Chapter 35

189 8 1
                                    


[Rough]

Tinigala ko ang bubong ng bar kung nasaan ako ngayon. Pinipigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala mula sa kailalaiman ng aking mga mata.
Namimiss ko na ang dating Dan. Parang nagbago na kasi talaga siya. He became aloft and cold this past days. Hindi naman s'ya dating ganito eh. Hindi s'ya ganito ng wala pa si Zam.
"Fvck that Zam!" I cursed bago ko tinungga ang laman ng basong hawak ko.
"Nakakarami ka na ah." nakangiting mukha ni Ron ang bumungad sa'kin paglingon ko.
"Tss! Bakit ka nandito Ron? 'Wag mong sabihing inaaliw mo ako dito para makapagsarilinan silang dalawa?"
Tumawa lang s'ya. Naningkit tuloy ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
Hmmm. Ngayon ko lang napansin. Ron is also cute. Chinito pa ang mata, lalo na kapag nakatawa. Maputi at malinis, lahing artistahin din kagaya ni Dan. Lean pero halatang matatag din sa labanan.
"Kung ang tinutukoy mo ay si Dan at si Zam wala akong balak magpagamit sa kanila. I'm still your loyal ally. Lasing ka na nga Rough. Nakatitig ka na sa'kin oh." kinuha nito ang basong sinalinan ko ng alak at s'ya ang uminom.
"Don't you know how to order for yourself Ron? Tss! Naging member ka lang ng Guardians nawalan ka na ng respect sa akin. Tsaka i'm not staring."
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, 'yung halos naaamoy ko na ang mabango n'yang hininga.
Napatikhim ako at napalayo sa kanya ng konti. Tumawa na naman s'ya.
"Eh 'di hindi. But let me stare at you. Hmmm. You're still a goddess." tumawa lang ito ng mapansin n'yang nagbublush ako. Kung makatitig kasi wagas.
"Ano naman ang nakakatawa Ron? Clown ba ako? Tss!"
"You're blushing. Hmmm. You seemed jealous as hell Rough. Mahal mo na talaga s'ya no?" sabi nito habang patuloy sa pag inom.
"Pakialam mo ba?" tinungga ko ang boteng nangangalahati pa ang laman. Inagaw kasi ng gago ang baso ko eh.
"Hoy! Nagpapakalasing ka ba talaga? Tama na nga yan."akmang aagawin nito ang bote pero agad ko itong nailayo mula sa kanya.
"Tss! Hayaan mo nga ako. Gusto mo ba ng sapak Ron?"
"Hay! Sabi ko nga hahayaan ka."
Natawa tuloy ako. Ron had always been this supportive.
Sinusunod n'ya ang lahat ng gusto ko ng walang reklamo.
"Why don't you talk to him? Hindi yang nagpapakalasing kang mag isa dito. Confront him. Matapang ka naman 'di ba?"
Napailing na lamang ako. Ayokong magmukhang kawawa sa harap ni Dan kaya hindi ko gagawin 'yon. As I recall tinalikuran lamang ako nito when I tried to talk to him.

[Ron]

Pinagmamasdan ko si Rough habang patuloy lang sa pag inom sa boteng hawak n'ya. I've never seen her this helpless. Although may mga pagkakataong nanghihina s'ya at umiiyak pero hindi ganito. Maybe she really love him that much kung kaya't ganito nalang s'ya kung magselos.
"Pahinging kumot." sabi nito sa akin maya maya.
I looked at her eyes. Namumungay na sa kalasingan yet longing and sadness is written all over it. I know she feels bad. I know she's hurting.
"Hay! Nasa kotse Rough. Mamaya. Hindi pwede dito. Sandal ka nalang muna sa likod ko."
Ganito s'ya kapag down. Kung masama ang loob at nasasaktan iiyak lang s'ya sa isang sulok pero kapag sobrang nasasaktan s'ya manghihingi s'ya ng kumot at doon magtatago habang pinipigilang mapalakas ang pag iyak n'ya. Ayaw n'yang nakikita s'ya ng ibang taong umiiyak. Ayaw n'yang magmukhang kawawa sa paningin nila.
Sumandal nga s'ya sa likod ko at maya maya'y naramdaman ko ang pamamasa nito.
"He is unfair Ron. I tried my best na magbago. To stop my playfulness para iparamdam sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal." she started sobbing. Halata sa boses n'ya ang sobrang paninibugho.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. I hate seeing her like this. Its as if pinipiga ang puso ko. Nasasaktan kasi ako sa tuwing nakikita s'yang nasasaktan.
"Rough tama na. Iuuwi na kita."
Pero she grabbed my shirt at pinipigilan akong gumalaw. Sobrang basa na ng likod ko and I know she's crying really bad.
"Mamaya na Ron. Please dito muna tayo." sabi nito sa mahina at garalgal na boses.
"Hay! Ano pa ba ang magagawa ko."
Sinalinan ko na lamang ang baso ko ng alak at tinungga. Hinintayin ko nalang na sabihin nya'ng iuwi ko na s'ya.
Maya maya ay naramdaman ako ang tuluyang pagsandal n'ya sa akin. Bumagsak ang kamao n'yang kanina ay nakahawak sa manggas ng t-shirt ko. By the look of it nakatulog na s'ya sa kalasingan.
Dahan dahan akong lumingon at hinawakan ko s'ya.
"Tsk. Tulog na nga."
I carry her hanggang maipasok ko na s'ya sa sasakyan. I put her seatbelt on bago tuluyang umupo sa driver's seat.
"Hay! He is so damn lucky to have you Rough. Pero gago s'ya. Kung ako lang sana ang minahal mo."
I had been vocal about my feelings. Dati ko pa s'yang sinusubukang suyuin pero she will just laugh and tell me na hindi kami bagay or when she's serious, she would tell me na si Chris pa din ang laman ng puso n'ya. Sabi pa nito ayaw n'yang magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil lang sa feelings kong ito. Kaya nakontento nalang akong mahalin s'ya ng palihim. Although may mga pagkakataong gustong gusto ko na talagang ibulalas itong nararamdaman kong pagtatangi sa kanya.
>>>
I drove to their house. Ang swerte ng gago at napatira n'ya pa si Rough sa bahay n'ya.
Saktong kadarating lang din ni Daniel at nagbubukas ito ng gate.
"Pare." bati ko dito. Pinipigilan ko ang sariling suntukin s'ya kahit na gustong gusto ko na talaga.
"Ron? May kailangan ka? Wala pa yata si Rough. Tara sa loob doon mo nalang s'ya hintayin." kaswal na sabi nito habang binubuksan ng maluwag ang gate.
"She's with me." doon n'ya palang ako nilingon ng tuluyan.
"Where is she?" binuksan ko ang passenger's seat ng kotse and there he saw Rough sleeping.
Nagulat ako ng kwelyuhan n'ya ako.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" itinulak ko s'ya dahilan para mapaatras ito.
"Ano'ng problema mo ha? Gago ka! Ako na nga itong tumulong, ako pa ang pagbibintangan mo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo Dan? Bakit nga ba nagkakaganyan ang girlfriend mo?"
Sinuntok n'ya ako na ikinadugo ng labi ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Sinuntok ko s'ya sa mukha dahilan upang mapabagsak s'ya sa lupa.
Masama ang tingin na tumayo ito at dinaluhong ako. Malas n'ya lang at mas sanay ako sa labanan kaysa sa kanya.
Pabalya ko s'ya isinandal sa kotse at sinakal ng braso ko.
"'Wag na 'wag mo akong pagbibintangan Dan. Ikaw ang kung ano ano ang ginagawa kasama si Zam. Sa tingin mo? Bakit nagkakaganyan si Rough? Walang hiya ka! Ikaw pa itong may lakas ng loob na maghamon ng away. Pwe! Tang*na ka! Ikaw itong mananakit ng babae tapos magmamaang maangan ka? Nagseselos 'yan gago!"
Kung kanina ay nagkakakawag ito para makawala ngayon ay nakatulala lang s'yang nakatingin sa akin.
"Ano? Kanina ang lakas ng loob mo 'di ba? Gago ka Dan! Kung ako nga na minamahal si Rough ng palihim nakokontento nalang sa pagkakaibigan. Ikaw? Ikaw itong binigyan n'ya at binuhusan ng pagmamahal n'ya tapos gaganituhin mo lang s'yang tang*na ka!"
Kinwelyuhan ko s'ya.
"Ito ang tandaan mo Dan. Isang beses ko pang malamang sinaktan mo ulit ang feelings ni Rough? Hindi ako magdadalawang isip na agawin s'ya sa'yo. I don't care kung hindi n'ya ako mahal. Ang gusto ko lang ay mailayo ko s'ya sa walanghiyang two timer na tulad mo." sabi ko sa kanya bago ko s'ya binitawan.
Tinanggal ko ang seatbelt nito at inalalayan palabas ng kotse. Pinangko ko s'ya at hinarap si Dan.
"Oh." sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang natutulog na si Rough.
"Remember what i've said Dan. Tototohanin ko 'yon sa oras na makita ko pa s'yang umiiyak." sabi ko dito bago sumakay sa kotse at pinaharurot ito.
"I'm more than willing to be your blanket Rough. Maghihintay ako ng pagkakataong bitawan ka n'ya at maging akin ka. This time ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sa'yo Rough."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon