Chapter 25

218 14 1
                                    


[Yumi]
"Fvck! I cant sleep!"
Napabalikwas ako ng bangon. Kanina pa akong nakahiga, or should I say kagabi ko pang pinipilit matulog pero hindi manlang ako dinalaw ng antok.
I can still remember what had happened last night, sa shower room ni Dan. That was fvcking hot.
Gusto ko yung ginawa ni Dan kay Rough at ipokrita akong matatawag kapag sinabi kong hindi ko naiimagine na ako ang kaulayaw ni Daniel ng mga oras na iyon.
Napabuntong hininga ako.
That thought is freaking hot that I haven't sleep thinking about it.
Hmmm. I got to have my share of Daniel. Gusto kong may mangyari sa amin. Lahat gagawin ko, even blackmailing him.
"Mapapasaakin ka din Daniel. Kung hindi? Hmmm. I'll kill you just what i've done to Christopher. Hahaha."
I've changed into my overalls and got out of the house para irelax ang nag aalimpuyo at nag iinit kong damdamin towards Daniel.
I decided to go jogging.
Its 4 in the morning and the sun isn't up until 5:30.
Gustong gusto ko kapag madilim pa ang paligid. Yung tahimik pa at mga huni lamang ng panggabing kulisap at mga ibon ang maririnig. Its as if sobrang malaya pa akong gawin ang ninanais ko ng walang sagabal.
Kakalabas ko lang ng kwarto at nagulat ako when I saw Rafaella. She's wearing her black overall habang dahan-dahan at maingat na lumabas ng bahay ni Daniel.
"Where could she possibly be going at this hour?"
Im sure na hindi nya ako nakita dahil agad akong nagkubli sa may hagdanan.
Sinundan ko sya until nakarating kami sa isang bakanteng lote.
"Why was she here in the middle of the night?"
Isinuot ko ang maskarang dala ko at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nya.
"Lumabas ka na dyan. Alam kong kanina ka pa nakasunod sa akin." sigaw ni Rough.
Is she talking to me? Hmmm. Palinga linga ako sa paligid. Pinakiramdaman kung meron pang ibang tao bukod sa akin.
And yes. Meron nga. Lumabas sya galing sa kung saan. Nakaitim din at nakamaskara. By the curves of the silhuette na nasisinagan ng poste mula sa malayo, masasabi kong babae ang panauhin ni Rough.
"What do you need?" tanong ni Rough dito.
"Im here to warn you." sagot nito. Pinilit kong inaaninag ang nagsasalita pero nakamaskara din sya kagaya ko. Her voice sounds familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig ito.
"Warn me with what?"
"Your life's in danger Rafaella."
"How did you know?"
"I'm always following you."
"Why? I mean bakit mo ako sinusundan? Kilala ba kita?"
"In time makikilala mo rin ako Rafaella. Hindi pa ngayon ang tamang oras. I am just warning you. Mag ingat ka. The 100th day is soon to be over right?"
"What??? Paano mong nalaman?" halos pasigaw ng tanong ni Rafaella dito. Maski ako ay nanlaki ang mga mata sa narinig.
How did she know? Sino ba talaga sya?
"I told you I am watching over you Rafaella. Just be safe and when the right time comes, makikilala mo rin ako."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Dahil hindi pa ito ang tamang panahon. 7 days to go before something big happens. Just watch your back Rafaella. Know whom to trust. Maraming ahas sa paligid. Ang iba ay matagal ng nakapasok sa buhay mo."
"What do you mean?"
"Alam kong matalino ka Rafaella. You can figure things out."
"Teka nababaghan na ako sa mga sinasabi mo."
"Sa tamang panahon Rafaella. Just tell Daniel everything. Trust Daniel. Sya lang ang pwedeng makatulong sayo. Sya lang ang pupwede mong pagkatiwalaan. Wag na wag kang mawawalan ng tiwala sa kanya. Trust him."
"How did you know Daniel?"
"Too many questions asked. I got to go Rough. Kapag nagkaipitan at nagkagulangan just tell Daniel that Zamara and Rafaella needs his trust."
"What?"
"Just remember, Rough. Whatever situation you are into. Just tell him this "Zamara and Rafaella needs your trust". Yun lang ang sabihin mo sa kanya. Yun lang Rough. Yun lang."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Sino si Zamara? Sya ba si Zamara?
"Teka. Ikaw ba si Zamara?"
"Hindi."
Maikling sagot nito at tumalikod na. Naiwang nag iisa si Rough sa bakanteng lote na yun pero maya maya ay tumakbo na ito patungo sa direksyon ng bahay ni Daniel.
"Aray." napaatras ako at napatago sa may puno. Napahawak ako sa balikat ko at ng mamasa ito, alam kong nagdurugo na ang balikat ko.
"Alam kong kanina ka pa dyan."
Kukunin ko sana ang baril na nakatago sa likuran ko.
"Wag kang magkakamali kundi puputulin ko yang kamay mo nitong espada ko."
Hindi ako gumalaw. Pinakiramdaman ko ang paligid at ng maramdaman ko kung saan sya naroroon agad akong nagpagulong sa lupa, mabilis na ikinasa ang baril ko at nagpaputok.
"You missed. Andito ako."
"Ahhh." napaigik ako ng maramdaman ko ang pagtama ng kung anong matalim na bagay sa tuhod ko.
Tumira ako ng tumira pero tawa lang nito ang naririnig ko.
"Tsk tsk. Ang hina mo pala Yumi. Ganito ka lang pala kadaling patumbahin? I should have known."
"Sino ka ba talaga?"
Humangin bigla at maya maya ay wala na akong naramdaman pang kakaiba sa paligid. Nawala nalang syang bigla kasabay ng paghangin.
"Fvck!" naiputok ko ang baril ko sa kawalan.
"Sino ka ba talagang pakialamera ka?"
Naisigaw ko nalang. Im angry and frustrated. Sino ang kumakalaban sa akin? Sino ang kumakalaban kay Big Mommy?

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon