Chapter 5

308 13 0
                                    


[Daniel]

2 days had passed since Rough San Sebastian left my house.
Hindi ko inakala na ang babaeng nagustuhan ko sa unang pagkakataon ang sya din palang kinamumuhian ko ng kung ilang buwan sa programa ko. Too many complaints regarding her messing around with guys.
Pero hindi ko aakalain na ako din ay mabibihag sa kagandahan ng isang RSS.
I had to make a move. I had to stay away from her no matter what. Ayokong mafall sa kanya dahil alam kong gagawin nya lang din akong laruan. A toy na matapos paglaruan at pagsawaan ay itatapon nalang sa kung saan. Kaya bago pa mangyari yun, mas pipiliin ko nalang na lumayo agad sa kanya.
"That was our last caller for the night. Thank you kevin for sharing your story. Sana magtagumpay ka sa panunuyo sa bestfriend turned girlfriend mo. Ang tampuhan nadadaan din minsan sa kasweetan. Iparamdam mong nagsisisi ka sa kasalanang ginawa mo kevin. Iparamdam mong mahal na mahal mo sya at hindi mo sinadyang masaktan sya. Matuto kang umako sa kamaliang nagawa mo at gawin mo ang lahat to make it up with her."
"Wow! Sa panahon ngayon wala ng pinipiling panain si kupido. Kahit magbestfriend nagkakainlove-an na. Maybe sa una palang you are already destined for each other. You are lucky kevin na hindi ka na naghirap pang hanapin ang kabiyak ng puso mo. Goodluck. Fight for love Kevin."
"I'll be playing 'Love moves in Mysterious Ways by Nina' as i end my program. Thank you for listening to Love on Air. Dito may sagot ang heart problems mo. Goodnight!"
Nag inat ako and fixed my things. Nakakapagod talagang mamroblema sa problema ng iba.
Napailing na lamang ako.
Maya maya ay naalala ko na naman si Rough. May tumawag na naman kasi patungkol sa kanya. Hmmm. Kawawang college student. He spent every cent na pinapabaon ng nanay nya sa pagbili ng albums ni Rough at sa pagpunta sa gigs nito. Napapabayaan na nito ang pag aaral dahil kay Rough.
"Tsk. Ibang klase. Wala talagang patawad itong si Rough. Mapa estudyante, mapaprofessional nakukuha nya ang loob."
Araw araw nalang may naglalahad ng love problems nila patungkol sa babaeng yun.
Pero ngayon parang naiintindihan ko na sila.
Sobrang irresistible kasi ng charm nya. Kahit sino kaya nyang makuha. But not me. Hindi mangyayari na pati ako ay mahulog sa babaeng yun.
Napabuntong hininga na lamang ako bago lumabas ng booth.
Nakasalubong ako ng mga estudyante sa daan.
"Hello po DJ."
"Hello young ladies. Gabi na ah. Bakit kayo nandito?"
"We have something for you po. Sana tanggapin nyo."
Chocolate cake tsaka sulat ang dala dala nila.
Napakamot nalang ako ng batok.
Saway ng saway ako kay Rough dahil maraming nahuhumaling dito at napapabayaan na ang goals nila sa buhay. Pero heto't pati ako pala ay may mga taga hanga din na nagsespent ng oras at pera nila para sa akin.
"Naku mga miss. Nag abala pa talaga kayo. Ganito nalang. Im gonna keep the letter tapos yang chocolate cake iuwi nyo na ha? Kainin nyo with your friends. Next time dont bring expensive stuffs for me kasi hindi na kailangan. Letter lang at mga ngiti nyo okay na."
"Kaya ka namin gustong gusto DJ Dan. Ang bait nyo po."
Sasagot pa sana ako ng may lumapit sa kinaroroonan namin.
Napatanga na lamang ako sa hangin ng mapagsino ko ang taong yun.
"Rough" nasabi ko na lamang sa isip dahil parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Kanina pa ako naghihintay sa kotse Dan." sabi nito at ipinulupot ang kamay sa batok ko.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"What are you doing here?"
Ngumisi lamang.
"Im coming home with you, Daniel."
Tss. Ni hindi manlang sinagot ang eksaktong tanong ko.
Nakatanga lang din sa amin ang dalawang estudyante na wari'y nacucurious kung sino ba ang babaeng ito.
"What the he-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng halikan ako nito sa labi.
Halos lumuwa ang mata kong nakatitig sa kawalan pero maya maya pa ay napapikit na din ako at ninamnam ang tamis ng labi nya. My lips stayed stationary as she makes her move. Paano ba naman kasi ay wala akong alam sa ganito. Yes. This is my first kiss. And damn! She had it.
I pushed her a little when her tongue started to toy with my lips. Nakikiliti ako.
"Sh*t! Rough stop it." ngumisi lamang ito and held my hand.
"Miss. Are you Rough San Sebastian?"
"Yung singer po ng bandang Bad Girls Generation?"
Hinarap nya naman ang mga ito.
"Yes I am, ladies. And DJ Dan here is my boyfriend."
"Girls-" akmang sasabad ako ng pinutol na naman nya ang sasabihin ko.
"Its nearly midnight girls so you better leave. Me and DJ Dan has something to do. Can you excuse us?"
Tss. She's rude.
"Okay po. Sorry po sa abala. DJ Dan thank you po. Aalis na po kami."
Tumango na lamang ako at nginitian ang dalawang bata.
"Will you stop messing with my life Rough? Napakarude mo naman sa mga fans ko."
Tumawa lamang ito.
"Im serious about having you Daniel. I want you to be my boyfriend. Kaya I dont want to see you with other girls aside from me."
"You are hopeless Rough. Im not giving in to you. Hindi ako ang tipo ng lalaking papatol sa isang kagaya mo. I dont want to be played Rough. Kasi im not a toy. I'll never be your toy."
She pushed me on the wall. Nabigla naman ako sa lakas nya.
"You know what Daniel? Wala akong ginusto na hindi ko pa nakukuha. I'll have you as my boyfriend no matter what."
"And im sure this will be your first turn down Rough. Im not playing your game so you better get off of me."
She pushed me again on the wall. This time, she pinned me with her body.
I can feel her softness and heat. Napalunok ako ng laway.
"Walang naglalakas ng loob na kalabanin ako Daniel. Not even you. Im going to get you. Magiging boyfriend kita. I mean. Boyfriend na kita from now on. Yun ang sabi ko sa mga estudyante kanina diba? Kaya kailangan nating pangatawanan yun."
"Your crazy Rough. No. Hindi. Ayoko."
"Gusto mo bang idaan pa natin sa dahas ito Daniel?" nakapameywang na sabi nito.
"What do you mean?"
"I'll file libel. Sinisira mo ang reputation ko sa Love on Air segment mo sa radio. Nasisira ang image ko DJ."
I was shocked. Hmmm. Apparently gumagawa lang naman ako ng advises but I think she has a point. Kung minsan napapacomment ako negatively towards her na hindi ko naman madedeny.
"Fvck! What do you want? Bakit ka ba nangbablackmail ha, Rough?"
She chuckled.
"I want you DJ. Ikaw lang at wala ng iba. Ikaw at ako. Tayo. I want us to be together. Yun lang naman ang gusto ko. Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?" bulong pa nito sa tenga ko na ikinapanindig ng balahibo ko.
"Your crazy Rough."
"I am Daniel. I am crazy for you. Saturday naman bukas. We can hang up. Be at my condo at 8 am. I'll be waiting Daniel." she kissed my cheek and handed me a piece of paper before she left.
"Damn!" tiningnan ko ang papel at ang address nito ang nakasulat dito.
Napakuyom ako ng kamao.
"Your not going to win Rough. Never. I will give you a good fight ."
........

I was really pissed the whole night. Pabiling biling ako sa kama pero hindi ako makatulog.
I touched my lips. I can still feel her soft lips on mine. Im 25 yet ngayon lang ako nagka first kiss. And for christsake sa babaeng kinaiinisan ko pa.
"Rough! Kung hindi ka lang babae nasuntok na talaga kita."
Pero yung halik nya. Ang sweet. It feels like eating honey.
"Erase erase erase. Hindi dapat ako maapektuhan ng ganito. I should think of ways on how to get rid of her. Hindi pwedeng maging sunud sunuran lamang ako sa kanya hanggang magsawa sya at lubayan ako.
"Arggghhh!" napasabunot nalang ako sa ulo ko. Its 3 in the morning pero hindi pa ako nakakatulog sa kaiisip sa kanya.
"Damn!" nagtimpla ako ng gatas para makatulog.
"Bahala na." nasabi ko na lang before i went back to bed.
I need to show up in her condo at baka totohanin nito ang pagpafile ng case against me. Not that im afraid. Its just that may paraan naman para maiwasang magkasakitan pa sa korte. Maayos naman sigurong kausap ang Rough na yun. Dadaanin nalang muna sa diplomasya.
........
I checked my watch. Im 5 minutes early. Inikot ko ang paningin sa buong lugar.
Hindi ako makapaniwalang ang isang Rakista ay nakatira sa isang condominium na pang 5 star hotel na ang kahalintulad.
A normal rockstar could earn much for just a simple living pero sya? She lives expensively.
"I wonder what she's into aside from being a rocker."
Kumatok ako sa pintuan. Mga 3 times bago ako makarinig ng yabag papalapit sa pintuan.
Im expecting a well dressed Rough. Yung normal get up nyang "All black".
Pero ng bumukas ang pintuan halos tumulo ang laway ko.
Si rough....
Magulo pa yung buhok but in a nice way. Ang sarap nyang titigan pala kapag bagong gising.
"So beautiful in her bedroom look." naisaisip ko.
Nakatsinelas lang sya.
A pajama. And a black sando.
"Oh God! I wish lamunin nalang sya ng lupa at ibalik sa kung saan man sya nanggaling." naiusal ko nalang sa isip as she gave me a wide and angelic smile.
It hurts to see her like this. Masakit sa alam nyo na.
"Hmmmm. I guess your satisfied by the way you look at me Daniel." she chuckled.
"Pwede bang malusaw nalang gaya ng yelo?" nakakahiya. Napansin nya pala ang pagtitig ko sa kagandahan nya.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Hmmm. I thought aalis tayo? Kaya ako napatitig sayo kasi nagtataka ako kung bakit hindi ka pa bihis."
"Tss. Liar. Come inside. I changed my plan. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." sabi nito bago tuluyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako.
Hmmm. Homey. Ang aliwalas ng paligid.
Parang nasa langit ka talaga whenever she's in here.
Taliwas sa image nya sa labas na rakistang astig.
"Hmmm. Nice place. I thought you live in something as dark as your image."
I heard her laugh.
"Bakit? Akala mo i live in somewhere dirty and dark?"
"No. No. I mean hmmm. Yaan na nga. There's no need to explain. First impression doesnt really last I guess."
She walked past me and enters a room. I guess its her bedroom.
"Daniel. Come on over." bigla akong kinabahan when she called me.
I wasnt ready. Wala ito sa pinag usapan namin.
Does she know that im still a virgin?
"Daniel whats taking you so long? I need you."
Kinabahan ako bigla. Parang may mangyayari yatang hindi ko magugustuhan.
Tinatagan ko ang loob ko at pumasok sa kwarto nya.
"Bahala na." nagsign of the cross pa ako bago tuluyang pumasok sa kwartong yun.
"WA-what do you need?" nauutal kong tanong bago tumabi sa kanya sa kama.
"Bakit parang natatakot ka dyan? Please take care of me Danie. Act as my boyfriend. Kahit ngayon lang. Im sick." umubo ubo pa ito.
Napahinga ako ng malalim. Akala ko kung may gagawin na kami. Hoh! Natakot ako doon ah.
Sinalat ko ang noo nya.
"Ang init mo ah? Uminom ka na ba ng gamot?" Umiling naman ito.
"Tss. Ang lakas ng loob mamblackmail ni hindi pala maalagaan ang sarili nya."
"Hmmmm. Wait until im well. Ang dami mong sinasabi." umubo na naman ito.
Hmmm. Nakakaawa naman sya. Astigin sya pero pagdating pala sa sakit natitiklop din.
"Wait in here. Ipagluluto kita ng sopas at ng makainom ka na ng gamot."
Tumango naman ito at nagtalukbong ng kumot.
........
"Hmmmm." nailapag ko sa may side table ang gamot at sopas when i heard her moan.
Sinalat ko ulit ang noo nya.
"Rough. Ang taas ng lagnat mo ah."
"Chris. Chris. I need you. Chris." nagdedeliryo na yata ito sa sobrang taas ng lagnat.
Who's Chris anyway? Hmmm. Baka yung latest victim nya.
"Tss. Its Daniel not Chris." may diin kong sabi.
Teka? Nagseselos ba ako? Eh I dont like her diba? Bakit naman ako magseselos?
I disregarded the thought.
"Rough... Rough." tawag ko dito. Dumilat naman ito.
"You need to eat at ng makainom ka na ng gamot mo."
Pinaupo ko sya sa kama at pinahigop ng mainit na sabaw.
Ubo pa ito ng ubo kaya natatapon pa ang sopas.
Pinainom ko sya ng gamot. Doon lang sya nakatulog ng maayos after.
"Tss. Akala ko ba malakas ka Rough? Bakit lagnat lang tumitiklop ka na?"
~
Babae pa din talaga sya kahit sobrang astigin nya.
Ni wala yata syang kasama sa bahay.
Iniligpit ko ang mga kalat sa kwarto nya ng biglang may mahagip ang mga mata ko.
"I knew him." kinuha ko ang picture frame na nasa likod ng ibang pictures ni Rough. Picture ito ni Rough kasama si Chris. Nakakorting heart pa ang mga kamay nila. Halatang may relasyon sila at hindi ordinaryong magkaibigan lamang as I looked at the way they smile sa camera.
"Christopher Gomez. Is he that Chris, Rough is talking about?"
This cant be. Kaya ba ganito ang epekto nya sa akin? Na parang nakikilala sya ng puso ko.
"Christopher Gomez is my heart donor."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon