Chapter 36

184 6 0
                                    


[Daniel]

Tinanaw ko na lamang ang papalayong sasakyan ni Ron.
Parang natauhan akong bigla sa mga sinabi n'ya. Naaawang tinitigan ko ang bitbit kong si Rough.
I promised her heaven by my side pero ano itong ginagawa ko? Its as if i'm commiting infidelity with Zamara.
Kailangan pang isaksak ni Ron sa utak ko ang katotohanang napabayaan ko na si Rough and I caused her too much pain by being jealous.
Bitbit ko s'ya papasok ng bahay.
"Ano'ng nangyari sa kanya Dan?" sinalubong kaagad ako ni Tita Jem na halatang kanina pa naghihintay sa pagdating ni Rough.
"She got drunk Tita. Bakit po? May problema ba?"
She looked at me with wary eyes. Sigurado akong nag aalangan pa s'ya kung magtitiwala ba sa akin o hindi.
"Something's bothering you Tita?"
"Hmmm. Mapagkakatiwalaan naman kita hindi ba Dan?"
"Yeah. Sure. Bakit po? Ano po 'yun?"
Pinahiga ko muna si Rough sa may sofa bago ko hinarap si Tita.
"May sinabi si Yumi sa akin before she died."
Doon na nangunot ang noo ko.
"Ano 'yon Tita?"
"Tungkol sa drug dealing sa underground." nanlaki ang mata ko sa narinig. All this time hawak pala ni Yumi ang susi sa sekretong matagal na naming kinakalkal.
Hinawakan ko ang balikat n'ya.
"Tita ano ang nalalaman mo sa drug dealing sa underground? Tell me."
"Ang Dark Lord ang nagpapalakad ng drug operations sa underground Dan. Sila daw ang nagsusupply ng droga sa iba't ibang panig ng mundo. Pati mga kilalang Drug Lords ay sa kanila kumakapit. Si Dark Lord din ang Big Boss ng pinakamalaking Mafia sa Underground."
"Please tell me Tita Jem. Sino ang Dark Lord. Sino?"
"Si B-"
Naputol ang sasabihin ni Tita Jem ng magring ang cellphone ko. I hesitated.
I looked at the caller at si Zamara ang tumatawag.
Importante ang sasabihin ni Tita Jem pero importante din marahil ang tawag na ito ni Zam. Besides andito lang naman sa tabi ko si Tita. Tatapusin namin ang pag uusap after I take the call.
"Saglit lang Tita. I have to answer this call. Hintayin n'yo po ako."
Sinulyapan kong muli ang natutulog na si Rough bago naglakad palabas ng bahay at sinagot ang tawag na 'yun ni Zam.
"Hello Zam?"
"Dan. I need to tell you something." para yatang humahangos ang boses nito.
"What is it Zam? May problema ba? Bakit parang humahangos ka yata."
"Papunta kami sa kinaroroonan ng Dark Lord sa mga oras na ito. Nadiskobre na namin kung sino ang may pakana ng drug dealing sa underground Dan."
"'Yun din sana ang sasabihin ni Tita Jem sa akin."
"May nasabi na ba s'ya sa'yo?"
"Wala pa. Magsasalita na sana s'ya ng tumawag ka."
"Good." mabilis na sagot nito sa kabilang linya.
"Ha?"
"I mean good na nauna ako. Baka kasi kasinungalingan lamang ang masabi n'ya sa'yo. Lalo pa at malapit sa kanya ang tinuturong Dark Lord."
Nangunot ang noo ko? Lalo yata akong naguluhan sa sinasabi ni Zamara.
"What do you mean? Sino ba ang tinutukoy n'yong Dark Lord?"
"Si Black Empress." 'Yun din ba ang "B" na hindi naituloy ni Tita Jem kanina?
"Sinong Black Em-... Fvck! Si Rough si Black Empress hindi ba?"
"She is Dan. Kaya ako nagmamadaling tumawag sa'yo. Alam n'ya din sigurong nalalapit na tayo sa katotohanan. Baka ikaw ang unang mabiktima n'ya Dan."
Biglang nag init ang ulo ko. Naningkit ang mga mata ko sa narinig.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Zamara?"
"Yes. Definitely. May order na mula sa itaas. Shoot to Kill."
"Fvck! Bakit shoot to kill agad? Babae lang ang kalaban natin Zam. Hindi manlang ba natin s'ya bibigyan ng karapatang ipagtanggol ang sarili n'ya?"
"Mahihirapan kasi tayo kung kakausapin lang s'ya at pipiliting sumuko. S'ya ang Dark Lord Dan. Malakas ng kapangyarihan n'ya sa underground. Tayo ang mamamatay sakaling napag alaman n'yang hinahunting natin s'ya. Kaya ngayon palang Dan we have to kill her. We will be there in minutes. Hintayin mo kami."
Sabi nito bago pinutol ang tawag.
Napasabunot ako sa ulo.
Shoot to kill? Papatayin namin si Rough ng hindi nagpapaliwanag. S'ya nga ba talaga ang lider ng Mafiang may pasimuno ng drug deals sa aming lugar?
"Oh God! What do I need to do? Ako ba ang papatay sa sarili kong asawa? Fvck! Bakit pa kasi ikaw ang Dark Lord Rough? Bakit?"

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon