Chapter 45

269 7 0
                                    


[Yumi]

Laking pagtataka ko ng makasalubong ko sa hallway ng ospital si Daniel. Nakayuko at halatang umiiyak dahil sa manaka-nakang pagpatak ng luha mula sa kanyang pisngi na naglalandas patungo sa soot nitong t-shirt. Nilampasan lamang ako nito at wari'y hindi napapansin ang aking presensya kahit pa sabihing halos magkabungguan na lamang ang aming mga siko sa kitid ng pasilyong ito.
"Dan," naiusal ko ng bahagyang nakalampas na s'ya sa akin.
Napatigil s'ya sa paglalakad at bahagyang nilingon ang kinaroroonan ko.
"What are those tears for Dan?" Tanong ko dito ng dahan-dahan s'ya lumapit sa kinaroroonan ko habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.
"She wanted me to stay away from her, Yumi. Ipinagtabuyan niya ako. She doesn't need me in her life now. I am but a nobody to her, Yumi. Hindi ko rin naman siguro s'ya masisisi kung kinamumuhian n'ya ako ngayon. Ako ang nagpahamak sa kanya. Kamuntikan na siyang mamatay ng dahil sa akin."
Nakakaawa...nagsisimula na namang umagos ang luha mula sa mga mata nito.
"Hmmm.... I know wala ako sa posisyon para makialam Dan. Ako man ay malaki din ang pagkakasala kay Rough. Makailang beses ko rin na sinubok kitilin ang buhay niya pero in the end, s'ya pa din itong nagpatawad. Ang pagkamuhi at galit na naramdaman ko sa kanya noon ay napalitan ng pagsisisi at paghanga sa karakter n'ya bilang tao. Maybe kailangan lamang ng sapat na oras para makapag isip s'ya ng maayos. Bigyan mo lamang siya ng sapat na panahon para paghilumin ang sugat na naidulot mo sa puso n'ya, Dan. Ipagdasal mo nalang na mapatawad ka niya kaagad. Ako nga, nagawa n'yang patawarin despite my flaws, ikaw pa kaya na walang ibang ginawa kundi ang alagaan at protektahan s'ya?"
Umiling ito at tumungong muli. " Ewan ko Yumi. Maybe magkaiba ang magiging kapalaran natin. Siguro tama lamang na layuan ko s'ya kasi sa tuwing tinititigan ko ang mga mata n'ya, poot at pagkamuhi lamang ang nababanaag ko sa mga ito. Mas mabuti na sigurong lumayo ako para maiwasan ko ng masaktan s'ya, Yumi." Tumalikod na ito matapos sabihin ang mga katagang 'yon.
"Ganyan ka na ba kaduwag Dan? Ganoon mo nalang ba isusuko ang pagmamahal mo kay Rough? Kailangan ka n'ya ngayon Dan." Napabuntong hininga ako. "Sinubukan ko ding buwagin kayo dati Dan, I tempted you, pero wala akong napala. Why? Kasi sobrang ang pagmamahal n'yo sa isa't isa kung kaya't hindi ko kayo nasira, hindi kayo natibag. Ngayon ka pa ba susuko Daniel? Ngayon pa ba kung kailan naibigay mo na ang lahat, pati puso mo at kaluluwa?" Natigil s'ya sa paglalakad palayo matapos ang mga sinabi ko. Nakita kong kinuyom nito ang mga kamao n'ya.
"Hinding hindi ako kailanman susuko, Yumi. Bibigyan ko lamang s'ya ng space para makapag isip. When the right time comes? Babalik ako and win her back." I saw sincerity in his eyes by the way he looked at me.
"Pero paano kapag nakahanap s'ya ng iba Dan? You know her, you know the guys around her, they intend to have her for keeps. Paano kung isa sa kanila ang makakuha ng puso n'ya? Lalo na ngayon na sobrang down ng spirit n'ya, sobrang vulnerable ng puso n'ya?"
Bumuntong hininga ito at pinilit ngumiti. "In that case? Mamahalin ko na lamang s'ya sa puso ko, Yumi. I know, I will never find anyone like her. Naibigay ko na ang puso ko sa kanya at kailanman hindi ko na ito mababawi pa. I will love her until my heart stops beating Yumi. Alam kong hindi akin ang puso na ito, kay Christopher ito, but, I know I had been destined to have his heart kasi I am destined to love Rough forever."
Tumalikod na ito at mabibigat ang mga paang tinalunton ang daan palayo kay Rough, ang daan palayo sa kaligayahan nito.
"I need to do something. Isa ako sa sumira, so I better do something and try to fix this." Nasabi ko na lamang bago tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Rough.

***
"Hey best. How are you doing?" Pambungad kong bati sa kanya matapos akong pumasok sa kwarto n'ya.
Ngumiti lamang ito at itinuro ang katabing upuan nito. Hinintay kong matapos sa pagchecheck up sa kanya ang doktor bago ako lumapit sa kinaroroonan n'ya.
"Kumusta pakiramdam mo best?" I asked her again.
"Can I hug you best?" she pleaded.
Lumapit ako sa kama n'ya and hugged her. "I missed you best," she said as her hug tighten. Mamaya ay naramdaman ko na lamang ang pamamasa ng manggas ng aking damit.
"Shhhh. Everything's going to be alright best." I hugged her the same way she does. Mayamaya pa ay humagulgol na ito ng iyak.
"I pushed him away best. That's what my brain says. But my heart, its bleeding now best. My heart is beating rapidly and its hurting me. Its as if hindi nito nagustuhan ang ginawa ko kay Dan."
I pushed her a little. Sinampal ko s'ya. Rumihistro sa mukha n'ya ang pagtataka.
"Best?" Nanlaki ang mga mata n'yang nakatitig sa akin habang sapo ang pisngi n'ya na sinampal ko.
"I have to do that at ng matauhan ka. Bakit mo kasi pinapahirapan ang sarili mo? Bakit n'yo pinapahirapan ni Daniel ang isa't isa? I saw him on the hallway. Umiiyak. Matatawa na sana ako kasi parang ang bakla naman n'ya kasi umiiyak s'ya pero ng malaman ko ang dahilan naawa ako Rough. Mahal na mahal ka ng tao. Alam mo bang s'ya ang nagligtas sa'yo mula doon sa nahulog n'yong kotse sa bangin? Alam n'yang sasabog ang kotseng 'yon and it would be safer for him kung hahayaan na lamang n'yang sumabog iyon pero he saved you Rough. Mas pinili ka n'yang iligtas at isuong ang buhay n'ya sa kapahamakan kaysa ang iwan at pabayaan ka. 'Wag kang tumulad sa akin. Lumaki akong may galit sa puso ko. Mabuti nga ngayon at nakakabawi pa ako kay mommy Jem pero nawala ang daddy ko ng hindi ko nakakasama. 'Wag mong hayaang mawala si Dan sa'yo ng wala kang ginagawa." Rough remained silent for minutes. Napansin ko na lamang ang paglalandas ng luha sa mga pisngi nito.
"I'm sorry. Did I hurt you best. Nasaktan ba kita?" Agad ko s'yang dinaluhan at hinawakan ang pisngi n'yang sinampal ko.
Nangunot ang noo ko ng tumawa ito.
"You are always harsh best. Palagi mo na lamang akong sinasaktan, pero gaya ng dati, hihingi ka ng sorry and ask me if you hurt me." Sinamaan ko s'ya ng tingin. Pinagtripan na naman ako nito.
"Thank you for doing that best. You put a sense in my head. Hmmm. I guess I have to do what's right before its too late."
"Dapat lang, or else? Walang sisihan at samaan ng loob pero aagawin ko s'yang muli sa'yo, Rough."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon