Chapter 34

189 7 1
                                    


[Zamara]

I looked at Dan.
I can't read him. But what I am sure is that I missed him. Lalo yata s'yang gumwapo. Years of being apart had changed him. He've grown into a well respected man. Kahanga hanga ang naging transformation n'ya. Mula sa pagiging patpatin at hingaling Junior, he turned into a well-built and strong hearted Agent.
Alam ko sa puso ko na years ago I had fallen in love with my Junior and until now I still feel the same. Mahal ko pa rin si Dan.
During Yumi's revenge, nang sinabi ko kay Rafaella na sabihin kay Dan na "Zamara and Rafaella needs him". Ang gusto ko lang sanang sabihin is that I need him. I need Dan. I miss him badly. Kasi matagal na akong nangungulila sa kanya.
Years of hiding from them were also years of missing him.
My phone rang.....
"Excuse me Dan." tumango naman ito at nagpatuloy sa pagbabasa ng file.
Kinabahan ako bigla. Si Dark Lord tumatawag, ang totoong Dark Lord. Ako ay isang hamak na tauhan lamang din na ginagamit at ginagawang front para manatiling ligtas ang pagkakakakilanlan ng Dark Lord na s'yang totoong namamahala ng Mafia na kinaaaniban ko.
Naghanap ako ng lugar kung saan walang makakarinig sa akin.
"He-hello Dark Lord."
"Zamara. How are you? It has been a while. I've heard about you killing your apprentice. Sayang. She's of great help to the mafia."
"I had to do it Dark Lord. May balak po kasi s'yang kumanta."
"Tsk! Tsk! Tsk! Ang hirap talagang magtiwala kahit kanino sa panahon ngayon. Ikaw Zam? Are you still loyal to the Mafia?"
"Of course Dark Lord. I am always loyal to the Mafia."
"Now that you are back in his world? Now that he is with you? I doubt it! Kamuntikan ka ng bumigay years ago Zamara. Dahil sa lalaking yan kamuntikan mo na kaming ipagkanulo."
"Lumayo naman ako sa kanya hindi ba Dark Lord? I disregarded my feelings to show you my loyalty. Ginagawa ko ang lahat para sa Mafia."
"Talaga lang ha? Gusto kong patunayan mo 'yan sa akin. I want you to kill him Zam."
Me? Killing Daniel? This is so impossible! Hinding hindi ko gagawin 'yon.
"Don't. Please Dark Lord. Marami pa namang ibang choices 'di ba? 'Wag lang po 'yun."
"The hell Zamara! Sabi ko na nga ba at mahal mo pa ang Agent na 'yon. That's the only way Zam. Ayokong may nanggugulo sa mga activities ko sa underground. I want you to kill him. Agent s'ya. Kalaban! Klaro naman ang purpose ng pagbabalik mo d'yan hindi ba Zam? Para lang magmanman at hindi para balikan ang kahapon n'yo ng Agent na yan. Natitiktikan na tayo ng NBI. Ayokong ikaw pa ang magkanulo sa akin."
"Please Dark Lord. Give me other option. Please. 'Wag si Dan. I assure you, wala s'yang malalaman from me. Hinding hindi kita tatraydorin. Pangako po 'yan."
"Zam, Zam, Zam. Marupok ka pagdating sa kanya. Pero sige. Since matagal na din naman kitang tapat na alagad pagbibigyan kita. All we need is a fall back. Someone to be blame of everything. Dapat may managot sa drug deals sa underground. Dapat may mahuli upang tigilan na tayo ng mga hinayupak na 'yan. You get my point Zam?"
"Yes Dark Lord. Loud and clear. Ako na po ang bahalang umayos sa problemang ito. 'Wag n'yo lang pong ipapatay si Dan."
"Ha ha ha. Baliw ka na talaga sa lalaking 'yan Zam. Pagbibigyan kita. Just this once. Pero once nagkamali ka? Once you failed? Ikaw ang mamamatay Zam."
Ibinaba na nito ang telepono.
I have to make a plan.
Hindi ko papatayin si Dan at hindi din ako mamamatay.
*Flashback*
"Ahhh!" napasigaw ako sa sakit.
Kasalukuyan akong nakatali sa poste habang nakapiring ang mga mata at hinahataw ng latigo ni Dark Lord.
"Kamuntikan na Zamara! Hindi ba't sinabi kong mag iingat ka!" galit na galit na hinataw akong muli ni Dark Lord ng latigo. Wala akong ibang nagagawa kundi ang mapaigik at tanggapin ang sakit na dulot nito.
"Kamuntikan na tayong mabuko ng Agent na 'yon Zam! I told you to stay away from him. I told you to change your buddy. Kamuntikan ng mabulilyaso ang isang malaking drug deal dahil sa kalokohang pinagagawa mo kasama ang lalaking Agent na 'yon Zamara!" hinataw n'ya ulit ako ng latigo. Puno ng latay ang likuran ko dulot ng masasakit at malalakas na palo ng latigo.
"Hindi ko sinasadya Dark Lord. Hindi ko alam na nakasunod pala s'ya sa akin. Pero sigurado po akong wala s'yang nakita."
Sigurado ako dahil ng mapansin kong nakasunod si Dan sa akin dali dali ko s'yang nilapitan at siniil ng halik. Kamuntikan ng may mangyari sa amin sa madilim na iskinitang 'yon. I teased him para mailayo ang attensyon n'ya sa nangyayaring drug deal sa likuran niya lang mismo.
Nakahinga akong maluwag ng mabilis silang natapos and drove away.
Kamuntikan ko ng maibigay at maipagkanulo ang sarili ko kay Daniel ng mga oras na 'yon.
"Nagawan ko naman ng paraan Dark Lord."
"Argh!" narinig kong ibinato nito ang latigo.
Hinablot nito ang piring ko.
"Listen Zam! And listen well! Layuan mo ang lalaking 'yan bago n'ya pa malaman ang sekreto ng organisasyon natin. Stay away from him Zamara!"
Yun ang huling sinabi ni Dark Lord bago nila ako pinakawalan.
*End of Flashback*
Mula noon I stayed away from Daniel. I even busted him when he tried to court me. Oo mahal ko s'ya pero mas mahal ko ang organisasyon namin. Si Dark Lord ang nagsilbing ama ko. Pinulot lamang nila ako sa lansangan at binihisan ng maayos. They were the ones who gave me education. Kung ano at kung sino ako ngayon ay sila ang dahilan niyon. Utang ko sa kanila ang maalwang buhay na tinatamasa ko.
"Hindi kita bibiguin Dark Lord."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon