[Yumi]I've heared them. Nakikinig ako sa may pintuan ng kwarto nila habang nag uusap sila.
"Fvck you Rough. Why did you have to mention this to him? Pinapainit mo ang ulo ko."
Bigla akong nagpanic. I need to make a plan. I have to have a plan. Kahit ano. I didnt expect this to happen so soon. Alam kong darating ang araw na magkakaharap harap kami nina Jem at Rough pero hindi pa ito ang oras. Hindi pa ito ang itinakda kong panahon.
Naalala ko ang babae kaninang madaling araw. Maybe she's the reason kung bakit lalo yatang tumapang si Rafaella.
"Fvcking bitch! Whoever you are g*ga ka!"
I have to see Jem. I need to talk to her. Kailangang maibuyo ko sya sa panibagong plano. I need her.
Agad akong lumayo sa may pintuan ng maulinigan kong papalabas sila ng kwarto. Agad akong nagkubli sa isang kwartong naroon bago pa nila ako makita.
"Bilisan mo Rough. We have to be there ASAP."
Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng papalayong sasakyan.
"Where could they possibly be going?"
Agad kong tinakbo ang kotse ko at sinundan sila.
"Hello. Meet me at the crossing. I need a car."
Kailangang masundan ko sila ng hindi nila ako pinaghihinalaan. Kilala ni Rough ang sasakyan ko kaya magtataka ito kapag sinundan ko sila gamit ito.
Tamang tama at nakaabang na ang gagamitin kong sasakyan pagdating ko sa kanto.
"Ibalik mo sa bahay ni Daniel yang kotse ko."
"Yes boss." utos ko at agad naman akong pinagbuksan ng pinto sa gagamitin kong sasakyan.
Dali dali kong pinaharurot ang sasakyan para masundan ko sila.
"Fvcking sh*t!" napamura ako ng marecognize ko kung saan patutungo ang sasakyan nila.
Huli na para matawagan ko si Jem dahil nakapark na ang sasakyan nila sa harapan ng gate ng bahay nito.
Bumaba sila sa sasakyan at diretsong pumasok sa bahay.
I had to hide. Pero sapat na para makita ko at masundan ang mga galaw nila.
"Butler. Where's Jem?" tanong ni Rough.
"Nasa study room po, Young Lady. Hindi po sya pwedeng maistorbo sa mga oras na ito."
Tinutukan na naman nito ng baril ang butler.
"Sa-sandali lang po, Young Lady. Tatawagin ko lang po."
("Fvck! Bakit kasi ang tatanga ng mga tao sa mansyon na ito. Umayos ka Jem. Dont tell them anything kundi papatayin kita.")
Sandaling naghintay ang dalawa sa may sala at nakita kong lumabas si Jem mula sa study room.
Napaatras ito ng tutukan sya ng baril ni Rough.
"Stop playing games with me Jem! I dont want to play your fvcking game anymore!"sigaw nito.
"Tss. Diba I told you? Wag na wag kang pupunta dito ng hindi ko inuutusan? And you are with your damn boyfriend. What did I told you? Diba sinabi ko na sayo na kapag may pinagsabihan kang iba tungkol dito, papatayin kita?" Nice acting Jem. Just go on with it.
"Hah! At sa tingin mo ba natatakot pa ako sayo ngayon? Ilang buwan Jem, ilang buwan mong kinontrol at pinaglaruan ang buhay ko. Maybe its time that I play this game on you."
Agad syang hinila ni Rough and held her captive habang tinututukan ito ng baril.
"Sabihin mo sa akin Jem? Sino? Sino ang nag uutos sayo para gawin ito sa akin?"
"Tss. Mapatay mo man ako Rough iisa lang ang masasabi ko. I did this alone. Ako lang. I planned this all."
"Sinungaling. Magsasabi ka ba ng totoo o papuputukin ko yang baho ng ulo mo?"
Lalo nitong idiniin ang pagkakatutok ng baril sa sintido ni Jem.
"Rough. Please stop this. Nanay mo pa din ako."
Nakita kong halos mangiyak ngiyak na sa pagmamakaawa si Jem pero ni hindi nya ito binibitawan.
"Tss. Nanay? You were never a mother to me Jem. Lalo na ng ginulo mo ang buhay ko dahil sa p*tangnang 100 days deal na ito. Alam mo? Gigil na gigil na akong patayin ka Jem. Pero kung ayaw mong mangyari yun sabihin mo na sa akin kung sino ang nag uutos sayong gawin ang lahat ng ito. Sino!"
Bigla akong natakot para sa buhay ng nanay ko. Sa tingin ko hindi nagbibiro si Rough.
I had to make my move bago pa nya mapatay si Jem.
Agad akong nagpaputok at nabigla yata sya kaya binitawan nya si Jem at nagtago siya sa likod ng pader kasama si Dan.
Inayos ko ang maskara ko bago lumabas mula sa pinagtataguan ko.
Hinila ko si Jem palapit sa akin.
"Rough, Rough, Rough." agad naman itong lumabas sa pinagtataguan nila ni Daniel at itinutok ang baril sa akin.
"Big mommy?" hindi makapaniwalang sabi nito ng makita nya ako.
"Missed me? Akala mo siguro nakalimutan na kita no?"
"Hayop ka! Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?"
"Exactly Black Empress. Exactly. You put on quite a show. Ang galing mo. Ang ganda ng mga pangyayari. Nag enjoy ako sa panonood."
"Sh*t! All this time ginamit mo lang pala si Jem?"
Itinutok nito ang baril sa akin. Nagkubli naman ako sa likod ni Jem.
"Sige iputok mo Rough at ng mamatay ang nanay mo."
"Hahaha. Si Big Mommy ka ba talaga? Bakit ang hina yata ng kokote mo? Hindi ko nanay yang hawak mo so anytime kaya kong patayin yan kasama ka. Pareho nyo akong pinaglaruan."
Doon na nanlaki ang mata ko. Kilala ko si Rough. Naging matigas na ang puso nya simula ng maging gangster sya. Kaya nya talagang patayin kahit sino basta ginusto nya. Pero hindi dapat ako padaig sa kanya.
"Ganun ba Rafaella? Then go to hell alone!" ipinutok ko ang baril ko sa kanya kung kaya't agad nito napakubli sa pinagtataguan nilang pader.
"Dont hide from me idiot!"
Pinaputukan ko ang pader na pinagtataguan nila.
Pero nagulat ako, I didnt see it coming. Si Jem. Hinagip ng kamay nya ang maskara ko. Sakto namang papalabas si Rafaella mula sa pinagtataguan nya kaya bigla akong napatalikod.
Fvcking shit! Im not prepared.
Naghagis ako ng tear gas at dali daling umalis sa lugar na yun.
"Fvck! Kamuntikan na nya akong makilala! Sh*t! P*tangna mo Jem! Kahit kailan pahamak ka talaga sa buhay ko."
Tumakbo ako at tinunton ang sasakyan ko. I need to prepare. Alam kong magkakaharap kami ulit ni Rafaella. Gaganti sya at siguradong sigurado ako doon kaya kailangan kong maging handa lalo pa at alam na nyang ako, si Big Mommy, ang totoong kalaban nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/70832951-288-k851591.jpg)
BINABASA MO ANG
SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)
Action[Complete] Teaser: She set her eyes on him and her world began spinning. She doesnt know him. But she was sure about one thing. He's different. And she want him. __________________________ He set his eyes on her and his eyes promised anger and reven...