Chapter 31

206 7 2
                                        


[Zamara]
I throw a card at Yumi's hand kung kaya't nabitawan nito ang punyal na isasaksak n'ya sana sa puso ni Rafaella.
"Fvcking sh*t!"
Napamura na napahawak si Yumi sa nagdudugo nitong kamay matapos matamaan ng barahang ibinato ko. Agad namang nabaling ang attention ng mga knights ni Yumi sa dako ko. Nagsibunot sila ng mga baril at itinutok sa akin.
"Am I interrupting something?"
Nilingon ako ni Yumi. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Wari'y gusto akong lamunin ng buhay.
"Ikaw na naman? Sino ka ba talagang hayop ka? Bakit mo ba pinapakialaman ang mga plano ko?"
Akmang lalapit ang dalawang Knights na sinenyasan ni Yumi.
Binato ko ng dagger ang dalawa at sabay natumba ang mga ito sa sahig.
"Bitch!"
Lalong nanggalaiti sa galit si Yumi. Ako naman ay prenteng nakahalukipkip sa harapan nila habang binibilang sila isa isa.
"10 more. Paano ba yan Yumi pang 11 ka? Magdasal ka na."
"Hindi mangyayari yang sinasabi mo!"
May pinindot itong button sa pader na maghuhudyat na naman ng alarma sa labas. 1 minuto nalang at may ilang lalaking nakaitim na naman ang papasok sa kwartong ito.
"Wow. Gusto mo talagang maubos kayo no Yumi?"
Kinuha ko ang ispada ko at itinutok kay Rough. Bumaha sa mukha nito ang takot at pagtataka.
"Hahaha. Akala ko ba magkakampi kayo? Natatakot ka na ba? Am I seeing a change of heart here?"
I smirked at mabilis ang mga galaw na pinutol ang tali sa kamay at paa ni Rough.
"In your dreams Yumi!" sigaw ko bago itinarak ang ispada ko sa puso ng dalawang may hawak kay Rough.
"Rough takbo! Dan is on the Rooftop. Iligtas mo s'ya!" sigaw ko kay Rough bago hinarap ang mga kalaban.
Agad namang tumakbo si Rafaella palabas ng kwarto.
Sabay sabay na sumugod ang natitirang walo kung kaya't nasundan ni Yumi sa labas si Rough ng hindi ko napipigilan.
I put out my gun and fired. Mabilis kong pinatumba ang 8 Knights. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras.Kailangang masundan ko kaagad sina Rafaella at Yumi sa labas.
I saw Jem on the corner pero ngumisi lang ako at iniwan s'ya doon. She's of no use to me.
Saktong paglabas ko at nakita kong nagpapambuno sina Yumi at Rough. Nagsusuntukan at nagkakamrasan habang pagulong gulong sa sahig.
I punched Yumi on the face dahilan upang matigil sila sa paglalaban.
"Rough takbo! You have to save Dan before its too late!" I shouted as I pull Yumi.
Agad namang sumunod si Rafaella. Tumakbo ito patungo sa direksyon ng rooftop.
"Paano ba yan Yumi? Tayong dalawa nalang ang maglalaro."
"Fvcking whore!"
Agad itong napangisi ng makita ang mga paparating. Naririnig ko din ang yabag ng mga ito. Pero hindi ko na pinag aksayahan pang lingunin ang mga ito bagkus ibinigay ko ang buong atensyon kay Yumi. Nang uuyam ang mga tinging ipinupukol n'ya sa akin.
"Paano ba yan? Andito na ang mga Guardians. Ang dating mga alipin ni Rafaella at ng dating Big Mommy na ngayon ay hawak ko na. They are much stronger than the Knights. Sila din ay mga walang pusong mamamatay tao. Makanti mo lang ang isa sa kanila? Sigurado akong gutay gutay at walang buhay kang lalabas dito."
"What?? Nakakatakot naman pala sila Yumi."
Nanunuya kong balik sa kanya. I put out all my daggers and my guns. Pati na din ang mga baraha ko at ang espadang ginamit ko sa pagpatay sa mga Knights n'ya. Itinapon kong lahat sa harapan n'ya ang mga sandata ko.
"Hahaha! Wala ka naman palang kwentang kalaban. Narinig mo lang ang kwento tungkol sa mga Guardians nagkaganyan ka na. Sabagay mas maigi na ang mamatay ng buo pa ang katawan kaysa gutay gutay hindi ba? Hahaha."
Ang hangin talaga ng babaeng ito. Puro satsat.
"Mabuti at dumating na kayo Guardians. Hulihin ang babaeng yan!" Sigaw ni Yumi sa mga nagsidatingan n'yang tauhan.
Agad ko namang narinig ang pagkasa ng mga baril nila.
Nakatalikod ako sa dako ng mga Guardians habang si Yumi ay nasa harapan ko at ng mga ito.
Laking pagtataka ni Yumi na imbes sa akin itutok ang mga baril ay nilampasan lang ako ng mga ito at dumiritso sa dako n'ya. Lahat ng baril ay nakatutok sa kanya ngayon.
"An- ano ang ginagawa nyo? Nasa harapan ko ang kalaban. Bakit sa akin nakatutok ang mga baril n'yo? Nahihibang na ba kayo ha?"
Tumawa ako ng pagkalakas lakas.
"Surprised Yumi? What a priceless reaction you are showing me."
"Damn you! Sino ka ba talaga?"
"Can I shake your hand Yumi?" I extended my hand to her.
"Pwe! Never!"
"Hahaha. All right. Magpapakilala lang naman sana ako ng pormal sa'yo."
Tinanggal ko ang maskara ko. Halos lumuwa ang mga mata n'ya sa gulat.
"Its nice to see you again Yumi. It had been a year since we last saw each other."
"Bi-big Mommy?"
"Yes Darling. No other than. I am Big Mommy. The true one. The one you tried to kill a year ago!"
"Ho-how come? I already killed you."
"Yumi, Yumi, Yumi. Nakakalimutan mo yatang ako si Big Mommy. Hindi ako naging si Big Mommy for nothing. Now i'm taking my crown back. Tama na ang paglalaro mo Yumi. And as I told you days ago, when you get to see this face? It'll be your last day on earth."

"Bi-Big Mommy, i'm really sorry for what i've done to you a year ago. Dala lamang po ng pangangailangan ko. Kinailangan ko lang po ang kapangyarihan n'yo para sa paghihiganti ko. Please po patawarin nyo na ako. Nagsisisi na po ako." lumuhod pa ito sa harapan ko.
Napapailing na napapangisi ako. Isang taon din akong nagmanman at nanonood sa bawat galaw ni Yumi pati na rin ni Rafaella. Ang interesting ng naging takbo ng kwento nila. Its as if i'm watching an action movie, a suspense with drama too. Kulang na nga lang ngumuya ako ng popcorn everytime na nagkaclash ang mga character nila.
"Whatever your reasons are Yumi, you still tried to kill me. Kamuntikan mo na nga akong mapatay kung hindi nga lang naging matalas ang pandama ko. Kinailangan ko pang isakripisyo ang isa sa mga tapat kong tauhan para mapaniwala ka na napatay mo na ako, pero sobrang nabilib ako sa'yo Yumi. Ako pa talaga ang pinuntirya mo. Posisyon ko pa talaga ang inagaw mo. Hinayaan kita dahil I wanted to give you the benefit of the doubt. Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa yun."
"Bi-big Mommy. Sorry na po. Maawa po kayo sa akin. Ibabalik ko na po ang trono n'yo huwag n'yo lang po akong patayin."
"Tsk! Tsk! Tsk! Yumi, Yumi, Yumi. Its not as simple as that. Kailangan mong mamatay. Kasi grabeng perwisyo na ang ginagawa mo. You became a ruthless animal. Pati mga walang kasalanan dinadamay mo sa galit mo."
Tumayo ito mula sa pagkakaluhod. Kinuha ang ispada n'ya at itinutok sa akin.
"Tss! Lalaban ka?"
Nagsitutok naman ang mga baril ng mga Guardians sa dako ni Yumi.
"Ako na ang bahala dito. Iligtas n'yo na sina Rafaella sa kamay ng mga tauhan ni Yumi."
Agad namang nagsialisan ang mga Guardians patungo sa kinaroroonan ng rooftop.
"What now Yumi?"
She handed me the sword.
"Suko na ako Big Mommy. Pero sana payagan mo ako na maging alipin mo. Maging tagasilbi mo. Besides, marami akong alam na sekreto patungkol sa'yo. Siguro naman ayos lang na makasama ako sa grupo mo. We can make a great team."
"Stop talking nonsense Yumi. 'Wag mo na akong gagahin pa. Hinding hindi mo na mabibilog ang ulo ko. As i've told you, kapag nakita mo na ang mukhang ito, huling araw mo na din ito sa lupa. Hindi ko babawiin ang nabitawan ko ng salita para lang sa'yo Yumi."
"Stop threathening me Big Mommy. Isang taon kong hinawakan ang korona mo kung kaya't hindi mo ako maloloko. Alam ko ang mga baho mo. Masama ka ding kagaya ko Big Mommy. 'Wag kang magbait baitan pa!"
Naningkit ang mga mata ko. Hindi yata't may sa traidor talaga ang Yumi na 'to.
"Stop this Big Mommy. Hayaan mong maging kanang kamay mo ako. Alam kong ikaw ang Dark Lord. Ikaw ang lider ng sindikatong nagpapatakbo ng drug dealing sa underground."
Napangisi ako.
"Bilib din naman ako sa'yo. Maski ang mga Guardians hindi alam 'yan. Sila na matagal na ring hinahanap ang Dark Lord na sinasabi mo. Eh di mas lalo ka palang dapat mamatay Yumi. Dahil hawak mo ang pinakamalaking sekreto ng pagkatao ko."
"'Wa-wag. Please."
"I have given you enough time to prove your worth Yumi. Hinayaan kitang makipagdeal sa mga taong kaanib ko. Lalo na sa drug deals na pinapamahalaan ko. But then you disappointed me Yumi. Hinayaan kita to take my part on this game. Kasi kapag nagkataon ikaw na ang pamamahalain ko sa mga illegal operations na ginagawa ko underground. Pero you are worthless Yumi. Sinayang mo ang pagkakataon mong maprove sa akin na mapagkakatiwalaan kita. Pinabayaan mo ang businesses ko para lamang sa walang kwentang paghihiganti na pinaggagawa mo. Alam mo na marahil na ginawa ko lang itong dahilan para mawala ka sa landas ko."
Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig kay Yumi.
"Bago mo pa ako maipagkanulo, kailangan mo ng mawala sa mundong ito. And I have this very legal reason to do so. Magiging hero pa ako sa mata nina Dan at Rough. Hahahaha."
Nakarinig ako ng putukan. Maaaring sa rooftop ito nanggagaling.
Kinuha ko ang espadang hawak ni Yumi.
"See you in hell Yumi. And keep my secrets well."
Akmang itatarak ko sa kanya ang espada ng binaril n'ya ako sa may tagiliran. Napaigik ako sa sakit. Namasa ang tagiliran ko dahil sa pagpulandit ng dugo mula dito. Agad n'ya akong dinaluhong ng sipa sa mismong parte na may tama ng bala.
"Ahhh!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Pero hindi ko hahayaang magapi ako ng Yumi na ito. Nakapkap ko ang balisong na palagi kong dala dala mula pa noon. Ng akmang susuntukin n'ya ako ay s'ya ko ding pagsaksak sa kanya ng balisong na hawak ko. Tinamaan s'ya sa parteng tiyan. Inulit ko pa ng makailang beses ang pananaksak sa kanya. Kahit anong salag ang ginagawa n'ya ay natatamaan ko pa din s'ya. Pumulandit ang masaganang dugo mula sa iba't ibang parte ng katawan n'ya. Ang huling saksak ay ginawa ko malapit sa puso n'ya. Sigurado akong ang saksak na iyon ang mismong papatay sa kanya.
Agad akong sumunod kina Rafaella at Dan sa rooftop.
Its time to make my comeback.
"Oras na rin para maging hero ako ng mga buhay nila. Hahahaha."
Iniwan ko si Yumi na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. Alam kong mamamatay na din naman s'ya within minutes.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon