[Daniel]I was torn between my duties as an Agent and my love for Rough. Oo, I had been confused about my feelings for Zam and Rough. I still am. Zamara had been special in the past and Rough for goddamn sake is my wife! Kahit s'ya pa si Dark Lord, hindi tamang patayin na lamang s'ya ng walang kalaban laban.
Tumakbo ako papasok sa bahay. Humahangos na kinuha ko ang bag ko at nilagyan ng maraming baril at mga bala. Kumuha din ako ng pera sa safety deposit box namin at nagdala ng iilang t-shirt at pants pati na din ilang pirasong damit ni Rough.
Nagtaka si Jem ng kargahin ko ang natutulog na si Rough dala dala ang aking mga bagahe.
"Dan saan mo dadalhin si Rough? Saka hindi ko pa natapos sabihin sa'yo tungkol kay Dark Lord."
"No need Jem. Alam ko na kung sino. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. If somebody asked you about us sabihin mong nakatakas si Rough at hinahabol ko s'ya. Please Jem. Do that please."
Wala ng naging sagot si Jem dahil tinalikuran ko agad s'ya bitbit si Rough. Alam kong nagtataka s'ya pero wala na akong oras para magpaliwanag. Kailangang makalayo agad kami sa lugar na ito ngayon din.
I put out my gun tapos pinagbabaril ko ang gulong ng kotse ko.
Sinakay ko si Rough sa kotse n'ya at nagdrive paalis sa bahay namin. I need to hurry. Kung hindi baka maabutan na kami nina Zamara. I can't afford to lose Rough this way. Mahal ko s'ya. Alam ko sa puso ko na mahal ko s'ya. Hindi ko s'ya isusuko without a fight. Hindi s'ya mamamatay ng wala akong ginagawa.
Isusuko ko s'ya sa may kapangyarihan sa tamang proseso at hindi dahil sa shoot to kill na 'yan.[Rough]
Nagising akong masakit ang ulo.
Nasapo ko na lamang ang ulo ko dahil sa hangover. Naparami yata ang inom ko ng nakaraang gabi. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama bago idinilat ang mata.
Laking pagtataka ko ng sa pagdilat ko ay sa ibang kwarto ako nagising.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. I'm not familiar with this room. Sumilip ako sa bintana pero wala akong nakita kundi mga punong kahoy.
Nasa gitna pala kami ng kagubatan. Nabalik ako sa kama at sumandal ulit sa headbord.
Ipinikit ko ang mata at pinilit alalahanin ang mga pangyayari ng nagdaang gabi.
"Ron? Ron?" tawag ko dito. S'ya lang naman kasi ang natatandaan kong huli kong nakasama kagabi sa bar. Siguro s'ya ang nagdala sa akin dito.
"Ron? Ron?" paulit ulit kong tawag bago bumukas ang pintuan.
Nagulat ako ng si Daniel ang pumasok sa kwarto at hindi si Ron.
"Why are you calling Ron? Do you expect na s'ya ang kasama mo ngayon?"
Galit ba s'ya? Nakikita ko kasi sa mata n'ya.
"Ah hindi. I remember last night s'ya ang kasama kong uminom sa bar so I thought na s'ya ang nagdala sa akin dito. Where are we?"
"Ganun ba Rafaella? What if s'ya nga ang kasama mo ngayon? Makikipagtalik ka din ba sa kanya kagaya ng ginagawa natin?"
Doon na umalsa ang dugo ko. He is accusing me of something na never kong ginawa sa kanya.
"Pinagbibintangan mo ba ako Dan? 'Wag mo akong baliktarin. Ikaw nga itong may ginagawang kalaswaan kasama ni Zamara hindi ba?"
Naningkit ang mata n'ya at lumapit sa akin.
"Zamara and I are just friends. Kung ano man ang ipinasok ni Ron sa kokote mong 'yan, forget it! Dahil hindi totoo. Zam and I never do such a thing."
Tumayo ako and headed for the door.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na. Ayokong makipagtalo sa'yo. Cheater!"
Nagulat ako ng hilahin n'ya.
"I'm not a cheater. And you are not going anywhere but here. Dito ka lang sa bahay na ito at hinding hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi."
"Dahil na naman ba sa pagseselos mo ito Daniel? If it is. Drop it. I don't have plans on staying here and argue with you all day. Marami pa akong dapat gawin."
Isinandal ako nito sa pader ng kwarto.
"Fvck! Let me go Dan."
"Not until you tell me the whole truth Rafaella."
Nangunot ang noo ko.
"The truth about what Daniel?"
"'Wag ka ng magmaang maangan pa. You are Dark Lord!" singhal nito sa akin.
"Dark Lord? Sinong Dark Lord?" takang tanong ko.
"Don't make yourself funny Rough. 'Wag mo na akong linlangin. Ikaw si Dark Lord! Ikaw ang lider ng sindikatong namamahala sa drug dealing sa underground."
"Ano? No! Never! Hindi ako ang Dark Lord na sinasabi mo."
"Bistado ka na Rough!"
"Sino ba ang nagsabi sa'yo ng kasinungalingang 'yan Dan?"
"Hindi kailanman magsisinungaling si Zamara!"
Itinulak ko s'ya ng malakas.
"So? Si Zamara na naman pala! Mas pinaniniwalaan mo si Zamara kaysa sa akin ganun ba Dan? Damn! I am not Dark Lord! Hindi ako kasing sama katulad ng iniisip mo. Stop accusing me without evidence!"
"May ebidensya kami Rough at may order na galing sa itaas. Shoot to kill ang utos nila para sa'yo."
"Ano?" doon na nanlaki ang mga mata ko.
"Yes Rafaella. Kung ayaw mong mapatay please dumito ka habang naghahanap ako ng paraan kung paano maiiba ang utos nilang shoot to kill. Maghahanap ako kung saan ka pwedeng sumuko ng hindi pinapatay."
"Sumuko? Bakit ako susuko? Wala akong kasalanan Daniel kaya hinding hindi ako susuko."
"Fvck! Umamin ka na kasi Rough!"
"Ano naman ang aaminin ko? I didn't do anything. Wala akong ginawang masama!"
"Wala ba talaga? 'Wag ka ng magkaila pa Rough! Sumunod ka nalang sa gusto kong mangyari."
"Hindi Daniel. Hinding hindi ako susunod sa'yo. Hinding hindi ako susuko dahil wala akong kasalanan. Papatunayan ko sa'yo na wala akong kasalanan. Ipapakain ko sa'yo yang kasinungalingang ibinibintang n'yo sa akin! At ano ang karapatan mo at ni Zamara na hulihin ako? Sino ka ba talaga?"
Napabuntong hininga ito.
"I'm an Agent. Mission namin ang mahanap ang may pakana ng drug dealing sa underground."
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Kung ganun nagpapanggap ka lang pala all this time? Niloloko mo pala ako? Ginamit mo lang ba ako? Kung ganun mas lalo pala kitang hindi dapat pagkatiwalaan."
Sinipa ko siya sa tagiliran pero sinalo n'ya lang ang sipa ko. Inundayan ko s'ya ng maraming suntok pero sinalag n'ya lang din ito. Wala na akong choice kundi bigyan s'ya ng isang round house kick.
Sapol s'ya sa ulo. Bumagsak s'ya sa sahig ng walang malay.
"Sorry Dan. I need to do this. Kailangan kong maipagtanggol ang sarili ko laban sa mga kagaya mo. Wala akong kasalanan at papatunayan ko sa'yo 'yun."
Palakad lakad ako sa kwarto at iniisip ang maaari kong gawin.
Si Ron. I need to see Ron. Alam kong matapat ko s'yang alagad. I know he will help me.
![](https://img.wattpad.com/cover/70832951-288-k851591.jpg)
BINABASA MO ANG
SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)
Action[Complete] Teaser: She set her eyes on him and her world began spinning. She doesnt know him. But she was sure about one thing. He's different. And she want him. __________________________ He set his eyes on her and his eyes promised anger and reven...