sa bulsa ang mga darts at tinalunton ang daanan papasok sa building na yun.
"Enter the second door at the right."
Instruction ni Dan sa headset. Magaling din pala s'ya sa paghahack ng systems sa computer and i'm glad magagamit namin ang kaalaman n'yang 'yun sa mga oras na ito.
Gamit ang mga CCTV cameras na nakainstall sa building, he can easily detect kung saan-saan sa building ang maraming nagbabantay.
"Someone's on the staircase."
"Head count?"
"5."
Dahan dahan kong pinasok ang pintuang sinasabi ni Daniel.
Walang pinagbago. Kadiliman pa din ang bumungad sa akin.
Nakarinig ako ng mga taong nag uusap, mga yabag na papalapit sa dakong kinaroroonan ko.
Agad akong nagkubli sa gilid ng hagdan. Tahimik na nakiramdam at nagmamasid sa paligid.
"Pare dito muna tayo. Yosi muna. Wala pa namang kalaban. Mamaya pa ineexpect ni boss ang pagdating ng mga ito."
"Oo nga naman. Tsaka puntahan na din natin sina Boy sa may garahe. Marami silang stock na alak doon."
"Ayos. Oh ito ang yosi. Tig isa tayo. Bilisan lang natin at ayaw na ayaw pa naman ni Boss sa amoy nyan, ayokong mapagalitan tayo."
Saktong pag ilaw ng lighter nito ang s'ya ko ding pagtarak ng tag iisang dart sa sintido nila.
"Rough?"
"All clear, Dan."
"Good. Go up the stairs and turn right. Be careful. 3 men are on the vicinity with guns."
"Copy."
Napangiti ako. Dan and I makes a great team. Kung ako lang mag isa, i'm sure kanina pa akong nakalikha ng komusyon. Mahilig ako sa hayagang gulo hindi gaya ng gustong mangyari ni Dan. Gusto n'yang gulatin ko si Yumi. He want me to caught her offguard.
"May problema ba Rough? Accend. Baka may dumating pa na iba sa lugar na yan."
"Tss. Wag kang magmadali. Ito na, aakyat na. Andyan ka nga pero kung makapag utos ka parang nasa tabi pa din kita ah."
So demanding.
"Tss. Sumunod ka nalang. This is for your own safety."
"Blaah blaah blaah. Cut it Dan. I'm taking the stairs now."
Walang kaingay-ingay at kontrolado ang bawat galaw na inakyat ko ang hagdanan patungo sa 2nd floor. Mga 5 baitang bago makarating sa itaas ay ikinabit ko ang silencer ng baril ko. Ikinasa ko ito ng tatlong hakbang nalang.
Tinalon ko ang tatlong natitirang baitang at agad pinaputukan ang tatlong gwardyang nandoon.
Hindi na nakapalag at nagsitumbahan nalang ang tatlo at nangisay ng hindi manlang naiputok ang mga hawak nilang baril.
"Good job. Pero hindi ko gusto ang ginawa mo. Paano kung may nakarinig sa ingay na dulot ng pagtalon mong 'yun? Baka maalarma na si Yumi n'yan."
"Relax. I've trained for this. At saka wag ka ngang daldal ng daldal dyan. Gusto mo bang itapon ko itong headset ko?"
"Hay! Oo na. Oo na, tatahimik na."
"Good. Next stop?"
"Take the hallway on the left wing of that building. I can see 4 men outside room 13. Someone is sleeping inside that room. Yun lang hindi ako sigurado kung sino."
"Okay. Malalaman din naman natin. Clear na ba ang hallway?"
"Clear. Yung kwartong yun lang ang may bantay. Someone important might be inside that room."
"I hope its Yumi. Nangangati na ang kamay kong patayin sya."
"Move Rough. A commotion is happening on the first floor. Nakita na yata ng ibang kasamahan nila ang mga napatay mo."
"Copy."
Mabilis kong tinakbo ang left wing ng building. The hallway is slightly lit kung kaya't hindi kaagad mapapansin ng mga nasa dulo nito kung sino ang papalapit sa kinaroroonan nila.
"Uy pare may yosi ka?" tawag sa akin ng isa ng mapansin nila ang paglapit ko.
Kinuha ko ang 4 na dagger sa back pocket ng pantalon ko.
"Ito!" sigaw ko sabay hagis ng mga dagger sa kinaroroonan ng apat na lalaki matapos kong makalkula ang pagtama nito sa bawat isa.
Bagsak ang apat na halatang wala ng mga buhay matapos tumama sa mga ulo nila ang mga daggers.
"Hurry Rough. A bunch of men is coming on your-" hindi na natapos ang sinasabi ni Dan.
I checked on the line and all I can hear is a beeping sound.
"Dan? Daniel?"
Oh God! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Gusto ko syang balikan. Now, nagsisisi na ako kung bakit ko pa s'ya iniwan sa kotse.
I was torn between wanting to assure Dan's safety and opening the door in front of me.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"I know you can survive Dan. I trust you."
Sabi ko bago ko sipain ang pinto ng Room 13.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon