[Yumi]
"Buhay ka Best?" narinig ko mula sa kadiliman. Sigurado akong si Rafaella 'yon.
"Yes. Alive and kicking Rough."
"Oh God! Thank you Lord." naiusal nito.
Napabuntong hininga ako. Despite everything, sa lahat ng pagpapahirap ko sa kanya ni hindi n'ya manlang ako nagawang kamuhian.
"Tss! Nagagawa mo pa talagang ipagpasalamat sa Diyos na buhay ako Rough."
"Oo naman Best. I love you not only as my friend but my sister as well. Can I hug you? Gusto kong maramdaman na totoong buhay ka."
I saw her. Papunta s'ya sa kinaroroonan ko. Sasalubungin malamang ako ng yakap.
Pero laking gulat ko ng bigla s'yang hinablot ng Dark Lord at tinutukan ng baril sa ulo.
"Sige kumilos kayo ng masama at puputok ang baho ng ulo ng babaeng ito." sigaw ni Leander sa amin habang patuloy na umaatras.
"Hayop ka Dark Lord! Hayop ka. Pakawalan mo si Rough." sigaw ni Dan habang nakatutok ang baril dito.
"Ah talaga? Bakit ko naman gagawin 'yon? Papakawalan ko itong babaeng ito sa oras na hinayaan n'yo kaming makatakas." Lalo nitong idiniin sa ulo ni Rough ang baril.
"Magkakamatayan muna tayo bago mangyari 'yan Dark Lord!" sigaw ni Dan.
"Eh 'di mauna kang mamatay." pinaputukan nito si Dan pero agad naman itong nakailag at nagtago sa likod ng isang pader.
"Tama na Leander! Sobra na ang kagaguhang ginagawa mo. Marapat na sumuko ka na."
Lumapit ako sa kinaroroonan n'ya.
"Aba't matapang ka. Sige lapit. Grabe ang lakas ng loob mo Yumi. Ni wala ka pa talagang baril. Magpapakamatay ka ba?"
Patuloy akong lumapit sa kanya.
"Muntik na kaming magkita ni kamatayan noon Leander at kinamusta ka n'ya. Sabi n'ya ikaw ang dapat mamatay at hindi ako."
"Aba't!" itinutok nito ang baril sa dako ko habang sakal sakal si Rough.
"Sige Dad! Go on and kill me! Total dati pa namang wala kang pakialam sa akin di'ba?"
Halos hindi s'ya nakapagsalita. Hindi ko man nakikita ang reaction ng mukha n'ya dahil nakamaskara s'ya, alam kong gulat na gulat s'ya.
"Nagulat ka 'di ba? Hindi ba ikaw ang daddy Tom ko?"
"No. Hindi maaari ito. Wala akong anak."
"Aminin mo na Leander! Pumasok ako sa gangster world para maghiganti kay Mom at kay Rough pero dahil sa pagnanais kong makilala ang Dark Lord, nalaman ko pa ang kinaroroonan ng sarili kong ama. Nakilala ko pa ang sarili kong ama na nang-iwan sa akin."
"Ha ha ha! Ano ba ang sinasabi mo Mayumi Torres? Nagbibiro ka ba? Apelyido palang hindi ka na magiging anak ko."
"Mayumi Torres? Tama 'yan. Iyon nga ang ginagamit kong pangalan. Nagtago ako sa pagkakakilanlang iyan para mapasok ko ang buhay ni Mommy at ni Rough ng hindi napaghihinalaan. My real name is Mayumi Madrigal. Ikaw pa ang nagpangalan n'yan sa akin 'di ba Dad?"
"No! This can't be. Hindi ikaw ang anak ko."
"Stop denying me, Leander! Iniwan mo ako sa mga kamag anak mo. Naghirap ako sa piling ng mga pinsan at Tita ko ng dahil sa kagaguhan mo!"
Natahimik s'ya.
"Ganito Leander. Barilin mo ako kung totoong hindi mo ako anak as you insisted. Go! Barilin mo ako Leander."
Lumapit pa ako hanggang sa magkaharap na kami at hinawakan ko ang dulo ng baril n'ya.
"Now pull the trigger!"
Hinablot ko ang kamay n'ya na nakakapit sa leeg ni Rough. Nagpambuno kami hanggang sa tuluyan n'ya nang nabitawan si Rough.
Nagulat na lamang ako ng makarinig ng putok.
Napahawak ako sa tagiliran ko nang makaramdam ako ng sakit.
Nanlalaki ang mata na natumba ako sa lupa.
"Mayumi anak?"
Agad akong dinaluhan ni Leander at kapwa namin tinitigan ang bumaril sa akin na si Zamara na kasalukuyang hawak hawak si Rough.
"Tara na Dark Lord. We need to get out of here." sabi nito habang patuloy na umaatras habang nakatutok sa sintido ni Rough ang baril n'ya.
"No Zamara. Kailangan na nating sumuko. Kailangan nating pagbayaran ang mga kasalanan natin sa batas."
"Sumuko kang mag isa mo." Binaril nito si Leander.
"Dad? Dad!" niyugyog ko si Leander dahil hindi na ito kumibo at napasandal na lamang sa akin.
Hinawakan ko ang ulo n'ya at napahagulgol na lamang ako ng maramdaman ang pamamasa nito. Alam kong dugo ang basang nahawakan ko.
"Daddy. Gumising ka Dad!" sigaw ko dito pero wala na. Ni hindi na ito sumagot. I know he is dead.
"Walang hiya ka Zamara! Pinatay mo ang tatay ko!"
"Eh gago s'ya eh. Sabi ko ng tumakas kami 'di ba? Hoy! Mga gago! Alam kong marami kayo sa paligid. Pero subukan n'yong lumapit sa akin at pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito." sigaw ni Zam habang binibitbit si Rough palayo.
"Maya maya ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan.
"Sakay!" sigaw ng driver nito kay Zamara na agad na pumasok sa kotse kasama si Rough at pinaharurot nito ang kotse patungo sa kadiliman.
"'Sundan mo s'ya Dan!" sigaw ko habang painot inot na tumayo sapo ang tagililiran ko.
Wala talagang hiya ang Zamara na 'yon. Demonyo!
"Tara habulin natin." sabi ng mga nagsilabasang Agents mula sa kung saan at nagsisakay sa mga kotseng dumating.
Problemang malaki ito. Zamara's on the run again.[Rough]
Pinilit kong makawala sa pagkakasakal ni Zamara pero wala akong magawa, sadyang mas malakas s'ya kaysa sa akin. Natatakot din ako sa sarili kong buhay dahil nakatutok ang baril nito sa sintido ko.
Mas pinili ko nalang manood sa mga kaganapan sa paligid ko.
I am shocked. Buhay si Yumi and I am happy with it. Nanlomo talaga ako ng "mamatay s'ya". Halos sisihin ko din ang sarili ko dahil alam kong dahil din sa akin kung bakit nagawa n'ya ang bagay na iyon. Naghanap lang din s'ya ng atensyon mula sa sariling ina gaya ng paghahanap ko ng atensyon ng isang buong pamilya.
But the sad truth struck. Ang dark Lord ay ang mismong tatay ni Yumi. Ang taong dapat sana ay s'yang humulma sa kanya bilang isang mabuting tao. I was thinking na sana ay mabigyan silang pareho ng pangalawang pagkakataon para magbago pero ang hayop na Zamara na ito, pinagbabaril ang sumusuko na sana na tatay ni Yumi.
***
"Wala kang kasing sama Zam!" Sinusubukan kong kumawala mula sa pagkakasakal n'ya sa akin habang tumatakas s'ya mula kina Dan. Ginawa n'ya pa akong hostage.
"Masama ba Rough? Hindi naman ah. Sadyang pinayagan lang ng pagkakataon na magamit ko ang isang tangang katulad mo. Hahaha." Humalakhak ito na parang isang demonyo habang patuloy na hinihigpitan ang pagkakasakal n'ya sa akin.
"Stop it Zam. Mapapatay mo s'ya." sigaw ng driver na kasabwat ni Zamara.
"Bakit Ron? Nakakaramdam ka na ba ng awa sa babaeng ito? Mahal mo na ba s'ya?" sigaw ni Zamara. Doon ko lang napagtanto na si Ron pala ang tumulong sa pagtakas na ito ni Zamara.
"Ron? Hayop kang traidor ka! All this time ikaw pala talaga ang kasabwat ng Zamara na ito? Bakit n'yo ba ito ginagawa?"
"Dahil kailangan mong mamatay Rough. Para mapasaakin na ng tuluyan si Daniel. Akin s'ya Rough at hinding hindi magiging sa'yo!" singhal ni Zamara sa akin habang iniipit ako ng mas mahigpit ng mga braso n'ya.
Halos naluluha na ako at pinangangapusan ng hininga sa higpit ng pagkakasakal n'ya.
"Let! Me! Go!" ibinuhos ko ang natitira kong lakas para masabunutan s'ya at makawala sa pagkakasakal.
I punched her on the face ng mabitawan n'ya ako.
"Aba't lalaban ka pa ha?"
She punch back at natamaan ang mukha ko.
Hinding hindi ako papayag na matalo ng Zamara na ito. I have to live for my family. Gustong gusto ko silang makasama kung kaya't kailangan kong makawala mula sa panghohostage ng mga traidor na ito.
Sinipa ko si Zam ng akma n'ya akong susuntukin. Bumalandra s'ya sa may pintuan kung kaya't sinipa ko pa s'yang muli sa mukha hanggang sa hindi na s'ya makagalaw at tuluyang nawalan ng malay ng sinipa ko s'yang muli.
Sinubukan kong buksan ang pintuan sa dako ko pero nakalock ito.
"Open the door Ron! Open this!" pagsusumamo ko habang sinusubukang buksan ang pintuan.
"No Rough. Hinding hindi ka lalalabas dito hanggang hindi tayo nakakarating sa hideout namin."
"Ganoon ba Ron? I thought kakampi kita? Hindi ba nagpahayag ka dati ng pagmamahal mo sa akin Ron? Bakit hindi mo patunayan na deserving ka sa pagmamahal kong ito?"
"Hahaha. Nagpapatawa ka ba Rough? It was all a bluff. Si Zamara ang mahal ko at ipinag utos lamang n'ya sa akin ang panliligaw ko sa'yo."
Ikinambyo nito ang sasakyan bago tumingin sa akin at itinutok ang baril na hawak n'ya.
"Kung ayaw mong mamatay sumunod ka sa pinag uutos ko. Ilagay mo ang kamay mo sa ulo mo at yumuko. 'Wag na 'wag kang tumingala hanggang hindi ko sinasabi." sabi nito habang nililingon lingon ang daan at patuloy na nagmamaneho habang nakatutok sa akin ang baril na hawak n'ya.
"Mamamatay pa din naman ako kung sumunod man ako o hindi sa kagustuhan n'yo 'di ba? So mas pipiliin ko nalang na mamatay ng lumalaban."
Dinaluhong ko s'ya at agad na hinuli ang kamay n'ya na may hawak ng baril. Nag agawan kami ng baril bago n'ya ito tuluyang nabawi.
"Rough umayos ka!" sigaw nito habang sinusubukang hawakan ang mga kamay ko at ipinagpapatuloy ang pagpapatakbo ng sasakyan namin sa isang pakubrang daanan sa gilid ng bundok.
Hindi ako nakinig sa kanya bagkus ay sinuntok ko s'ya sa panga at ulo.
Sinalag n'ya lamang ito at sinampal ako gamit ang kanang kamay n'ya habang patuloy ang pag akyat ng kotseng sinasakyan namin sa isang matarik na daanan.
"I said open this door now!" nakipag agawan ako ng manibela at nagpagewang giwang kami sa daan.
"Whooaah! Bitiwan mo ang manibela Rough. Mahuhulog tayo sa bangin." nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin habang nag aagawan kami ng manibela. Ngumisi lamang ako sa kanya habang nakikipag agawan.
"Kung ang kamatayan ko ay ang kamatayan n'yo ring dalawa? Mas mabuti nang maibuwis ito ng may katuturan. Sama sama tayong pupunta ng impyerno!" sabi ko kay Ron at ubos lakas na sinuntok ko s'ya sa panga at ibinaling ang manibela sa dako ng bangin.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata tanda ng pagsuko at pagpapaubaya ko ng kahihinatnan ng aking buhay sa Panginoon.
Nagpagulong gulong pababa ng bangin ang aming sinasakyan.
Alam kong kapag sumayad na kami sa lupa ay katapusan na din ng aming buhay.
"Malapit na." Nasabi ko na lamang.
"Paalam Mommy, Daddy, Ate Rain at Ate Snow. Paalam Dan." my last words before the car hit the ground.
BINABASA MO ANG
SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)
Action[Complete] Teaser: She set her eyes on him and her world began spinning. She doesnt know him. But she was sure about one thing. He's different. And she want him. __________________________ He set his eyes on her and his eyes promised anger and reven...