Chapter 23

218 11 2
                                    


[Rough]
Flashes of memories came rushing into my mind as the truth hit me like a bomb.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang nagpupuyos sa galit kong damdamin.
Months of being angry, of being pained because the thoughts of being left alone and broken ate my capacity to hear the truth. Yun pala... Yun pala lahat ng pinaniwalaan ko mali. Niloko lang ako ni Jem.
>>>
I cooked breakfast for Daniel. Para makabawi manlang sa kasalanan ko kahit konti.
I did the best I can kahit hindi ako masyadong marunong magluto.
"Breakfast na tayo Dan. I cooked something for you." pinasok ko sya sa kwarto. Nakita kong nagbibihis sya. Pero hindi manlang ako nito nilingon.
"Sumunod ka sa dining room ha? I'll wait for you. Sabay na tayong magbreakfast." sabi ko nalang kasi parang wala syang balak sumagot sa akin.
Hinintay ko sya sa hapag kainan pero nadismaya ako ng marinig ko ang pagharurot ng kotse nya.
"Damn!" nanlulumo akong napatitig sa niluto ko. I know this isnt perfect pero sana sinubukan nya manlang tikman. Kahit tinitigan nya manlang to kahit papaano.
How can I fix us? Ano ang dapat kong gawin para mapatawad nya ako?
Nanlulumo akong sumubo ng hotdog.
"Hala bakit ganito ang lasa ng hotdog ko? Ang pait?"
"Ipaglaba ko nalang kaya?"
Sya din kasi ang gumagawa nun para sa amin.
Ngayon ko lang narealize na simula ng maging mag asawa kami at nagkasama sa bahay na ito ay sya na ang gumagawa ng lahat. Kahit maglaba ng damit ko, magluto ng pagkain ko, maglinis ng bahay.
Maybe its time that I do this. Ako naman ang babae eh.
>>>
"Hooh! Nakakapagod palang maglinis ng bahay. Ang dami kasing ginawang kalat ni Dan kagabi. Lalo na yung mga bulaklak na hindi ko alam kung saan na naman nanggaling." hmmmm. Im not used to it kasi. All my life andyan ang mga butler at maids namin para gawin ito. Mahirap din pala ang ginagawa nila. Lalo na sa makalat na kagaya ko.
"Next stop? Maglalaba ako."
Napangiti ako. I hope Daniel will see me doing this. Siguro matatawa sya. Ang trying hard ko kasi.
Napatitig ako sa washing machine na nasa likod bahay. I know how to operate pero ang problema? Brownout!
"Urgh. I need to do this by hand." Natawa nalang ako. Ano nalang ang sasabihin ng mga alipores ko? Ang gang leader naglalaba? Crazy isnt it?
"Hmmm. Kamusta na kaya sila? Hindi pa nakacontact si Ron simula ng lusubin sila ni Big Mommy at nagtago sila. And si Big mommy? Hindi pa nagpaparamdam simula ng ithreatened nya ako. Papatayin pa din kaya nya si Dad? Oh God! Oo nga. Si Daddy. Makaligtas man kami kay Jem andun pa pala si Big Mommy na threath sa buhay namin. Baka mapahamak si Daddy. I need to fix this war with Jem and si Big Mommy naman ang paghahandaan ko. But for now? Maglalaba na muna ako. Tss. Silly."
Mabuti nalang at ang damit ko lang din kagabi at ang working clothes ni Dan ang lalabhan ko.
"Bakit kasi ngayon pa nagbrownout?"
Nakatitig lang ako sa batya na may tubig tapos tinitigan ko din ang labahin.
"Gross. This is crazy!"
Kinuha ko ang polo ni Dan para sana ibabad ng may mapansin ako.
Tinitigan ko ng mabuti ang marka sa puting polo nito.
Baka kasi dugo dulot ng pagkakabugbog nya daw kahapon.
"Hala. Oo nga. Naaalala ko na sinabi nyang mga nakamaskara at nakaitim ang bumugbog sa kanya kahapon. Tauhan ba sila ni Jem? O tauhan sila ni Big Mommy? Kasi mga gangsters lang din na kagaya ko ang nagsusuot ng maskara para maitago ang totoong identity namin. Related ba si Jem at si Big Mommy? O si Jem din si Big Mommy?"
I disregarded the thought. Magkakaharap din kami ni Jem. At doon ko aalamin kung sya din ba si Big Mommy.
"For now? Hmmm. Magla- Lipstick?" nangunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko.
"Son of a bitch!" naihagis ko ang polo ni Dan.
"Natuto ng mambabae ang asawa ko?" tears started to fall from my eyes. Parang kinukurot ang puso ko.
Ganito ba ang nararamdaman nya sa tuwing nakakarinig sya ng pangalan ng lalaking nalilink sa akin? O kung may natatanggap akong bulaklak mula sa iba? Masakit pala.
"I need Yumi. I have to call Yumi." sya kasi ang sandalan ko. Sya ang hingahan ko ng problema.
"Hello best?" i said between sobs.
"Bakit ka umiiyak? May gangster pala na umiiyak. Hahaha" agad nitong tanong pagkasagot ng tawag ko.
"Si Dan. Nambababae." sumbong ko dito.
Tumawa ba naman.
"Whats so funny?"
"Sorry best. Eh diba nanlalalaki ka din? Kaya you'll understand him. And besides boyfriend mo palang naman sya hindi ba?"
"G*ga. Masakit best. Ngayon ko lang naramdaman to. I need you here."
"Tss. Inlove ka na. Oo na. Pupuntahan kita. Pero mamayang gabi na kasi out of town pa ako."
"Sige. Doon nalang sa bar. May gig ako."
"Sure ka makakakanta ka pa mamaya? Eh mukhang iiyak ka lang eh. Marindi pa ang tenga ko."
"Gaga! Basta be there. I really need someone to talk to. Please."
"Sya sige. I'll be there at 9."
Hay. Im so lucky to have Yumi on my side."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon