Chapter 44

238 6 0
                                    


[Daniel]

Isa... Dalawa.... Tatlo.... Hindi ko na mabilang kung ilang araw at linggo na ang nakalipas matapos ang aksidenteng iyon sa bangin. Kung gaanong katagal na ang nangyari ganoon na din katagal na walang malay si Rough. She's still in coma. Nagka blood clot daw ang utak n'ya dahil sa matinding pagkabagok nito.
Araw araw ko ding sinisisi ang aking sarili dahil alam ko, isa ako sa may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Rough. Isa ako sa dapat sisihin sa pagkakacommatose n'ya.
Nakakaawa ang kalagayan n'ya. Kung ano ano ang nakakabit na mga aparato sa kanya pati na mga tubo sa ilong at bibig n'ya.
"Rough, baby. Gumising ka na please. Please." Paulit ulit kong usal habang hawak hawak ang kamay nito.
Araw araw sa mga nakalipas na araw at linggo akong nakabantay sa kanya. Halos dito na nga rin ako tumira sa ospital para lamang mabantayan s'ya at masigurado ang kaligtasan n'ya.
"I miss you honey. Gumising ka na please. Hihingi pa ako ng tawad sa'yo. Okay lang kahit sipain mo ulit ako at suntukin. Kahit ipagtabuyan mo pa ako tatanggapin ko, gumising ka lang. Please honey, please. Gumising ka na please."
"Stop crying Dan. Hindi makakatulong 'yan." Nilingon ko ang nagsalita. Napakuyom ang kamao at naniningkit ang mga matang binalingan ko s'ya. Nakaposas ang mga kamay at bakas pa sa maamo nitong mukha ang nangyari sa bangin dahil sa papahilom palang na mga sugat at mga gasgas na tinamo n'ya.
"How can I Zam? How can I?!? Nang dahil sa'yo, sa atin, ganito ang nangyari kay Rough! Kung hindi ka na sana bumalik, tahimik pa sana kaming namumuhay sa ngayon! Kung hindi ka na sana nagpakitang muli, hindi sana nagulo ang lahat! And why are you here in the first place? Hindi ba't ipinakulong na kita?"
Tama. Buhay pa si Zamara. Matapos akong salubungin ni Tito Thadz at kunin sa mga kamay ko si Rough, I decided na bumalik sa kotse at iligtas ang humihingi ng tulong na si Zamara. Hindi rin naatim ng konsyensya kong pabayaan ang humihingi ng tulong kahit gaano pa ito kasama.
Saktong nailabas ko si Zamara sa kotse at nakatakbo ng may ilang metro pa lamang ng mag umpisang magliyab ang sasakyan at sumabog kalaunan. Kasamang nasunog sa sasakyan si Ron.
"I'm sorry Dan. I just wanted to see you. Gusto kong humingi ng tawad sa'yo at kay Rough. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Pero sana maintindihan mo din na ginawa ko lamang ito dahil mahal kita Dan. Mahal na mahal kita at gusto kong mapasaakin kang muli."
"Bullsh*t Zam! Dahil sa pesteng pagmamahal mo na 'yan nagulo ang buhay ko, namin. Maraming buhay ang naibuwis ng dahil sa selfishness mo!" Nagpupuyos sa galit ang damdamin ko. Gusto ko s'yang saktan pero hindi ko magawa. Kinamumuhian ko s'ya pero hindi ko s'ya kayang gantihan.
Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Wala ng magagawa pa ang galit ko. Nangyari na ang nangyari at nasaktan na ang mga walang muwang.
"Just leave Zam."
"But Da-"
"Ummmm." Hindi na naituloy pa ni Zamara ang sasabihin n'ya ng makarinig kami ng ungol na nagmumula sa kinaroroonan ni Rough.
"Rough!" Agad ko s'yang dinaluhan para kompermahin kung talaga bang gising na s'ya. Sobrang galak ko ng masigurado kong gising na nga si Rough.
"Rough! Thank God you're alive." Nakangiti kong bungad sa kanya.
Nanatili lamang s'yang nakadilat at walang kakilos kilos sa loob ng ilang minuto bago bumaling sa akin at tumingin sa likod ko.
I'm sure Zamara is still there dahil rumehistro sa mata ni Rough ang galit. Gumuhit sa mukha n'ya ang pait kasama ang panlilisik ng mga mata nito. Tinanggal nito ang tubo na nasa ilong nito at bibig bago nagsalita.
"Bakit kayo nandito?" Rough's first word after weeks of being asleep.
"Rough. Kamusta ka? May masakit ba sa'yo? Sandali lang at tatawag ako ng mga nurse at doktor."
"No need," she said. Napatigil ako sa akmang paglabas ko sa kwarto n'ya. "Just leave me alone! Kayong dalawa, umalis kayo sa harapan ko! I don't want to see your face again. 'Wag na wag na kayong magpapakita pa sa akin."
"Pe-pero Rough, I need you. Kailangan kita sa buhay ko Rough."
"I. Said. Get. Out." Malumanay ngunit may diin nitong sabi habang nakatitig ng masama sa amin ni Zamara.
"Please let me stay Rough. Let me take care of you please. Gusto kitang makasama Rough. Gusto kitang alagaan."
Pinilit nitong maupo at akmang aalalayan ko s'ya ng iwasiwas nito ang mga kamay upang pigilan ako sa nais kong gawin.
"I can manage. Mas lalong kaya kong mabuhay ng wala ka sa buhay ko Daniel. Ikaw pa nga ang nagpahamak sa akin. If I can recall, nang dahil sa mga palpak mong plano Kamuntikan na akong mapatay ng Zamara na 'yan! At bakit pa 'yan nandito? Dapat nabubulok na 'yan sa kulungan at hindi na kailanman dapat sikatan pa ng araw!" Pagalit na sabi nito habang paisa isang tinatanggal ang mga nakakabit na aparato sa mga kamay at ulo nito.
Pinindot nito ang buzzer sa may dingding at agad agad namang pumasok sa kwarto ang ilang nurses at doctor para icheck ang kalagayan n'ya.
"Rough," tawag ko dito sa malumanay na boses.
"Narinig mo ako Dan. I don't want to see you again. Kasi sa tuwing nakikita kita bumabalik ang mga alaala ng kahapon, ang mga kapahamakang sinuong ko para lamang ipagtanggol ang pamilya ko pati na rin ikaw. Pero sa kamalas malasan, dahil pala sa'yo kaya nangyayari ito! Dahil pala sa pagmamahal ng Zamara na 'yan sa'yo kung bakit kinailangan kong pagdaanan ang mga paghihirap na ito. Kaya Daniel, kung may natitira ka pang hiya sa katawan, kung may natitira ka pang awa sa akin, tuluyan mo na akong lalayuan. Stay away from me, please lang." She's crying and I can really see that she's hurting.
"Alam kong mahal mo pa ako Rough. Please give me another chance para maitama ang pagkakamali ko. Please let me stay in your life, please."
"Mahal? Hah! Hindi ko na alam kung sapat pa ba ang pagmamahal na nasa puso ko para patawarin ka Dan. Dahil sa totoo lang? Mas gusto kitang patayin sa mga oras na ito, kayo ni Zamara! Kung bakit kasi hindi pa kayo nasunog sa impyerno!"
"Sir kung pwede lang po umalis na muna kayo. Hindi po makakabuti sa pasyente ang stress lalo na at kakagising lamang po nito." Sabi ng doktor na humarang sa akin ng akmang lalapitan ko si Rough.
Tumango na lamang ako."You know how much I love you Rough. Alam kong marami akong inilihim, alam kong marami akong pagkakamali pero minahal kita Rough. Totoong minahal kita. Ayokong iwan ka sa mga oras na ito pero alam kong galit ka at wala ring mapatutunguhan ang usapang ito kundi karagdagang sama ng loob lamang. Mahal na mahal kita Rough. Sana dumating ang oras na kaya mo na akong patawarin. Sana maghilom ang mga sugat na dinulot ko sa puso mo at maging bukas muli ang puso mo na patawarin ako. You know where to find me Rough. Hihintayin kita habang buhay. Maghihintay ako dala dala ang magagandang ala-alang pinagsaluhan natin."
Masakit man pero kailangan ko ng maglakad palayo. Kailangan kong iwan ang babaeng nagbigay ng panibagong kulay sa buhay ko. Kailangan kong talikuran ang taong komompleto sa pagkatao ko.
Sana, sana mapatawad niya pa ako. Sana.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon