Chapter 40

222 10 0
                                    

[Tadeo]

Days had passed pero it seemed like forever for me.
Nakakulong pa din ang isa sa mga babies ko.
Nilibot ko ang paningin sa detention cell na ito. Purong bakal at malamig na semento ang nakapalibot sa seldang kinaroroonan ng anak ko. Tanging kutson lamang at kumot ang nagsisilbing pananggalang nito sa lamig ng gabi.
Dati hindi ko pinag aaksayahan ng panahon ang nararamdaman ng mga presong nakakulong sa likod ng mga rehas na ito.
Sabi ko they deserve to be here. They deserve to get punished for what they've done. Nagkamali ako. Not everyone inside is guilty. May mga nakukulong na sadyang pinaglaruan lamang ng tadhana at kamalasan. May nakakulong na mga inosente para lamang pagtakpan at mapawalang sala ang totoong may kasalanan.
Tama nga ang iba. Tamang magtanong sila kung nasaan ang hustisya. Justice system has failed to unveil the real truth because money and power prevails. Ang mga may kapangyarihan at mayayaman ang laging kinakampihan ng batas. It's the sad truth.
Napabuntong hininga ako.
Naaawa ako kay Rough. Wala s'yang ibang ginawa sa loob ng selda but to sleep and read books and write something on her notepad.
"Rough?" tumingala naman s'ya at tumayo para lapitan ako.
"Nahihirapan ka na ba dito anak? It has been days pero hindi ko pa din alam kung sino ang tunay na may sala. Kaya mo pa ba dito anak?"
Ngumiti lang s'ya, tumango at tumalikod sa akin. Umupo sa kama n'ya at nagsulat.
"Rough? Have you eaten?"
Nakita ko namang tumango s'ya.
Hay! She had always been silent. Ni hindi ko makausap ng matino.
Narinig ko lang s'yang nagsasalita when she confronted Agent Zamara and Agent Daniel. Pero after that, she never speak a word.
"Okay ka lang ba talaga dito anak?"
Nilingon ako nito at ibinaba ang panulat n'ya.
"Yes Dad."
Nanlaki ang mga mata ko. Ako lang ba or totoo talaga ito?
"Rain?"
"Hay! Sa wakas. You figured out already. I almost laugh at you dad. Hindi mo pa din alam ang kaibahan naming tatlo."
"Damn! Badass kiddos! Mana talaga kayo sa nanay n'yo! Pati ako dinamay n'yo pa sa kalokohan n'yong ito."
Tumawa s'ya ng malakas.
"Pays to have my triplets Dad."
"But 'yung confrontation with Daniel and Zamara? How did you do that?"
"Tss! Daddy! Nakalimutan mo na naman. I'm an actress. A good one at that. Para ano't nanalo ako ng Best Actress award ng kung ilang beses 'di ba?"
"Fv-"
"Watch your mouth dad. Once marinig ka ni Mommy na nagmura patay ka na naman."
Biglang nag init ang ulo ko.
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko.
"Bakit hindi n'yo sinabi sa akin ang plano n'yo?"
"Tss! You were always slow Dad. You might ruin our plans."
"Pero hindi pa din tama. You made a fool out of me. Wala na talaga kayong katiwa-tiwala sa akin."
"Hahaha. Daddy stop your drama. This is for Rough and besides you had been an effective actor with that surrender scene Dad. Hahaha."
"Fvcking sh*t!"
"I told you not to curse. You want me to call mommy?"
"Hay. Oo na. Hindi na. Sorry na."
"Good. Now go to this address. They need you. They texted earlier today."
She handed me a piece of paper with an address in it.
"Kaninong bahay ito?"
"That's where you're suppose to stay Dad. Manonood ka ng pelikula mamayang gabi."
"What?"
"Makikilala mo na ang totoong Dark Lord later this evening Dad. They've traced him. Malapit sa address na iyan ang pagkikitaan ng mga bida sa palabas na ito."
Now I understand. Entrapment operation pala ang gagawin namin mamaya.
"Bring Jacob with you. He's good with cameras. Verbal confession is of no use without a camera."
"Hay! Ang dami n'yong alam na mga bata kayo."
"Hahaha. Go Dad. Time's running."
Napailing na lamang ako. May pinaplano pala sila ng hindi ko nalalaman. Sabi ko na nga ba. Hindi ako papag alalahanin ng mga anak ko ng ganito.
"Nice bunch of minions." nangingiting napailing iling na lamang ako.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon