Chapter 32

187 7 1
                                    


[Rough]

Iniwan ko sina Yumi at ang nakamaskarang babae na nagpapambuno sa sahig ng hallway.
Nilingon ko muna sila bago ako tuluyang umakyat sa rooftop.
Pagpapasalamat ang naiusal ko para sa nakamaskarang tumutulong sa amin. Lalo na sa akin na kamuntikan ng masaksak ni Yumi kung hindi sya kaagad dumating.
Si Yumi. Ang bestfriend ko for so many years. Iniyakan ko at ginawang sumbungan ng mga problema ko. S'ya na naging comfort zone ko ng mahabang panahon, siya din pala ang tatraidor sa akin. S'ya lang din pala ang nagdadala ng lahat ng kamalasan at kapahamakan sa akin. It hurts being betrayed pero hindi ko pa din maiwasang maawa sa kanya.
Bumuntong hininga ako.
I disregarded the thought at tumakbo na sa kinaroroonan ni Dan.
I have no time for drama. Dan needs me now. Kailangang mailigtas ko s'ya. He shouldn't have been here. Dapat ay nasa bahay lang s'ya o sa trabaho n'ya. Naisuong ko pa s'ya sa kapahamakan. Hindi ko dapat isinakripisyo ang kaligtasan n'ya para lang sa labanang ito.
"Damn you Yumi!"
Mabilis akong umakyat sa rooftop. Aral ang bawat kong galaw at alam kong may naghihintay sa pagdating ko.
Saktong pagbukas ko ng pintuan ng may sumabog sa harapan ko.
Para akong papel na nilamukos at ibinalibag sa pader sa likuran ko.
Halos malamog ang buo kong katawan. Pinilit kong tumayo pero sadyang ramdam ko ang sobrang pananakit ng buo kong katawan.
Pagapang kong kinuha ang baril ko na tumilapon sa may di kalayuan.
"Dan."
Kailangan kong bumangon. Dan needs me.
Paika ika akong naglakad patungo sa may pintuan ng rooftop. Sumandal ako sa pader at habol hiningang ikinasa ko ang hawak kong baril.
Sumilip ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Dan. Nakatali ang mga kamay sa lubid habang nakabitin sa isang mahabang tubo. Kapag pinutol ng kutsilyo o ano mang matalim na bagay ang lubid na kinakapitan nito ay siguradong diritso ang bagsak n'ya sa semento ng parking lot. 4 na palapag na building na ito kung kaya't siguradong mamamatay s'ya sakaling maputol ang lubid na nakatali sa kanya.
Itinutok ko ang baril sa mga kalaban habang nananatiling nakakubli sa likod ng pader. 9 sila sa bilang at lahat ay armado ng matataas na kalibre ng baril.
Ipinilig ko ang ulo ko. Nagdadalawa na ang paningin ko. Epekto marahil ng pagkabagok ng ulo ko sa semento ng tumilapon ako. Umaagos na rin sa mukha ko ang dugo mula sa sugat ko sa ulo.
"Please not now. Please." halos anino nalang ang nakikita ko dahil sa pagdilim ng paningin ko.
"Kaya ko pa 'to. I need to do this for Daniel."
Huminga ako ng malalim at lumabas sa pinagtataguan ko sabay paputok sa kinaroroonan nila.
Patakbo ko silang sinugod at nagdedepende na lamang ako sa kagustuhan kong mailigtas si Daniel. Alam ko sa sarili ko na kapag hindi ko sila napatumba lahat ay siguradong ako ang mapapatay nila.
Inisa isa kong paputukan ang mga gumagalaw na anino na s'ya ko lamang nakikita sa nagdidilim kong paningin.
"Ahhhh." napaigik ako sa sakit ng may nagpaputok sa akin mula sa kung saan.
Natumba ako sa lupa ng mahagip ng bala nila ang tuhod ko.
Nabitawan ko ang hawak kong baril. Kinapa ko pero hindi ko mahanap.
"I'm sorry Dan. I'm sorry."
Alam kong katapusan na namin pareho. Hindi ko na kaya pang tumayo. Nagdidilim na taga ang paningin ko.
Pero nakarinig ako ng putukan. Sigurado akong may dumating na rescue para sa akin, sa amin ni Dan.
"Salamat po Diyos ko." nausal ko bago ako mawalan ng malay.
>>>
Napaubo ako ng may maamoy akong kung ano na s'yang nagpagising sa akin.
Naimulat ko ang mga mata ko at ang nakangiting mukha ng gwapo kong asawa ang nabungaran ko.
"Thank God you're safe Dan."
"I should be the one to thank God at ayos ka lang. Sobra akong nag alala sa'yo kanina. You're bloody yet you still have the courage to fight and rescue me. Salamat Rough."
Pinilit kong umupo at inalalayan naman ako nito. Sobrang sakit ng katawan ko pero hindi matatawaran ang saya na nararamdaman ko dahil ligtas na kami ni Dan.
"I told you. Hindi ka na dapat pang sumama sa akin dito. Muntik ka pa tuloy mapahamak ng dahil sa akin." I started to cry and he hugged me.
"Shhh. Ginusto ko naman tumulong sa'yo eh. Iyon lang I didn't see them coming. Nagfocus kasi ako masyado sa'yo kaya hindi ko namalayang may ibang tao na pala sa paligid ko. Pero everything is fine now Rough. Ligtas na tayo. Niligtas nila tayo."
Nabalingan ko ang mga nakamaskarang nagligtas sa amin. Sila marahil ang nagpaputok bago ako nawalan ng malay kanina.
"Thank God you're both safe."
Nilingon namin ang nagsasalita. Ang nakamaskarang babae na makailang ulit ng tumulong at nagligtas sa akin.
"Thank you for saving us po."
"There's no need. I have to do this. I need to." sabi nito at tinanggal ang maskara nya.
"Zam." narinig kong sabi ni Dan at nakalimutan n'ya yata na bali bali ang katawan ko.
Bigla n'ya akong binitawan at niyakap ang tinawag n'yang Zam.
"Where have you been? I missed you. Ang tagal mong hindi nagparamdam sa amin. We thought patay ka na."
Nangunot ang noo ko. Magkakilala nga talaga sila. Nakamasid lamang ako habang nakahiga ulit sa sahig ng rooftop.
"Rou-. Naku. I'm sorry Honey. Sorry talaga." nalingunan n'ya ako. Ang gago ngayon lang yata napansin ang pagkakamaling ginawa n'ya. Sino ba kasi ang Zam na ito?
"I'm fine."
Pinilit kong maupo muli ng hindi pinapansin ang inilahad n'yang kamay.
Pinangko naman ako nung isang nakamaskara.
"We need to bring her to the hospital. Ang dami n'yang sugat." sabi nung may hawak sa akin bago tinanggal ang maskara n'ya.
"Ron."
"Did you miss me Black Empress?"
"Surely. Akala ko napaano na kayo. I've been looking for you and trying to contact you these past days. Wala kayo kung kailan ko kayo kailangan."
He laughed.
"Sorry po. We had been called by the big boss. Yung totoong Big Mommy."
Itinuro nito si Zamara. So s'ya pala talaga ang totoong Big Mommy? Ang Big Mommy na kakampi ko.
"Tama na muna ang daldalan. We have to go to the hospital." sabi ni Zamara.
Nagsitanggal naman ng maskara ang iba.
"Oh God. Buhay kayo." lalong akong naguluhan sa inaasal ni Dan. Kilala n'ya ang mga gangsters na nagligtas sa amin.
Hindi ko na nagawang magtanong when we start walking down the stairs hanggang sa nakarating kami sa second floor.
Nabungaran namin si Jem na umiiyak at hawak ang duguang si Yumi.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Yumi seems dead.
"Jem?"
Tumingala naman ito ng makita ako. Makikita sa mata n'ya ang sobrang poot.
"Ikaw!" dinuro nito si Zam.
"Ikaw ang pumatay sa anak ko. Pinatay mo si Yumi! Wala kang puso."
Hindi nagsalita si Zamara bagkus ay dumiritso ito palabas ng building.
"Yumi?" hindi ko napigilang umiyak at bumaba sa pagkakapangko ni Ron.
Nilapitan ko ang duguang si Yumi.
"Best. Gumising ka. Alam kong hindi tama ang ginawa mo sa akin pero pinapatawad pa din kita. Gumising ka na please. Wag mo naman kaming iwan oh." niyugyog ko pa s'ya pero wala ng naging sagot mula sa kanya. She's really dead.
Mas lalo akong napaluha. Wala na ang bestfriend ko. Naging masama man s'ya sa akin pero s'ya pa din ang bestfriend na kasa kasama ko mula pa noon.
"Remember our escapades? Yung mga panlalalaki natin? Yung pakikipaglaro natin sa kanila? Yung sabay tayong mambabasted at magpupustahan kung sino ang unang iiyak sa kanila? The times na I am down and napapainom ako and you were there to drive me home. Best I need you pa. Please live. Please. Pwede ka pa namang magbago diba?" I saw a glint of tears on her eyes pero baka guni guni ko lang din. She's not breathing and I know she's already dead.
"Rough tama na. Just go! Kailangan ng magamot yang sugat mo." sabi ni Jem sa akin habang umiiyak.
"Tama s'ya Rough." pinangko na akong muli ni Ron habang si Dan nasa likod lang din n'ya at paika ikang naglalakad.
"Pero paano ka Jem? May mga sugat ka din."
"I can manage. Just go! You're bleeding."
Wala na akong nagawa ng magsimulang maglakad si Ron papalayo kay Yumi.
"Paalam best. I'll miss you."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon