Chapter 10

271 11 1
                                    


[Daniel]
Kanina pa ako dito sa banyo pero hindi pa din ako lumalabas.
Kakaligo ko lang pero bigla bigla akong pinagpawisan.
Paano ba kasi ay naalala kong first night namin together ni Rough.
Paano kaming magiging close kung ni sa pagtulog hindi ko sya kayang tabihan diba?
"Argh. This is awkward." napasabunot na lamang ako sa buhok and looked at my reflection in the mirror.
"Daniel? Hindi ka naman bakla diba? Pero hindi ka din naman maniac. So wala kang gagawin tonight. Tatabihan mo lang sya diba? No kissing too. Just sleep na katabi sya. Dapat ka ng masanay." sabi ko sa reflection ko sa mirror.
Pero grrr. Im getting nervous. Para akong naiihi na ewan.
First girlfriend ko si Rough diba? Syempre unang beses ko ding magkakaroon ng katabing babae aside from my mom.
"Oh Lord. Please ilayo nyo po ako sa temptation. Panatilihin nyo pong virgin ang aking utak ngayong gabi."
Maya maya ay kumatok si Rough sa pintuan ng banyo.
"Whats taking you so long Dan?"
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.
Nakahalukipkip na Rough ang nabungaran ko.
Di ko alam ang sasabihin ko pero napatawa nalang ako ng mapansin kong nakatulala sya habang nakatingin sa abs ko.
"Rough? I thought gagamit ka ng banyo?"
"Ahhh. Ha? Ahh. Yes. Sandali lang ako. Inaantok na kasi ako kaya kita minadali."
Napangiti nalang ako ng dali dali itong pumasok sa banyo at isinarado ang pintuan.
"Good job buddy. Good job." napangisi na lamang ako habang tinatapik tapik ang abs ko.
"Maybe I need to work out even more at ng lalong matulala si Rough." tapos napalatak naman ako ng maalala ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Rough sa gabing ito.
"Urgh. I cant take this anymore."
I changed into my boxer shorts and sando. Tapos humiga na sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Maya maya pa ay narinig ko ang pagbubukas ng pintuan.
Bigla akong kinabahan at napalunok ng laway.
"Hey. Ano bang nangyari sayo ha? Bakit nakatalukbong ka? Takot ka ba sa multo?" tumawa pa ito.
"Takot ako sa mga dyosang kagaya mo."
Humalakhak ba naman. Nakakainis talaga tong babaeng ito.
Naghilahan pa kami ng kumot hanggang sa ako nalang ang nagpaubaya.
Nakangising mukha ni Rough ang nabungaran ko. Nangalumbaba pa ito at tumitig sa akin.
"What?" naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.
"Hey. Are you blushing? Ang cute mo naman Dan."
Nagtalukbong ulit ako tapos hinila nya lang ulit ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"Rough naman eh. Matulog ka na please. Wag mo na akong pagdiskitahan oh."
Nginisihan lang ako nito tapos idinikit ang katawan nya sa akin.
"Bakit Dan? Natutukso ka na ba sa akin?"
Oh Angels from the heavens! Alisin nyo muna ako dito please. Kahit isang gabi lang.
"Usog ka dun Rough please. Ang laki naman nitong kama mo eh. Sige na. Doon ka na sa side mo."
Tinulak ko sya ng konti pero ang ginawa niyakap ba naman ako at umunan sa may kilikili ko.
"Rough naman eh. Please naman oh."
Nagsumiksik pa lalo ito.
"Hmmmm. Bakit ba? Hayaan mo na ako. Ang sarap mo palang maging unan. Kung nalaman ko lang na ganito pala kasarap ng may kayakap sa gabi dati ko ng ginawa."
Inamoy amoy pa nito ang kilikili ko kung saan sya nakahiga.
"Hey. Rough naman eh. Para kang aso. Wag mo nga akong amuyin ng ganyan."
"Bakit ba? Eh sa gusto ko eh.Saka gusto kong matulog ng nakayakap sayo." nagpout pa talaga sya. Ay langyang buhay to oh.
Akala ko pa naman astigin sya? Eh bakit kung makapaglambing parang hindi eh.
"Hay. Sige na nga. Pero matutulog ka lang ha?"
"Oo naman. Anong akala mo sa akin? Manyakis? Hahaha. I really cant believe there's still someone like you Dan."
"Tss. Hindi nga ba? Kung makadikit ka sakin parang may gagawin kang di ko magugustuhan eh."
"Ha. Ha. Ha. Nagpapatawa ka Mr. Martinez. Kiss me Dan."
Napanganga na lamang ako sa request nyang yun.
"Ha? Ah Rough? Inaantok na ako eh."
"Daniel!"
Hala. Nagalit na yata.
"Rough naman eh. Inaantok na talaga ako."
"Ah. Ayaw mo ha?"
Naku naman. Dinaganan pa ako nito.
"Ah Rough. Ang bigat mo naman. Humiga ka na ng maayos please."
"A.Yo. Ko."
Tengeneng buhay naman ito oo.
I can feel the pain now. The pain inside my boxers shorts.
Napatili naman sya ng maramdaman nya yung naninigas ko ng pag aari. Agad na bumaba ito sa pagkakadagan nya sa akin at nagtalukbong.
"Oh. Anong nangyari sayo Rough?"
"Nothing. Just sleep. I want us to go jogging early in the morning."
Napailing na lamang ako.
"Takot naman pala sya sa alaga ko."
Napangiti nalang ako at ipinikit na ang aking mga mata.

[Someone's POV]
Days had passed na wala akong ibang ginawa kundi ang sundan lang si Rafaella at Daniel.
All those days nakikita ko ang happiness sa mukha lalo na sa mga mata ng pesteng babaeng yun.
At sa bawat ngiti na nasisilayan ko sa mukha nya ang sya ring pag igting sa pagnanasa kong saktan at patayin sya.
Damn witch! Fvcking whore! Hindi ko lubos maisip kung ano ang nakikita ng mga gagong lalaking nagkakandarapa kay Rafaella.
And DJ Daniel, the man I had a secret crush on. Pati sya ay walang kahirap hirap na nahulog sa bitag ni Rafaella San Sebastian.
I can clearly see love on Rafaella's eyes, admiration on Daniel's eyes. Alam kong nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa.
Hinding hindi ako makakapayag na mangyari yun!
Akin si Daniel. Akin lang sya.
At si Rafaella? Mamamatay sya. Papatayin ko sya.
I can easily do that. Kayang kaya ko syang patayin in just a snap. Pero hindi ko ginagawa. Where's the thrill in that? Gusto ko syang nakikitang nagdurusa... Nasasaktan... Nahihirapan...
I knocked on Rafaella's condo. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang gwapong gwapong si Daniel.
"Yes? Sino po ang hinahanap nila?" nakangiti nitong tanong sa akin.
"Andyan ba si Rough? Im her friend."
Binuksan nito ng maluwang ang pintuan.
"Come on in. Naliligo kasi sya. Have a sit. Tatawagin ko lang sya."
Tumango naman ako at nginitian sya.
Nilibot ko sa kabuaan ng sala ang paningin ko.
"She's living without protection. Tanga talaga."
Wala manlang kahit isang tauhan na nakabantay sa kanya.
She live normally. Its unusual for us gangsters.
Lagi kaming nasasangkot sa gulo. Sa gang war. Sa duel.
Pero sya? Ang swerte talaga ng hinayupak.
Parang hindi sya gangster. Para syang reyna na nakukuha at napapasakamay nya anuman ang naisin nito.
"Lucky bitch!" naisaisip ko.
"Bestfriend!!!" sigaw ni Rafaella as she approached me. Bagong paligo nga.
Ano kayang ginawa nila ni Daniel? Nanggagalaiti tuloy ako sa isiping they made love. Hindi lang poot ang nararamdaman ko kundi inggit.
"Hi. I've been to my unit. Chineck ko kung okay pa."
"Hmp. Kung hindi pa dahil sa condo unit mo na nandito hindi mo maiisip na may bestfriend ka ding iniwan dito."
Yes. You heard it right. Im Rough's bestfriend.Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Make your friends close and your enemies even closer". Hahahaha.
I made my way to Rafaella's life since Christopher enters it.
Nagalit ako ng pinili nito si Rafaella na kakakilala palang niya samantalang ako? Na matagal ng sumusunod sunod sa kanya ay nagamit lang at iniwang parang laruan.
Mula noon I promised myself to get even. Na kung hindi man mapapasaakin si Christopher, hinding hindi sila magiging masaya ni Rafaella.
But after Christopher's death? Naging hobby ko na ang kalabanin si Rafaella.
Ginagawa ko ang lahat para malamangan sya.
Nung madiscover kong naging miyembro sya ng isang mafia pinasok ko din ang mundong yun.
Pinalakas ko din ang aking kaalaman at kakayahan upang matalo sya.
Pero maswerte ang gaga. Hanggang ngayon talo pa din ako. Pero darating din ang araw... Makakaganti din ako sa kanya.
I laughed. (syempre peke)
"Nagtatampo na naman itong bestfriend ko. Alam mo namang masyado akong busy ngayon."
She hugged me. I got no choice but to hug back. Pero sa totoo lang? Ang sarap nya na talagang sakalin.
"Magmeryenda muna kayo girls." pumasok si Dan sa sala na may dalang tray ng pagkain.
"Thank you. Ang bait mo naman." i smiled sweetly at Daniel.
Balang araw mapapasaakin ka din Dan.
"Oh. Best. I want you to meet my boyfriend. Daniel Martinez. Lawyer yan. Tsaka DJ. Palagi akong inaaway nyan sa program nya."
He chuckled. Ang gwapo nya talaga. Sobra. Lalo na kapag ngumingiti sya. Naiinlove ako lalo.
Sayang talaga. Ilang buwan na rin akong nagpapadala ng kung ano ano kay DJ Dan.
Pero in just a snap...walang kahirap hirap na naagaw lang sya ni Rafaella.
"Sya nga? Ang mean mo pala DJ. Im Mayumi Torres. Just call me Yumi. Friends na din tayo from now on Right?"
Nakipagshake hands ako sa kanya. Ang lambot ng kamay nya. Pero mas malambot yata ang tuhod ko. Nanlalambot ako sa mga titig nya....sa mga ngiti nya...
"Please to meet you Yumi. Oo naman. Friends na tayo. And regarding doon sa pang aaway ko sa kanya? Kilala mo naman yan. Playgirl eh. Kaya maraming complaints. Nagmumukha na nga akong 117 sa ginagawa nya."
Nakitawa nalang din ako sa kanila. Pero sobrang nanggagalaiti na talaga ako sa galit.
"Anyway your name sounds familiar." baling nito sa akin.
"Yumi is an Archer. Nakagold medal yan sa nakaraang sea games. Pride ng bansa natin yan." sabad na naman ni Rafaella. Ang epal nya talaga kahit kailan.
Yes. Im an Archer. Kaya specialty ko ang gumamit ng pana during duels and gang war. Walang nakakaligtas na sinuman kapag matamaan ng Arrow ko.
"I see. Kaya pala familiar. Turuan mo ako minsan ah?"
"Sure sure. Magiging trainor mo ako. Libre pa."
"Wow nice. Thanks. Oh babe arent you forgetting something?"
Nangunot naman ang noo ko.
"Ah yes. I nearly forgot. Buti you reminded me. Best. Im sorry ha? Gustong gusto sana kitang makausap pa pero may appointment kasi ako sa doctor ngayon."
Nakuyom ko ang kamao ng palihim.
Is she pregnant? Nahuli na ba ako? Naging mabagal ba ang panghihimasok ko sa love story na ito?
"Ninang ako ha?" pagbibiro ko pa.
Kapwa naman nanlaki ang mga mata nila at nagtinginan tapos nag iwasan din ng tingin.
"Urgh! Best! Ang sama mo. Ang sakit kasi ng likod ko kagabi kaya't kailangan ko ng check up. Baka kung ano na itong nararamdaman ko."
Napangiti naman ako. I guess im just in time. Hindi pa ako huli. May pag asa pa akong maagaw si Daniel at mapasakitan si Rafaella. Hahahaha.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon