Chapter 22

210 12 1
                                    


[Big Mommy]
"Good Job Jem. Nice Acting. Maasahan talaga kita as always."
"Tama na Big Mommy. Tama na. Nasasaktan na ang anak ko. Bibigyan mo pa sya ng malaking kasalanan kapag nagkataon."
Naikuyom ko ang kamao ko. Mahal nya talaga ang ampon nyang yun.
"G*ga! Malamang masasaktan sya! Kasi yun ang gusto ko. Yun ang inaasam kong makita. Para saan pa at ginagawa ko ito diba?"
"Pero papatay sya Big Mommy. Papatay sya ng walang kasalanan."
"May kasalanan sya Jem! Malaki ang kasalanan sa akin ng Rafaella na yan kung kaya't magdusa sya sa ganti ko."
"Pero ginawa nya naman ang lahat ng inutos nyo sa kanya diba? Bakit kailangan pang pumatay sya?"
"Dahil sayo Jem!" she looked at me with confused eyes.
"Ha? Bakit ako? Eh sinunod ko lang naman ang sinasabi at inuutos nyo Big Mommy."
"Hah! Oo sinunod mo nga Jem. Pero akala mo ba hindi ko malalaman na may pinadala kang sulat kay Daniel. Ano ang nilalaman nun Jem?"
Tinutukan ko sya ng katana sa leeg.
"Wala Big Mommy. Its just a note. Telling him to take care of Rough. Maniwala po kayo. Yun lang talaga yun."
"Trinatraidor mo ako Jem."
"No. Hindi po. Promise po Big Mommy. Its just a note at hinding hindi ko po kayo ipapahamak. Alam ko naman po ang mangyayari sa akin diba?"
Tinitigan ko sya ng mabuti. Its as if she's not lying naman. Hindi nya naman yata ako isinumbong kina Daniel at Rough.
"Hmmmm. Alright then. Palalampasin kita sa ginawa mong yun Jem. And besides wala rin namang nagawa kung ano man ang nakasulat sa note na yun. Papatayin pa din ni Rough ang isa kina Tadeo at Daniel."
"Big mommy tama na po. Maawa na po kayo please?"
"This will be over soon, Jem. Matapos mapatay ni Rough ang isa sa dalawang lalaking mahalaga sa kanya bibitawan na kita. After all ikaw naman ang sisisihin ni Rough. Hahahahaha"
Nanlaki ang mga mata nya. Tapos tumulo ang luha nya.
Marapat lang din sayo yan Jem. You were the reason why I had been like this.
"See you again soon Jem."
>>>
I called one of my trusted men.
"Kamusta ang pinapakuha ko sa inyo na files? Ibinigay na ba ng matanda?"
"Eh. Hindi po Big Mommy. Sa tingin po namin naibigay nya na po kay Daniel Martinez."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Son of a b*tch! Paanong nangyari yun? Diba pinapabantayan ko sa inyo ang bahay ng matanda? Paano kayo nalusutan ni Daniel Martinez? Diba inutusan ko kayong ithreaten ang matanda para ibigay sa inyo ang files?"
"Sorry po Big Mommy. Nagmamatigas po ang matanda. At lagi pong nakasarado ang bahay. Ni hindi po kami makalapit kasi sa tuwing sinusubukan namin may dumadating kaagad na mga pulis para magpatrolya. Kagaya din po ng nangyari kanina. Binugbog na po namin si Daniel Martinez pero dahil po sa pagdating ng mga pulis nakaalis po sya sa lugar na yun."
"P*tang*na nyo! Mga wala kayong kwenta! Hala sige. Bantayan nyo ang pamilya ni Rafaella. Wag na wag nyong hahayaang makalapit sya kina Tadeo. And monitor the phone calls. Ako na ang bahala kay Daniel Martinez. Give me his exact location as of the moment."
Mahalaga ang files na yun sa akin. Once na naipakita ni Daniel yun kay Rough masisira ang plano ko. Alam kong nakapagdecide na si Rough sa mga oras na ito. At alam kong si Daniel ang pipiliin nitong patayin dahil sa pagsisi nito kay Daniel sa pagkamatay ni Christopher. Pero once maipakita nya ang files ay baka magdadalawang isip sya. Baka sya pa ang tumulong kay Rafaella sa pagtugis kay Jem kapag nabunyag ang plano ko. General pa naman ang tatay nun. At si Tadeo? Hindi na babalakin pang patayin ni Rough matapos nyang malaman ang totoo. Alam kong experienced fighter na dahil sa pagiging agent nito kaya mahihirapan din kaming kalabanin sya lalo at marami din itong connections.
"Fvcking sh*t! Masama ito. I have to make my move now. Ayokong masira ang mga plano ko."
>>>
Umuwi ako ng bahay at nagbihis para puntahan si Daniel sa bar na sinasabi ng tauhan ko.
"Hello Daniel. Its nice to see you again. How are you?"
Bati ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako at ipinagpatuloy ang pag inom.
"Dont you miss me?"
"Why should I?"
"We are friends right?" nginitian ko sya ng pagkatamis tamis.
"Tss. Yes. But please leave. I need sometime alone."
Matigas ka ha? I grabbed his polo and kissed his lips at ng hindi sya nagrespond I nip at his neck and put a kissmark on his polo. Alam kong makikita din yan ni Rough at mag aaway din sila. Hahaha.
"Let me go! Ano ba? Dont you have something else to do? I told you, I want to be alone. Hindi ka ba nakakaintindi?"
"I just want us to hang up Dan. Masama ba yun?"
I played with his polo. Hinawakan naman nito ang kamay ko at lumayo sa akin.
"Find someone else. Im not interested. I love Rough and there's nothing and no one na makakasira sa aming dalawa. Im sorry Yumi."
Tinalikuran na ako nito.
"Bwisit ka talaga Daniel! Bwisit ka!"
Nawala na din ang chance ko para makuha ang files sa kanya. I should have drowned him in bottles of beer bago ko ginawa ito. Sayang.
"May araw ka din sa akin Daniel! Hinding hindi kayo sasaya ni Rafaella!"

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon