Chapter 7

257 12 0
                                    


[Someone's POV]

Ibinato ko ang binabasa kong local newspaper ng mabasa ko ang balita tungkol kay RSS.
"Walang hiya ka talaga Rough! Kahit kailan bwist ka talaga sa buhay ko."
Ilang linggo ko ng tinatry makuha ang attention ni DJ Dan. Nagpapadala ako ng kung ano ano. Mga sulat, mga regalong tshirt, cap, cake at kung ano ano pa. Pero sa nababasa kong ito tila yata naunahan na naman ako ng walang hiyang Rough na yun.
"Bitch! Fvcking whore! Arggghh!"
Ibinato ko ang kung ano mang mahagip ng kamay ko.
"Kung noon nagawa kitang pasakitan Rough ngayon makakaya ko ulit."
*Flashback*
Nalaman ko na magkikita sina Ella at Chris. Magtatanan daw sila.
"Hindi ako makakapayag."
Si Chris ang apple of the eye ko. Sayang nga lang at ang gagang Ella na yun ang niligawan nya.
"Kung hindi ka mapapasaakin Chris, hinding hindi ka din sasaya sa piling ni Ella."
I planned it all.
"Yes. Me. M.E. Me. Hahahaha"
Naghire ako ng mga adik na tambay sa parke kung saan magkikita sina Ella at Chris nung gabing yun.
[Bakit ko alam ang plano nilang pagtatanan? Abangan sa mga susunod na kabanata. Hahaha]
Nag iisip ako ng paraan kung paano kong magagawang patayin si Chris sa mga oras na yun ng biglang may pumasok na ideya sa utak ko.
"Maghanap kayo ng mapagtitripan tapos saktuhin nyo na si Christoper,yang nasa picture na yan ang pagtanungan nyo. Kulitin nyo at iinisin nyo. Alam kong mainitin ang ulo nun at pabalang kung sumagot. Gawin nyo itong dahilan para masaksak nyo sya. Puruhan nyo. Gusto kong hindi na siya makakaabot sa tagpuan nila ni Ella." utos ko sa mga inupahan kong adik.
Nasunod ang plano ko ayon sa gusto kong mangyari.
"Chris is dead. Chris is really dead. Hahahahaha"
Tawa ko sa kalagitnaan ng gabi matapos tumawag ang inupahan ko para alamin ang kalagayan ni Chris sa ospital.
"Buti nga sayo Ella. Now, you can never be happy. Never ever again. Hahahaha."
*End of Flashback*
Pero hanggang ngayon natatalo pa din ako ng Rafaella na yun.
Akala ko sa pagkawala ni Chris magmumukmok sya at magpapakamatay rin. Pero anong ginawa nya?
Naghanap pa ng mapagbabalingan ng galit nya sa hindi pagsipot ni Chris sa tagpuan nila. Ginagantihan nya at ginagamit ang lahat ng lalaking magustuhan nya. Gumaganti sya sa pag iwan ni Christopher sa kanya.
Lahat ng natipuhan kong lalaki ay napapasakanya in just a snap. Kung kaya't hanggang ngayon hindi mawala wala ang galit ko sa kanya. Lahat ng ginugusto ko at pinaghihirapan ay napapasakanya ng walang kahirap hirap.
Pumasok ako sa mundo ng mga gangsters ng malaman kong umanib sya sa isang mafia at bumuo ng sarili nyang gang.
Ganun din ang ginawa ko. At magpahanggang ngayon palihim ko syang kinakalaban.
Pero kapag kaharap ko sya? Magkaibigan kami.
"Ayos naman yung strategy ko diba? Hahahahaha"

[Daniel]

"As in seriously?" she asked as she eyed me curiously.
"Yes. I want to try it with you Rough."
Napabuntong hininga ako.
"I'll tell you a secret." Dyahe. Nakakahiya. But she need to know.
"What is it Dan?" I stand in front of her and asked for her hand.
Binigay naman nya and seriously stared at me.
"Hmmm. Nakakahiya. But I need to tell you this."
"Ano na nga yun? Antagal naman." she rolled her eyes. Lalo pala syang gumaganda kapag nagmamaldita.
"Eh. Ano kasi." Pinandilatan ako nito ng mata.
"You are my first." Lupa lamunin mo nalang ako please.
"Hahahahaha."
Sabi ko na nga ba eh. Pagtatawanan nya lang ako.
"Sabi ko na, hindi ko dapat inamin eh." tumikhim naman ito bago nagsalita pero nakangisi pa din.
"You mean? Last night? Am I your first kiss too?"
Do I have any choice? Tumango naman ako bilang pag amin.
"Hahaha. Im lucky then. Additional points for RSS. Sa dinami dami ng babae na nagpupunta sa studio nyo..nagpapadala ng kung ano ano sayo...masisindak ka lang pala at mapapasakamay ni Rough San Sebastian? Wew."
Ngingiti ngiti itong napatitig sa akin.
"Im telling you this not to boost that precious "playgirl ego" of yours Rough. Im telling you this dahil ayokong itreat mo ako like the other guys you had been with. Tahimik ang puso ko until you came Rough. Ayokong paglaruan mo lang din ako kagaya ng ginawa mo sa iba."
Seryoso naman itong nakikinig sa akin. I dont know kung ano ang tumatakbo sa isip nya. But i want to tell her this early. Na ayokong mapaglaruan. Ayokong magamit. At ayokong maloko.
"You've been to heartbreaks too even once right, Rough? Kaya ka naging mapaglaro? Kaya ka naging ganito?"
She nod. And stared at the ceiling.
"He left me without even saying goodbye Dan. Iniwan nya ako sa ere kung kailan kailangan na kailangan ko sya."
Umupo ako sa tabi nya at tahimik na nakikinig.
Si Rough San Sebastian umiiyak? May puso pa din naman pala sya.
"Maniniwala ka ba na si RSS nagpakatanga din sa pag ibig Dan? I gave him everything. Nagtiwala at naniwala akong kami na habang buhay. Pero nagkamali pala ako ng pinagkatiwalaang tao Dan. I was once inlove with my classmate. His name is Chris. Christopher Gomez."
Tama nga ako. Sya nga ang matagal ko ng hinahanap na si Ella.
"Chris told me na aalis sya patungong US pero tinanong ko sya. Paano na ako? Maiiwan nya ako. Sabi ng gago magtanan nalang daw kami. Pero naghesitate ako. Kasi inisip ko si Mommy. Maiiwan syang mag isa. Pero everything changed when she told me about my dad. Lumaki akong walang ama Dan. Kaming dalawa lang ni Mom ang naging magkasama sa buhay. Iniwan pala kami ng dad ko and built his own family. Nagpakasal pala sa iba ang tatay ko at walang naging pakialam sa amin. Ayokong mangyari din sa akin ang naranasan ni mom Dan. Na ni hindi nya pinaglaban ang dad ko. Hindi nya ipinaglaban na magka ama ako. Kaya I decided na ipaglaban si Christopher, pero walang Chris na dumating sa tagpuan namin Dan. Inindian nya ako. Hahaha" she started to sob as if she's still hurt.
Nangunot ang noo ko. All this years hindi nya pala alam ang pagkamatay ni Chris?
"Shems. Di ko na dapat iniiyakan ang gagong yun. Ipinangako ko sa sarili ko na never na akong magmamahal muli. I treated men as my toys. Laruan na kapag nagsawa na ako, itatapon ko nalang sa kung saan." naikuyom nito ang kamao.
All this time naniwala pala syang niloko sya ni Chris. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Baka magalit lang sya sa akin.
Im guilty. Ako kasi ang dahilan kung bakit namatay si Chris. Mas mabuti na sigurong itago ko na muna ito and do everything para makabawi sa kanya. I'll make her happy gaya ng ipinangako ko kay Chris.
"I want to try to make you believe in love again Rough. Please let me. Wag mo akong ikompara sa mga lalaking dumaan sa buhay mo. You are my first. And believe me, I dont have any intention on hurting you, on hurting any woman at that. Hindi ko alam kung paano manakit ng babae. You've met a heartbreak once in your life Rough, kaya please dont make me feel that hurt you felt back then. Baka madala na agad ako at hindi na magmahal pang muli." i chuckled and she smiled.
Ginagap ko ang mga kamay nya.
"Im serious about making you happy Rough. Please let me try. Please let us try. Let me change that playgirl image of yours. Let me erase your dark past. Let me fix that broken promises. Let me fill that missing lyrics on your broken chorus."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon