Chapter 12

234 12 1
                                    


[Rough]

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko.
Bumangon ako para lamang mapasandal sa headboard ng kama ko.
Ang sakit talaga ng ulo ko. I've never been drunk like this my whole life.
Naikuyom ko ang kamao ko ng maalala ang nangyari kagabi.
"Of all people bakit sya pa ang kailangan kong patayin? Does Big Mommy know na ama ko si Tadeo Rivera? Or this is just pure coincidence."
Naguguluhan na ako. Oo ginusto kong patayin si Dad. Gusto ko sya patayin. Pero ng makita ko sya sa malapitan. Iba ang gusto kong gawin. I want to hug him.
All this years binalot lang pala ng poot ang puso kong nangungulila.
"Gising ka na pala." nakangiting mukha ni Daniel ang bumungad sa akin.
"Hmmmm. Good morning."
Lumapit naman ito and kissed my cheek. Hmmm. He is the sweetest.
"Ipinagluto kita ng sopas. I know may hangover ka. You were drunk last night."
Inilapag nito harapan ko ang tray ng sopas pero ng akma ko ng kukunin ang kutsara ay inunahan nya pa ako.
"Let me feed you babe." sabi nito at sinubuan ako ng sopas.
Hindi ko maiwasang makadama ng kilig sa mga simpleng gestures ni Daniel kagaya nito.
I might dont know how to live alone kapag nagbreak na kami.
"Oh. Bakit? Why are you staring at me like that? May dumi ba ang mukha ko?"
Umiling naman ako.
"Why are you like this to me Dan? Ang bait mo sa akin. You are so caring to the point na naiisip ko na sakaling magbreak tayo hindi ko na kayanin pang mabuhay ng mag isa." he chuckled.
"Because I wont let you live alone again Rough. I told you, i'll be having you for keeps. Walang break up na mangyayari because I wont let that happen."
"Paano kung malaman mong gangster ako Dan?" gusto ko sanang itanong pero natatakot ako sa magiging reaction nya.
Normal people would never understand the way we live. Lahat sila nandidiri at natatakot sa amin.
Well maybe they have the right to feel that. Maraming gangsters ang mapanakit. All of us love to fight too. Pero sa mga maprinsipyong gangsters kagaya namin, we fight because natatapakan ang karapatan namin. Lumalaban kami dahil yun ang alam naming solusyon sa problema.
"Hey. Open your mouth. Hindi ka na kumibo dyan ah? Masakit ba masyado ang ulo mo babe?"
Tumango na lamang ako. Ang swerte ko talaga sa taong to. I hope matanggap nya din kung sino at ano ako.
"Thank you Dan." ngumiti lang ito at tumango.
Maya maya ay nagbago ang expression ng mukha nito na ikinakaba ko.
"I found something sa mga gamit mo kagabi Rough."
Fvck! Sa sobrang kalasingan ko nakalimutan kong itago ang baril, bala at mga darts ko.
"Ah.. Ha? Ano yung nakita mo Dan?"
"This." kinuha nito sa side table ang baril ko at darts.
"Ahh. Dont mind it Dan. Wala lang yan."
Tinitigan lang ako nito ng masama. Dapat ko na bang sabihin? Pero natatakot talaga ako.
"She's a gangster Dan." nagulat kaming pareho ng may magsalita sa likuran ni Daniel.
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi nito. Sino ba tong sumasabad sa usapan na ito?
Napabuntong hininga ako ng malaman kong si Yumi ang nagsalita.
Si Daniel? Nakatulala. As if hindi makapaniwala sa mga narinig nya.
Sinamaan ko ng tingin si Yumi.
"Ops. Its a slip of the tongue Rough. Sorry."
"Paano ka bang nakapasok dito Yumi?" Ang sama ng tingin ko sa kanya.
Si Dan, wala talagang imik habang nakatitig sa akin.
"Hindi kasi nakasarado ang pintuan kaya pumasok na ako."
"Hmmm. I think you better leave for now. Kailangan naming mag usap ni Dan."
"May nasabi ba akong masama? Naku. Sorry. Sorry talaga Rough. Sige. Babalik nalang ako mamaya ha?" tumalikod nalang ito bigla at naglakad palabas ng kwarto ko.
"Dan. Can I explain?" i try to hold his hand pero lumayo sya ng konti. I know na ito ang magiging reaction nya kaya I was not yet prepared to tell him everything.
Fvck you Yumi!
"You are a gangster?" tanong nito.
"Yes Dan. I am a gangster. Kaya ako may baril, mga bala at mga darts dahil isa akong gangster. Mga weapon ko yan."
"I cant believe this. Kaya ka pala napasok sa bahay ko noon na may tama ng bala. Kaya pala ang lakas mo ng isinandal mo ako sa pader ng studio namin. At kaya pala may baril ka kasi gangster ka?"
"Oo Dan. Pero may reasons naman ako kaya ako naging gangster."
Umiling iling ito.
"Enough na muna ang nalaman ko for today Rough. I cant process it all in my mind. Maybe I need sometime alone. Aalis muna ako para makapag isip isip."
"But Dan."
"Take care while im away." sabi nito at tumalikod na.
Naiwan akong nakatanga sa hangin at umiiyak.
"Yumi! What have you done!" Naisigaw ko na lamang sa kawalan.

[Daniel]

I thought... I thought.... Ahhhh! Nakakainis.
Bakit sya pa? Bakit kailangang si Rough pa?
Galit ako sa mga gangsters. Galit ako sa mga kagaya nilang wala ng ginawa kundi pumatay at magpakahari sa mundo.
Yung mga pumatay kay Chris? Gangsters sila. Akala ko noong una mga adik lang sila. Hindi pala normal na adik lang, kundi mga gangsters. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanila. Kaya galit na galit ako sa kanila.
"Daniel?"
Nakatayo si Yumi sa gilid ng pader paglabas ko ng unit ni Rough.
"Now that you know that she's a gangster ano na ang plans mo?" tanong nito ng akma ko syang tatalikuran para umalis.
"I dont know yet Yumi. Im shocked."
"Hmmm. Layuan mo nalang sya Dan." sabi nito sa akin. Lumapit sya at hinawakan ang manggas ng polo na suot ko.
I looked at her with disbelief.
"Did I hear you right Yumi? Pinapayuhan mo akong layuan si Rough?"
Ngumiti naman ito at tumango.
"Yes Dan. Akin ka nalang. Im surely not a gangster."
Tss. Ano bang iniisip nya? Parang nakakaamoy ako na hindi sya kaibigan, never syang naging totoong kaibigan kay Rough.
"Ang totoong kaibigan never hahangarin na masaktan ang kaibigan nya Yumi."
"I know. Lets put it this way Dan. Alam kong mabait ka at marespetong uri ng lalaki. Ayoko na kapag naumay na si Rough sa pakikipaglaro sayo ay itapon ka nalang nyang bigla kagaya ng mga dati nyang laruan. She is a playgirl Dan. Hindi nya forte ang pagseseryoso. Oo sa ngayon feeling mo inlove sya sayo at masaya ka pero kilala ko sya Dan. Mabilis syang magsawa. Inilalayo lang kita kaagad sa heartbreak. At tinutulungan ko lang din si Rough na magbago. Kapag nalaman nyang hindi lahat ng lalaki nakukuha nya baka tumigil na rin sya sa pakikipaglaro sa kanila." mahabang paliwanag nito.
"Silly isnt it pero may side ng utak ko na naniniwala na you're only doing this because of your selfishness, Yumi. Oo nalaman ko na gangster si Rough pero it doesnt mean na I gigive up ko na sya. She's my girlfriend at hindi ugali na mang iwan sa ere ng ganun ganun nalang. She might be a gangster pero may puso sya Yumi. At nararamdaman kong totoong mahal nya ako. Dahil sa narinig ko mula sayo? I'll try to protect her even more. May kaibigan palang kagaya mo Yumi. Yung sisiraan ang kaibigan para lang makapanlamang. Im warning you. From now on stay away from Rough. Kasi ako ang makakalaban mo kapag inulit mo pa ito."
Tinalikuran ko na sya.
Maybe kanina inisip ko na iwan saglit si Rough para makapag isip. Ayoko syang mag explain kasi alam mong may masasabi syang ikakalito ko lang lalo. Pero dahil sa Yumi na to, sa peke na bestfriend ni Rough, napag isip isip ko na it is much better to be at Rough's side and be someone she can lean on dahil mas marami palang traidor sa paligid nya. And worst? One of them is her bestfriend kuno.
"Pagsisisihan mo itong ginawa mo Daniel. Pagsisisihan mo to! You two will never be happy! At mapapasaakin ka din Daniel. Tandaan mo yan." sigaw nito na ikinapanindig ng balahibo ko.

>>>

Agad akong pumasok pabalik ng condo ni Rough.
In the first place hindi ko dapat sya iniwanan.
I promised to make her happy and to protect her no matter what. Ayokong isa din ako sa mananakit sa kanya.
Kumuha ako ng tubig sa ref at pumasok muli sa kwarto nya.
Narinig ko ang pag iyak nya.
"Magdududa na ako sa pagiging gangster mo babe. Napakaiyakin mo kasi." Nasa isang sulok sya at humihikbi.
"Akala ko ba astigin ang mga gangsters na kagaya mo? Eh bakit parang ang babaw naman ng luha mo babe?"
Nilapitan ko sya. Agad naman ako nitong niyakap.
"Sorry for not telling you about my real identity Dan. Im sorry. Natakot lang ako. Alam kong kamumuhian mo din ako kagaya ng ibang normal na tao."
Tss. Ang iyakin nya talaga. Pinahid ko ang mga luha sa mga mata nya.
"Nagulat lang ako Rough. Pero it doesnt mean na dahil lang doon mababaliwala ang promises ko. Akala mo ba iiwan kita? Diba ako ang Knight in Shining Armor mo? Kahit pa sabihin nating ikaw pala ang mas malakas sa ating dalawa poprotektahan pa din kita. Nagpromise ako na hindi kita iiwanan diba?" she smiled a bit.
"I thought iiwan mo na ako Dan. I thought mawawala ka na sa akin." tumungo ito ang pinaglaro ang mga hintuturo nya. Ang cute nya pala kapag nahihiya.
"I think Im inlove with you Dan. For real." nakayuko nitong sabi. Napangiti naman ako.
"Weeh? Binobola mo naman ako eh."
Sinuntok ba naman ako sa balikat.
"I mean my words Dan. Gago ka. Nahihiya na nga yung tao eh. At first, aaminin ko, binalak talaga kitang isama sa mga lalaking pinaglalaruan ko. Pero you were so sweet and caring and you make me shiver with kilig kaya ako nafall sayo. You told me to stop drinking and smoking because its bad for my health. Pero I did not realize na you will become my greatest addiction. I cant live without you Dan."
Napatawa ako.
"Bakit mo naman ako pinagtatawanan? Nahihiya na nga yung tao eh."
"Dapat ko yatang ipanews ito. Si Rough San Sebastian, the most popular playgirl in town, nahulog sa charisma ng isang cute na DJ na si Daniel Martinez."
"Tss. Anong pinagsasabi mo ha?"
Niyakap ko nalang sya.
I think as same as her I cant live alone now.
"You always had my heart Rough. You own this heart within me, noon hanggang ngayon."
Nangunot ang noo nito.
"Nah. Just dont mind what I said. Can I ask you a favor babe?"
Pinahid nito ang natitirang luha sa kanyang mga mata.
"What is it?"
"Turuan mo akong maging kagaya mo Rough. I want to protect you. At kung yun ang paraan para magawa ko yun, teach me. Teach me how to act like a true gangster Rough."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon