[Daniel]"Zam?" nilingon n'ya ako.
"Where have you been Dan? Oh God! I've been worried. It has been two days since I last saw you. I thought she already killed you." niyakap ako ni Zam. I hugged her back.
"I'm sorry I haven't been in contact Zam. I'd been looking for Rough all over the place. Natakasan n'ya kasi ako when i'm about to bring her to prison."
"Nasaktan ka ba? Bakit kasi hindi mo kami hinintay? And shoot to kill ang order Dan. Bakit mo s'ya ipapakulong lang?"
"I was hoping na magagawa kong mapasuko s'ya ng hindi gumagamit ng dahas Zam pero she kicked me. Kaya nga halos 1 araw akong tulog. Hindi ako nagising kaagad dahil sa ginawa n'yang pagsipa sa akin."
"Hayop talaga ang babaeng 'yun. Ngayon alam mo nang hindi s'ya mapagkakatiwalaan Dan?"
"Oo Zam. I believe you now. S'ya nga talaga ang Dark Lord. Sobrang lakas n'ya at natatakot ako sa maaari n'yang gawin sa akin Zam. Natatakot ako para sa sarili kong buhay. Ngayong alam na n'yang isa akong Agent, na niloko ko lang s'ya, maaaring mamuhi s'ya sa akin Zam. I don't know what to do now." napaupo ako sa silya malapit kay Zam.
Hinawakan n'ya ang mukha ko at lumuhod sa harapan ko.
"I'm here Dan. 'Wag kang matakot. Andito ako para protektahan ka. Ano't naging Senior mo ako hindi ba?"
"Please Zam. I'm begging you. Please take care of me. Nanghihina ako Zam. I felt betrayed. I feel unprotected. I feel alone."
"Oo Dan. Oo. I will stay by your side no matter what. Ako ang bahala sa'yo Dan."
"Can I stay at your condo Zam? Alam kasi ni Rough ang bahay ko."
"Oo naman Dan. It will be my pleasure."
"Thank you Zam. Salamat. Ngayon sigurado na ako Zam. Ikaw pa din talaga ang mahal ko. I did use Rough ng malaman kong gangster s'ya. Umasa kasi akong talagang buhay ka pa Zam kaya sana papasukin ko ang underground sa pamamagitan ni Rough para makita ka. 'Yun lang mukhang ako pa yata ang nagamit n'ya."
"Talaga Dan?" nakita ko ang sobrang tuwa sa mga mata n'ya.
"Yes Zam. I want to court you again. Sana sagutin mo na ako this time." tumawa ito as if she's so happy with what she hears from me.
"Can I confess now?"
"Hmmm? What is it Zam?"
"I love you Dan. Noon pa. Pinigilan ko lamang ang aking sarili. Maraming bumabagabag sa akin ng mga panahong 'yun. Pero ngayon Dan kaya na kitang ipaglaban. Let me take care of you for the rest of our lives Dan. Let me."
"You may Zam. And i'll do the same for you too. Hayaan mong makilala kitang mabuti Zam."
Hayaan mo akong makilala ang totoong ikaw Zamara.[Tadeo / Rough's Dad]
"I surrender my Daughter."
Pumasok ako sa headquarters dala dala ang nakaposas na si Rough.
Dumating s'ya sa bahay kaninang madaling araw ng hindi inaasahan. Nagulat nalang kami ng sinabi n'ya sa akin na isuko ko s'ya sa NBI.
I asked her why at buong paghinanakit n'yang ikinwento sa akin ang buong pangyayari.
Sobrang gulat na gulat ako when she told me na isa s'yang gangster. Pero nagimbal ako ng sinabi n'yang may shoot to kill order para sa kanya mula sa NBI dahil sa Drug Dealing sa underground.
I was caught off guard dahil hindi ko alam na may ganitong pangyayari at buhay ng isa sa mga anak ko ang nakataya. Hindi kasi hawak ng Division ko ang kasong ito.
Nagalit ako and I ask her kung totoo nga ba ito. Sinabi n'yang malinis ang konsyensya n'ya, that's why I decided na isuko na lamang s'ya kaysa sa kung ano pa ang mangyari sa kanya dahil sa order na iyon. Hahanap naman kami ng paraan upang mapawalang sala s'ya.
"Chief." nagsisalute naman ang lahat ng Agents na naririto.
"I want to talk to your Head. Alam kong hindi ko dapat panghimasukan ang bagay na ito dahil hindi hawak ng Departamento ko ang kasong ito. Pero anak ko ang pinagbibintangan n'yo at nandito ako para isuko s'ya para malinis n'ya ang sariling pangalan."
Masakit man but I need to do this. Mas matatanggap kong usigin s'ya sa korte kaysa walang awang patayin ng hindi manlang naipagtatanggol ang kanyang sarili.
Habang naglalakad kami sa loob ay nakaumang kay Rough ang baril ng mga Agents.
"I told you to call your Head at mag uusap kami. Kita n'yong nakaposas na s'ya at kusang kong sinusurrender. Hindi s'ya lalaban kaya ibaba n'yo ang mga baril n'yo."
Nakatungo lamang si Rough at hindi umiimik habang naglalakad kami. Ganito din s'ya buong araw sa bahay. Nakatingin sa malayo at walang imik.
Huminga ako ng malalim.
"Sir ano ang atin?" lumabas ang OIC ng division na may hawak sa kaso ni Rough.
"Let me surrender my Daughter, Sir."
"Mag usap po tayo sa loob."
>>>
Iniwan ko si Rough sa pangangalaga ng dalawang Agents.
Pinag usapan naming mabuti ng OIC kung ano ang marapat gawin sa kaso ni Rough.
We settled everything in private at natuwa ako ng pumayag itong magpalagay ako ng sarili kong mga piling tauhan para bantayan si Rough habang umuusad ang kaso.
Naabutan kong magkaharap si Rough at ang isang lalaki at babaeng Agent sa labas ng opisina ng OIC.
Lumapit ako kaagad sa kanila when I saw Rough crying.
"Masaya ka na Dan? I surrender. Makukulong na ako sa kasalanang ibinibintang n'yo sa akin."
"Marapat lang sa'yo yan Rough kasi totoo namang ikaw ang Dark Lord. Maswerte ka at isa sa mga Head ang ama mo. Pero pababantayan kita Rough. Hinding hindi mo matatakasan pa ang kasong ito. I'll make sure na mananatili ka sa loob ng rehas all your life."
"Sige Dan! Siguro tama nga na makulong nalang ako kaysa makasama ang ahas na katulad mo! Manloloko ka Dan! Ginamit mo lang ako. Once napatunayan ng korte na wala akong kasalanan? Ikaw! Kayo ni Zamara ang mananagot sa akin!"
"Tara na Dan. Nonsense ng makipag usap ka pa sa kriminal na 'yan. Let's go."
Naglakad palayo ang dalawa at naiwan si Rough na nagpunpuyos sa galit.
"May araw din kayo! Mga walang hiya. Mga manloloko. Magsama kayo!" sigaw nito.
I saw her clinch her fist. Hindi ko pa man nakakasama ng matagal ang anak kong ito pero sobrang pagkamuhi rin ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. My child is so helpless at ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya ngayon.
Gusto ko s'yang ipaghiganti pero hindi tamang ilagay ko sa mga kamay ko ang batas.
"Shhhh. Tama na Rough. Everything will be alright. Gagawa tayo ng paraan. Superman is here right?"
I hugged her. Alam kong hindi enough ang yakap ko pero enough assurance na ito na I will protect her with all my might. Ipaglalaban ko s'ya kahit buhay ko pa ang maging kapalit.
BINABASA MO ANG
SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)
Acción[Complete] Teaser: She set her eyes on him and her world began spinning. She doesnt know him. But she was sure about one thing. He's different. And she want him. __________________________ He set his eyes on her and his eyes promised anger and reven...