Chapter 13

236 12 1
                                    


[Rough]

Gusto nyang maging gangster para protektahan ako? Sweet ba?
"Hmmmp." Sinuntok ko sya ng malakas sa panga.
"Ouch. Rough naman eh. Bakit ka ba nanununtok ha? Ang sakit kaya." hinimas himas pa nito ang panga nyang tinamaan ng suntok ko.
"Hindi ka pwedeng maging gangster gago. Tingnan mo nga yang pagmumukha mo. Walang kaangas angas."
Nilapitan ako nito at hinawakan sa mukha.
"Aba't nagsalita ang maangas. Iyakin ka nga eh."
Binali ko ang kamay nya.
"Aray ko naman Rough. Bakit ka ba nananakit ha?"
"Para tigilan mo na yang kabaliwan mo sa paghahangad na maging gangster Dan."
Nagulat na lamang ako ng itinulak ako nito sa kama at dinaganan.
"Gusto kong maging gangster Rough." bulong nito sa tenga ko at sinubukan ding pilipitin ang kamay ko.
Syempre mabilis ang mga galaw na gumulong ako para ako na ang nasa ibabaw nya.
"Hindi mo kayang maging gangster Dan."
Niyakap ako nito at hinalikan ng mariin sa mga labi sa pagkabigla ko.
Kumurap lang ako saglit nasa ilalim na ulit ako at hawak na nito ang dalawang kamay ko.
"I told you. Hindi mo kaya. Kapag hindi mo ako natalo hinding hindi ka magiging gangster kailan man." Itinulak ko sya pero malakas din pala kahit konti ang gago. Sinubukan ko syang sipain pero iniwasan lang nya ang sipa ko. Dinaganan pa ako nito lalo.
"Dan! Let me go!" nagkakakawag ako.
Aba't nakangisi lang ang animal.
"Ahhh Dan." nag init ang mukha ko. Kinagat ba naman ang leeg ko. Langya. May sa bampira pala ang loko.
"Dan. Hey. Hmmm. Please let me go!" sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak nya.
"No no. Not until pumayag kang turuan ako para maging gangster na kagaya mo."
Sh*t! Ano bang pumapasok sa utak ng lalaking to.
I pushed him a little. Pero lalo lang nitong kinagat kagat ang leeg ko.
Oh my! I can feel na nananayo na ang balahibo ko sa ginagawa nya.
"Please Dan. Let me go!" i tried to push him even harder pero hindi yata sya matinag tinag at pinagapang pa ang dila nya sa leeg ko habang malabakal na nakahawak ang mga kamay nya sa akin.
"Ano ba Dan. Stop this nonsense."
"I said I want to be like you Rough. I want to become a gangster. Kung sa wrestling panalo na ako. 10 count rule is up."
"Fvcking sh*t. Hindi mo ba naiintindihan Dan? Hindi ka pwedeng maging gangster dahil delikado. Buhay mo ang itataya mo pag nagkataon." Sinubukan ko ulit sipain sya.
"Ahhh." sigaw nito. Masakit siguro ang sipa ko na yun. Pero hindi pa din sya natitinag.
"I want to protect you Rough. Hindi ko maikakaila na galit ako sa mga gangsters pero I want to be one dahil sayo. I want to protect you Rough. Ang daming ahas sa paligid mo."
"What do you mean Dan?"
"Ahh basta."
"Alright. Sige. I'll teach you. Pero magiging under ka lang sa pangangalaga ko Dan. Wag mo ng balaking tuluyang pumasok sa magulong mundo ko. I wont let you. Kasi ayaw kitang mapahamak."
Nakangising umupo naman ito sa kama at pinahid ang pawis nya.
"Ang persistent mo din ano?"
"I told you."
~
"Anong ginagawa natin dito in the middle of the night?" takang tanong nito.
Nasa gitna kami ng isang iskinita. Hindi naman sya squatters area pero malapit lapit na sa ganun.
"To tell you honestly? Gagantihan kita for giving me this damn love bites." he chuckled.
"Hahaha. Eh di sana kinagat mo nalang din ako."
"Ano ka siniswerte? Prepare yourself. Magpapahabol tayo sa aso."
"Wwwhhhaaattt?" nanlaki ang mga mata nito at napalunok ng laway.
"Kaya mo ba ako pinagsuot nitong jogging pants and rubber shoes para magpahabol sa aso? Are you out of your mind Rough?"
"Hey. Diba ikaw ang nagpupumilit maging gangster? Eh sa aso lang pala takot ka na?"
"Haist. Oo na. Sige na. Game." napakamot nalang ito sa ulo.
Ang cute nya talaga.
"Get ready. In the count of 3 maglalabasan na ang mga aso."
"Woaaah. Wait wait. Saglit lang. Hihinga lang ako."
Natawa tuloy ako. Tiningnan ko sya habang inaayos ang sintas ng sapatos nya at patalon talon pang huminga ng malalim.
"Im ready." sabi nito pagkatapos.
Pumulot ako ng bato at ibinato sa isang bahay sa iskinitang yun.
"One...two...three... Takbo Dan." sigaw ko sa kanya at tama nga nagsilabasan na ang mga aso.
Nakasunod lang ako kay Dan habang tumatakbo din kagaya nya.
Ang mga aso papalapit na sa amin.
Ang lalaki pa nila. Sa tantya ko nasa walong aso ang humahabol sa amin.
Natawa ako ng makitang hinihingal na si Dan.
Ang lapit na ng mga aso sa kanya kaya i decided to make my move na.
I shot each dog. Lahat sila walang malay na bumagsak sa lupa.
Napatigil naman sa pagtakbo si Dan at nahiga sa kalsada.
Natatawang nilapitan ko sya.
"Oh ano kaya pa? Ang bagal mo palang tumakbo Dan."
"Hah hah hah." kinakapos ito ng hininga.
"Wala lang akong practice Rough. Mas mabilis na ako next time. You killed the dogs? " he asked between breaths.
"No. Tranquilizer lang ang tinira ko sa kanila. Magigising din yan maya maya."
"Ahh. Mabuti naman. Uwi muna tayo Rough. Pagod na ako eh."
"Hahaha. Mahina ka pala eh. Di ka pwedeng maging gangster."
"No. Kaya ko. Masasanay din ako. Please let me. Hayaan mo bukas mas gagalingan ko na."
"Bahala ka na nga."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon