Chapter 17

226 13 1
                                    


[Rough]

Mababaliw na yata ako. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong paniwalaan at isipin sa mga oras na ito. Litong lito na talaga ako.
Si Chris.... Si Chris na all this time ay kinamuhian ko at pinaratangan ng kung ano ano. Tapos ginawa ko pang dahilan sa pagiging playful ko sa pag ibig.
"Oh God! Im sorry thart. Im so sorry. I didnt know. Im sorry." napahagulgol nalang ako ng iyak.
Kung bakit ba naman kasi ang tanga ko. Hindi ko manlang inalam ang totoong nangyari kay Chris. Nawalan na kasi ako ng tiwala sa kanya. All this time naniwala akong niloko nya ako, na iniwan nya akong mag isa sa ere.
Mas inuna ko ang galit na nararamdaman ko kaysa bigyan ng chance ang sarili kong malinawan sa totoong nangyari kay Chris at kung bakit hindi nya ako sinipot ng gabing yun. Yun pala.... Yun pala si Daniel ang may kasalanan kung bakit hindi sya nakarating sa tagpuan namin.
"Niloko mo ako Daniel! Manloloko kang hayop ka!"
Alam nya pala kung ano ang totoong nangyari kay Chris pero hindi nya manlang sinabi sa akin. Ginawa nya din akong tanga. I told him everything about Chris pero wala syang sinabi. Nanahimik sya. Akala ko totoong mahal nya ako. Yun pala guilty lang sya. Dahil nasa kanya ang puso ni Chris....ng lalaking tunay at nag iisa kong minahal. Sigurado akong naguguilty lang sya dahil sila ng ama nya ang may kagagawan kung bakit namatay agad si Chris kung kaya't bigla syang pumayag na makipagrelasyon sa akin.
"Manloloko kang gago ka! Mapapatay kita!"
Pero bigla akong nanlumo.
Naalala ko ang deal namin ni Jem.
"Why do I have to get through all this? Ito na ba ang kabayaran sa kung ilang lalaking pinaglaruan ko at pinahirapan? Ito na ba ang karma ko?"
The hell with this situation. Sobrang gulo. Gulong gulo na ang utak ko.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.
"Jem."
"Honey this is suppose to be your first day with Daniel. Ngayon palang ba sumusuko ka na? Sino ba ang gusto mong unahin kong patayin?"
"No. No. Wag Jem. I'll be with Daniel in a while. May inaayos lang ako dito sa condo."
"Good girl. Dont make me wait Rough kung hindi... Alam mo na ang mangyayari."
Pinatay na nito ang cellphone pagkatapos.
"Oh God! What do I have to do now."
Maya maya ay nagring ulit ang cellphone ko. I thought it was jem again pero hindi. Ang kapatid ko palang si Rain ang tumatawag.
"Hello Rain?"
"Hi Rough. Did I disturb you?"
"Not a chance Rain. Bakit? May problema ba?"
"Im the one who's going to ask you that."
"Hmmm. Im fine Rain. Just a little bit busy in here."
"Nakausap mo na ba ang mommy mo?"
"Oh. Si Jem? No. She's still out of town." Kailangan kong magsinungaling. Para na din sa kaligtasan naming lahat.
"Ah. Sayang at hindi kayo nagpang abot. How about magdinner ka dito sa bahay mamaya? Magbobonding tayong pamilya at ipapakilala na rin kita sa asawa ko."
"Hmm. Sounds good Rain. I want to know everyone better too. Sige pupunta ako. May aayusin lang muna ako. Maybe I can bring my boyfriend with me later."
"That sounds nice. I'll tell mom and dad that you're coming."
"Sure sis."
Napaupo ako sa kama after that call. Si Daniel. Kailangan ko na syang puntahan at baka magalit na si Jem. Kailangang maging kami ulit ngayon din mismo.
........
Sigurado akong nasa bahay sya. Nasa loob kasi ang kotse nya. Ipinark ko ang kotse ko sa gilid ng daan at nagdoorbell.
Tama nga ako. Nandito nga siya. Nakita kong bumukas ang main door ng bahay nya at sinilip kung sino ang bisita.
Naghesitate syang pagbuksan ang gate ng malaman nyang ako ang nagdodoorbell at akmang papasok sa loob ng magdoorbell ulit ako.
Lumapit naman sya at binuksan ang gate.
"What do you need?" he asked in an angry tone.
("Tss. Diba ako dapat ang magalit sa kanya?")
"Hey. Wala ba akong kiss babe?" sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. Lumapit ako sa kanya pero agad naman itong lumayo na parang nandidiri sa akin.
"Kiss? What for?"
Nangunot ang noo ko. Bakit ba galit sya? Eh wala naman akong ginagawa sa kanya ah.
"Wait? Are you mad at me babe? Bakit?"
Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko,kanina ko pa pinatay ang gagong to.
"Wag ka ng magmaang maangan pa Rough. You lied to me. I thought you trully love me. Pero pinaglaruan mo lang ako. You were never true with your feelings. Tama nga sila. A playgirl will always be a playgirl."
Anong pinagsasabi ng gagong to? Isang gabi lang akong nawala nagkaganito na sya?
"Wait. What are you talking about babe?"
"Dont call me babe, Rough. Dont you ever call me that way again. Ayoko na. Sinayang mo lang ang mga efforts ko. Sinayang mo lang ang pagmamahal ko!"
("Tss. Gago! Ikaw itong manloloko. Ikaw itong sumayang sa damdamin at pagmamahal na binuo ko dito sa puso ko para sayo by lying to me.")
Gustong gusto ko syang sigawan pero hindi ko gagawin dahil kailangan ko sya.
Napabuntong hininga ako. Umiinit ang ulo ko. Kating kati na ang kamay ko. Gustong gusto ko na syang patayin.
"Babe. Ano bang pinagsasabi mo ha? Isang gabi lang akong nawala eh."
"Oo isang gabi Rough. Isang gabi kasama ang Martin, whoever that son of a bitch is!"
Nangunot ang noo ko.
"Martin? Martin who?"
"Wag mo nang paikutin ang ulo ko Rough! I saw that flowers with a note sa may basurahan. It was from Martin."
Napaisip ako. Wala naman akong kilalang Martin. Sinong Martin? At anong flowers? Wala akong natatanggap na anuman.
"Sorry ha? Pero pinaparatangan mo ba ako? Wala akong kilalang Martin at wala akong natanggap na flowers."
"Stop playing your tricks on me Rafaella. Stop bothering me too! I dont want to see you again." isinarado na nito ang gate sa harapan ko at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay.
"Dan! Hey Dan! Kausapin mo naman ako ng maayos." sigaw ko pa dito pero diretso syang pumasok sa bahay at pabalibag na sinarado ang pintuan.
Maya maya ay nagring na naman ang cellphone ko.
"Hello?"
"Tsk tsk tsk. Too bad Rough. So bad. Sino ang gusto mong unahin ko?"
"Jem. Please wag. Please. Im begging you. Wag muna. Just give me one more day. Babalikan din nya ako."
Tawa lang ang isinagot nya sa akin.
"Now you are begging. Hmmm. Sorry Rough but i need to kill one."
"Jem please. Just this once. Please." i started crying. Sobrang nakakapanlumo ang nangyayaring ito.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot at pangamba.
"Awh. I love seeing you cry honey. Sige. One more day. But tomorrow? Kapag hindi mo pa ulit nakukuha si Daniel? Patay ang isa sa pamilya mo without any warning Rough. Goodluck honey. Goodbye. Hahahahaha"
I heard that beeping sound again.
Who could have done this?
Sino ang naglagay ng flowers sa condo ko? At sino yung Martin?
"Fvcking Sh*t! Who's playing tricks on me? Bakit ngayon pa?"

[Daniel]

"What is she up to?" nangunot ang noo ko habang nakasilip sa may blinds.
Tumatawag sya sa cellphone habang umiiyak.
"Did I hurt her?" i dont think she's faking it. Nakikita ko ang lungkot, pagkalito at pagsuko sa mukha nya.
Parang kinukurot din ang puso ko.
A part of me grieved with her. Ewan ko kung bakit nalulungkot din ako sa nakikita kong kalungkutan sa mukha nya.
My mind tells me na tama na. Na niloko nya lang ako. At hindi ko na dapat pang pag aksayahan ng oras.
Pero my heart tells me na I shouldn't leave her side. Na damayan ko sya whatever hurt she's been through. At patawarin ko sya sa kasalanang ginawa nya. Because I love her. I love being with her and I promised to protect her.
Huminga ako ng malalim at binalikan ko sya sa labas.
Hindi ko talaga sya matiis eh.
Nagulat yata sya sa pagbalik ko.
"Akala ko ba galit ka?" she asked.
"I am. Pero paano kitang bibigyan ng leksyon kung hahayaan kita sa ginagawa mo."
Nangunot ang noo nya.
"What do you mean?"
Ngumisi ako. Kaysa magselos sa kung sino sinong lalaki bakit hindi ko bigyan ng karapatan ang sarili ko. Bakit hindi ko rendahan ang playgirl na to? Bakit hindi ko ipako ang gala nyang puso?
"Gusto mo ba talagang magkabalikan tayo Rough?"
Nakita ko ang pagbabago bago ng expression ng mukha nya. I saw anger, and then hurt, and then confusion.
What gotten into her? Ngayon ko lang nakitang unsure sya. Yung hindi makapagdesisyon. Yung may alinlangan. Pero I think there's something other than that pero hindi ko malaman kung ano.
Bumuntong hininga ito bago tumango.
"Yes." mahinang sagot nito.
"Then marry me Rough. Be my wife." I finally said.
I saw her eyes widened. Nangunot ang noo at napanganga.
"No." pabigla nitong sabi na ikinainis ko.
"No? You mean hindi mo ako papakasalan Rough?"
"Hindi pa ako handa Dan. Im not yet ready to get settled."
"Hindi ka pa handa o hindi ka talaga naging seryoso sa akin Rafaella?"
"God knows I did."
"You did but now you dont? Then wala na tayong dapat pag usapan Rough. Marry me and i'll get back to you. Say no and we end the conversation here, we end our connection here."
("Bago mo pa ako lalong masaktan Rough.)

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon