Chapter 16

217 11 0
                                    


[Rough]

Agad akong bumangon pagkagising ko pero muling napahiga na sapo sapo ang ulo ko.
Sobrang sakit nito na parang mabibiyak.
"Ahh. Aray."
"How are you my baby? Gising ka na pala."
Bumungad sa may pintuan si Jem.
"Hayop ka jem." akmang susugurin ko sya ng matumba ako. Nakaposas pala ang mga paa ko.
"Easy sweetheart. Ikaw kasi eh. You've been a bad girl. Nagalit tuloy si mommy."
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ikaw ang masama Jem. Hayop ka! Manloloko!" she slapped me. Dumugo ng konti ang bibig ko.
"Watch your mouth Rough! Mommy mo pa rin ako."
"Wag mo na akong utuin jem! You were never a mother to me. Ginamit mo lang ako para paghigantihan si Tadeo Rivera diba?" nag iba ang expression ng mukha nya ng binanggit ko si Dad.
"Diba tama ako jem? Binilog mo ang ulo naming lahat. You did everything para magkawatak watak ang pamilya namin."
Tumawa ito ng tumawa.
"May sa demonyo yata yang pamilya mo Rafaella. Ginawa na ng anghel na kagaya ko ang lahat para manatili kayong magkakahiwalay pero nabuo pa din kayong mga hayop kayo! Pero i'll make sure na hinding hindi kayo liligaya Rafaella. Kayo ang papatay sa isa't isa. Ikaw ang papatay sa ama mo. Gagawin mo diba? Papatayin mo si Tadeo Rivera para sa akin diba?" nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa akin habang hinahawakan ang panga ko.
"No Jem. Never! Hinding hindi ko gagawin ang sinasabi mo. Hinding hindi mo na ako mauuto para sundin ang kagustuhan mo!"
"Ganun ba Rough? Eh kung patayin ko kaya ang boyfriend mong si Daniel?"
Nanlaki ang mga mata ko. Kamuntikan ng tumulo ang luha ko pero pinigilan ko at tinitigan sya ng maangas.
"Go! Kill him Jem. As far as I know that Daniel guy is just my toy. So go. No worries. No hard feelings Jem."
Pero nasa isip ko ang pag aalala para kay Daniel. Sobrang pag aalala sa kaligtasan nya sakaling totohanin ni Jem ang banta nya.
"Really Rafaella? The last time we've been together, sa condo mo, you were insisting na iba si Daniel sa mga lalaking naging karelasyon mo. You told me na sya na ang lalaking seseryosohin mo diba?" nakangisi itong nakatitig sa akin na wari'y inaarok kung totoo ba ang sinabi ko.
"My feelings fade in just a snap Jem. Alam mo naman ako. Walang lalaki ang lumalagpas ng isang linggo sa mga kamay ko before I crush them into pieces. Tamang tama. Its our 8th day today. Maybe you can visit my condo para masigurado mo kung andun pa sya o wala na. You know my rule when it comes to men Jem. Its just 7 days before game over."
God! Ngayon lang ako hihingi ng tulong sayo. Sana humanap po kayo ng dahilan para makaalis sya sa condo ko Lord. Ngayon lang po ako nanalangin pero sana po pagbigyan nyo po ako. Please protect Daniel. I want him to live.
Kinuha nya ang cellphone nya and dialled.
"Hello."
"I want you to visit Rafaella's condo. Tingnan mo kung andun pa ang lalaking kinahuhumalingan nitong anak ko." nakangisi nitong utos sa kung sinumang kausap nya sa cellphone.
Nakakapagtaka ito. I never saw mommy i mean jem like this since i was a kid. Akala ko normal na fashion designer lang sya, akala ko simpleng tao lang sya pero i discover na may sa demonyo pala ang pagkatao nya.
"Lets see if you're telling the truth Rough. Lets see." nakangisi nitong baling sa akin matapos maibaba ang cellphone.
"Kung sumusunod ka lang ba sana sa kagustuhan ko eh hindi ka sana nakatali dyan ngayon Rough."
"Never Jem. Never! Kahit patayin mo pa ako!"
"Really Rough? Gusto mo bang unahin kita?" naglabas ito ng baril mula sa likod nya.
Napatitig naman ako sa kanya ng masama at tumawa.
"Are you threathening me? Bakit di mo pa iputok yan Jem?"
Ikinasa nito ang baril at akmang babarilin nga ako ng tumunog ulit ang cellphone nito.
Napahinga ako ng malalim. Kamuntik na ako doon ah.
Kailangang makaisip ako ng paraan para makatakas dito. Kailangang maalarmahan ko si Dad. At mas kailangang mailigtas ko si Daniel.
"Hello?"
.......
"Okay."
Yun lang ang pag uusap nila sa cellphone.
"Tss. Mukhang naisahan mo ako doon Rafaella. Akala ko totoong mahal mo ang Daniel na yun. Tsk. Wala na nga sya doon. You always follow your 7 days rule eh? How nice. Nagmana ka talaga sa akin. Galit na galit yata yung Daniel. Nagkalat daw ang mga gamit sa condo mo. Wala na rin ang mga gamit nya doon."
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Oo i wished that Daniel wasnt there anymore pero paanong nangyari? I mean maayos pa kami kagabi ah. Tapos ito na ang malalaman ko?
"Well in that case you are leaving me with no choice Rough. I'll set you free."
Nangunot naman ang noo ko sa narinig.
"What are you talking about Jem? Nababaliw ka na ba?"
"Maybe yes? Or should I say gusto ko pang maglaro. Gusto ko pa kayong paglaruan."
"Patayin mo nalang ako Jem! Kill me!"
"No Rafaella. Gusto kong makita kayong nahihirapan. Lalo na ikaw. Kasi ginusto mong magpakabayani para sa kanila Rafaella."
"Wala kang awa Jem. Ang sama mo!"
"Tumigil ka! Kung masama ako pinatay na kita kaagad ngayon Rafaella. Here's the catch. Hahayaan kong mabuhay ang pamilya mo for real kung makakaya mong sundin ang iuutos ko. Kung hindi ka magiging successful? Patay ang pinakamamahal mong pamilya after 100 days."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano? You are crazy Jem!"
"Ayaw mo pa nun Rough. Makakasama mo pa sila ng matagal tagal bago ko kayo pagpapatayin."
"Stop playing games with me Jem!"
"Dont tell me what to do Rafaella! Bubuhayin ko ang pamilya mo kung magiging successful ka sa ibibigay kong misyon sayo."
Mataman akong nakikinig dito. I dont think I have any choice rather than obey her kundi mapapahamak ang kakakilala ko palang na pamilya.
"You can live normally with your true family Rough. If... Only if you can stay in a relationship with this Daniel guy for 100 days."
"As simple as that?"
Napangisi ako. Pabor pa yata sa akin ang misyon kong ito.
"It will never be a problem." Makakaisip na ako ng paraan para tuluyang mapatay ang Jem na ito bago matapos ang 100 days.
"Really? Not until you read Daniel's medical history."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon