Chapter 28

226 11 2
                                    


[Yumi]

"Hanapin nyo!" sigaw ko ng magsidatingan ang mga alagad ko.
Hindi ko lubos maisip kung paanong nakapasok ang babaeng nakamaskara dito sa hideout ko ng hindi napapansin ng mga tauhan ko. Bawat sulok nitong building na ito ay may bantay pero may sa pusa yata sya at nalulusutan nya ng walang kahirap hirap ang mga tauhan ko.
"Sino ka ba talagang punyeta ka?"
"Boss wala na sya. Pero may nakita po kaming mga lubid na may hooks sa rooftop. Ito po yata yung ginamit nya papasok at palabas dito."
Ang animal. Mukhang magaling talaga syang tumakas. Dalawang beses na nya akong naiisahan. Sino ka ba talaga? Bakit mo ginugulo ang mga plano ko?
"Maging alerto kayo. Bantayang mabuti ang lahat ng pwedeng madaanan ng intruder na yun. Alam kong babalik pa sya dito. Pati na rin si Black Empress, alam kong hahanapin nila itong kuta ko."
"Yes boss."
Kung bakit pa kasi ako nagpakita bilang Big Mommy kanina. Kung bakit ko pa kasi kinakaawaan si Jem. Peste kasi ang Jem na yun. Iniwan na nya ako at lahat pero heto ako, hindi ko sya magawang pabayaan.
"Nakuha nyo ba ang babae?"
"Yes boss. Maayos naman po naming naisagawa ang pagkidnap. Nasa room 13 po sya boss at binabantayan ng mga knights."
"Good. Bantayan ninyong mabuti. Kakausapin ko din sya one of these days."
Hindi pa ako ready. Pero kailan ba ako magiging handa? Mahaharap ko ba sya ng hindi nagiging marupok?
>>>
"Buksan nyo ang kwarto! Gusto kong kausapin ang bihag!" utos ko sa mga nagbabantay sa kwarto ni Jem.
Agad naman akong pumasok matapos nilang buksan ang pinto.
Sobrang dilim ng kwartong nabungaran ko.
Napaatras ako ng may sumipa sa akin sa mukha dahilan para matanggal ang maskara ko.
"Tang*na!" agad kong kinapa ang switch ng ilaw at bumaha ang liwanag sa buong kwarto.
I didnt see her fist coming. Tumama ito sa mukha ko na ikinabiling ng ulo ko.
Agad pumutok ang labi ko sa suntok nyang yun dahilan upang umagos ang dugo mula sa sugat na nilikha nito.
"Pwe!" dinura ko ang dugong humalo sa laway ko.
Agad ko syang sinugod at inundayan ng suntok dahilan upang magpambuno kami at nagpalitan ng suntok.
Magaling sya pero mas magaling ako. Sinipa ko ang tuhod nya dahilan upang mapaluhod sya. Sinuntok ko sya sa mukha para makaganti sa ginawa nyang pagpapadugo sa labi ko.
Sinabunutan ko sya at pinaharap sa akin.
"Tangna! Matinik ka din ha. Itinali ka na at lahat pero nagawa mo pa ring makawala. Mabuti nalang pala at binisita kita rito."
"Sino ka? Bakit mo ako pinakidnap? Pakawalan mo ako dito!"
"Sino ako? Tinatanong mo kung sino ako Jem?" tinitigan nya lang ako.
"Ang boses mo. Parang pamilyar."
Maya maya ay nanlaki ang mata nito at nanginig sya sa takot.
"Big Mommy? Sorry po Big Mommy. Sorry po at binigo ko kayo. Maawa po kayo. Wag nyo po akong patayin. Please po. Rough needs me. Kailangan pa ako ng anak ko. Wag nyo rin po s'yang sasaktan." tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata nito.
"Marunong ka palang magmakaawa Jem? And Rough needs you? Kailangan ka pa ng ANAK mo? Nagmamakaawa ka pang wag ko syang sasaktan? Pwe! P*tngna!" pinagsisipa at pinagbabalya ko ang mga gamit sa kwartong yun.
Napaupo ako sa sahig at nakasandal sa may pader matapos magsawa sa pagwawala. Nakatitig lang si Jem sa akin the whole time.
"I wished you said the same thing to Dad when we left you Jem. Sana narinig ko din yan noong nagdesisyon si Daddy na iwan ka kasama ako. I wish you did." my tears started to fall from my eyes.
"Ang sakit lang isipin na hanggang ngayon mas iniisip mo pa din ang kapakanan ng anak-anakan mo kaysa sa akin na sarili mong anak." doon na bumuhos ang luha ko.
All this years tinatagan ko ang loob ko. Pinili kong lumaban kaysa ang umiyak sa isang sulok. Pero heto at hindi ko mapigilang maibulalas ang sama ng loob na matagal kong kinimkim sa dibdib ko.
"Mayumi?" she recognized me.
Hindi ko mapigilang matawa.
"Wow. You know me? Did you really call my name Jem?"
Nilapitan ako nito at akmang yayakapin.
"Anak? Mayumi? Ikaw nga ba yan?"she hugged me but then I pushed her away.
"Dont! Wag na wag mo akong hahawakan Jem. And don't ever call me Anak coz you were never a mother to me!"
Gumapang syang pabalik sa akin and kneel on her knees.
"Yumi, I am so sorry. Patawad anak. Aminado akong napabayaan kita. Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa inyo ng tatay mo but believe me, hinanap ko kayo Yumi. Lalo na ikaw."
"Tss. Sinungaling ka Jem! Sinungaling ka! Hindi mo ako hinanap kasi kung totoong hinanap mo ako hindi sana ako lumaki ng mag isa Jem! Hindi sana naging mahirap ang buhay para sa akin!"
"I thought you were with your Dad? Noong sinubukan ko kayong hanapin, matagal akong naghanap Yumi. 5 years after you left my house I found your Dad. Nagkausap kami. He told me na may sakit ka. He asked for a big amount of money para daw maipagamot ka nya. I asked for your whereabouts and he told me na nasa ospital ka ng mga oras na iyon. Pinilit ko sya na dalhin ako sayo pero he refuse. Sinabi nya sa akin na ayaw mo akong makita at baka lalong lumala ang sakit mo kung magpapakita pa ako sa'yo kung kaya't nirespeto ko yun. But I gave him the money na ipapagamot nya daw sayo. 50 million to be exact."
Totoo ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? Ni hindi nga ako nagkasakit kagaya ng sinasabi nya. Bakit walang nabanggit ang tatay ko? He even left me sa mga kapatid nya at sila na ang nagpalaki sa akin. And I didn't live a normal life after he left me. Kinawawa ako ng mga pinsan ko. Inutos utusan ako ng mga tita ko. Ginawa nila akong kasambahay.
"At sa palagay mo maniniwala ako Jem? All my life nagtiis ako. Ni piso sa 50 million na sinasabi mo wala akong napala. Inalila ako at ginawang kasambahay ng mga taong nag alaga sa akin. I tried to go near you when I was in grade 6, pero ano ang ginawa ng mga alipores mo? Itinaboy nila ako. Ni hindi sila naniwala na anak mo ako dahil sa itsura ko noon. Sabagay, sino naman ang maniniwala. Puro pasa at gasgas ang pagmumukha ko ng dahil sa pang aalipusta ng mga kapatid ni tatay. I ate my pride para sana ay mailigtas mo ako sa hirap na kinasasadlakan ko. Pero walang nangyari. Lalo lamang umigting ang galit ko patungkol sayo! Dinaanan ako ng kotse mo that time. Sinubukan kong katukin ang bintana at natuwa ako ng buksan mo but you gave me 5 pesos for goddamn sake! Hahaha. Thats why I hated you so much Jem and I promised myself na when the right time comes gagantihan kita."
"Pero nagkakamali ka anak. Hindi kita basta basta iniwan. Your dad want me to leave you alone dahil masaya na kayo ng wala ako. And Im sorry if I didnt recognize you ng lumapit ka sa akin."
"How will you notice me kung busy ka sa pag aalaga sa ampon mo? Happy? I had never been happy all my life Jem! Poot at galit ang namayani sa puso ko. Lalo na at nakikita ko ang ginagawa mong pagkalinga kay Rafaella. I was hoping, I did wish, na sana ako nalang sya. Di sana ako na ang pinag alayan mo ng panahon at pagmamahal. I was damn jealous with Rough. Kaya ko nga ginawang impyerno ang buhay nya. I killed Christopher, her boyfriend dahil ayokong maging masaya sya. Ayokong ang lahat ng para sa akin sana ay mapunta sa kanya. Kaya I had been addicted on making her life a living hell. And its time that I kill her. Papatayin ko sya sa harapan mo Jem. Bukas ng gabi. Dito mismo sa kuta ko. I want you to witness kong paano kong pahihirapan bago papatayin ang pinakamamahal mo."
I left her there. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon