Chapter 43

239 10 0
                                    


[Daniel]

"Fvck!" napasuntok na lamang ako sa manibela habang patuloy na nakabuntot kina Rough at Zamara na kasalukuyang nakasakay sa sinusundan kong kotse.
"This is all my fault!" Nasayang ang pinaghirapan kong plano ng kung ilang araw dahil lamang sa kapabayaan ko.
"Ang palpak ko talagang mag-isip kahit na kailan." Nandoon na eh. Ang dali nalang sanang mahuli ni Zamara at Dark Lord. Nakapwesto na lahat ng mga tauhan namin pero hindi ko inaasahan ang panghohostage ni Zam kay Rough. Doon na nasira ang mga plano ko.

*Flashback*

Matapos mawalan ng malay si Rough dahil sa pagtakip ko ng panyo sa ilong nito ay dali dali ko s'yang kinarga at ibinalik sa bahay ko sa gubat.
Itinali ang mga paa at kamay n'ya upang hindi na s'ya makatakas pang muli mula sa akin.
"Oh God! I could have hurt you Rough. Baka napatay pa nga kita. I'm sorry for being such a fool Honey." Hindi ko maiwasang maluha kapag naalala ko ang mga pinagagagawa kong kagagaguhan kay Rough. Lalo na ang pagbibintang ko sa kanya ng kung ano ano. God! She's innocent pero wala akong ginawa kundi ang paratangan s'ya sa bagay na hindi naman pala s'ya ang may kagagawan.
Marahil ay nagising ko s'ya dahil sa paghaplos ko sa kanyang mukha.
"Daniel." Blanko ang ekspresyong nakatitig lamang ito sa akin. Maya maya ay inikot ang paningin sa kwartong kinaroroonan namin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya ng mapansin n'ya ang pagkakagapos n'ya sa poste ng kama.
"Let me go, will you? Wala nga akong kasananan! For goddamn sake!" Nagwawala ito at sinusubukang kumawala mula sa mga tali n'ya.
"Rough! Rough! Please calm down." I tried to hug her pero lumiliyad liyad lamang ito at sinusubukang sipain ako.
"Fvck you Dan! Pakawalan mo ako dito!"
"I said calm down!" Sigaw ko na s'ya ring nagpatigil sa pagwawala n'ya.
"I'm sorry Rough," I said on a low tone. "I was there with you last night." Bumuntong hininga ako bago nagsalitang muli. "I've heard Ron and Zam's conversation."
Doon na tuluyang tumigil ang pagwawala n'ya at nakatitig lamang sa akin na wari'y hinihintay ang ano mang sasabihin ko pa.
"I'm sorry Rough. I'm sorry at pinagbintangan kita. I'm sorry kung hindi kita pinaniwalaan at pinagkatiwalaan. I'm sorry for being closeminded and irreasonable."
Hindi s'ya sumagot pero bumukal sa kanyang mga mata ang mga luhang nagpapahiwatig na sadyang nasaktan ko s'ya ng sobra.
"I'm sorry Rough. 'Yan lang ang kaya kong sabihin sa iyo ngayon. I'm really sorry Rough. Sorry." Maski ako man ay hindi napigilang mapaluha. I'm guilty of not trusting her, of blaming and of accusing her sa bagay na ni minsan ay hindi n'ya ginawa.
"Ang sakit lang isipin Dan. Sa panahon na kung kailan kita higit na kailangan doon mo pa ako binaliwala, doon mo pa ako pinaratangan at ipinagtabuyan. Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita. And most of all.... You lied to me Dan! Inilihim mo sa akin ang totoo mong katauhan at trabaho. Kaya't hindi ko alam kung dapat pa kitang pagkatiwaan. Ni hindi ko nga alam kung talagang minahal mo ako."
"I do love you Rough. God knows how much I love you."
"You love me? Pero you did not trust me Dan. Ang dami mong itinago. Ang dami mong sekretong nabunyag at hindi ko na alam sa ngayon kung alin ang paniniwalaan ko o may dapat ba akong paniwalaan sa pagkataong ipinakilala mo sa akin."
"Rough." I don't know what to say.
"Let me get out of here Dan. Kailangan kong pagbayarin si Zamara sa pinaggagawa n'yang ito sa akin."
"Not without me Rough. Hindi kita hahayaang lumakad mag isa. I know you. Sobrang hotheaded ka at sumusugod lamang by instinct. Don't get me wrong Rough. Ayaw ko lamang na mapahamak ka. I want us to plan this. Tayong dalawa ang lalakad."
"I don't need you Dan. Kaya kong mag isa ang laban na ito. Laban namin ito ni Zamara at hindi ka dapat makialam Dan."
"I said i'll go with you. Kung hindi ka papayag hinding hindi kita papakawalan dito Rough."
Tumitig lamang s'ya sa akin ng masakit. Alam kong hindi n'ya nagugustuhan ang gusto kong mangyari pero hindi na ako kailanman papayag na makipagbakbakan s'ya ng walang tulong mula sa akin. Ayokong may mangyaring masama sa kanya dahil sa katigasan ng ulo n'ya.
"Fine! Fine! But don't expect na papatawarin na lamang kita ng ganoon nalang." Saglit s'yang natahimik at parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sumunod n'yang sinabi. "Maybe its better that we part ways after we send Zamara to Jail."
"Rough?"
"You heard me Dan. Puputulin ko na ang ugnayan ko sa'yo after this. Nawalan na akong tiwala sa'yo Dan." I don't want it to happen pero I know that i've hurt her so much.
"Tapusin na muna natin ang problemang ito bago ko pagdesisyunan 'yan Rough."
***
We planned our attacks. Kung paano naming itatrap sina Zam at Dark Lord. Ang pakikipagbalikan ko kay Zam, ang pagpapasuko kay Rough ng tatay n'ya sa mga alagad ng batas at ang pakikipag away ko kay Rain na nagpanggap bilang si Rough sa headquarters ay parte ng aming mga plano.

*End of Flashback*

Napabalik sa kasalukuyan ang aking gunita ng mapansin ko ang biglang pagbulusok ng sasakyang sinusundan ko sa may bangin matapos itong magpaekis-ekis sa daan.
"Oh God! Rough! Rough!" Sigaw ko at mabilis na pinaharurot ang sasakyan, pumarada sa gilid ng daan at tinakbo ang kinaroroonan ng kotse nila na ngayon ay bumagsak na sa lupa matapos mahulog sa bangin.
"Rough!" tinakbo ko ang kinaroroonan nila. Nagpadausdos ako sa gilid ng bangin at hindi inalintana ang naglalakihang ugat ng kahoy na tinatalunan ko at iniiwasan para lamang mabilis na makarating sa kinaroroonan ng bumagsak na sasakyan.
Nakabulagta ang duguan at walang malay na si Rough na nakikita ko sa nakabukas nang pintuan ng sasakyan.
"Rough gumising ka please!"
I was hoping na hindi sumabog ang sasakyan nila habang patuloy kong hinihila ang walang malay na katawan ni Rough.
Mabilis ko s'yang kinarga at naglakad palayo sa kotse ng makarinig ako ng boses.
"Dan. Tulong!" Sigaw ng taong namimilipit sa sakit na sigurado akong si Zamara.
"Dan please help me!" Nanghihinang daing n'ya.
Napabuntong hininga ako bago tumalikod.
"Tama lang na mamatay ka na Zam."
Patakbo kong nilisan ang lugar na iyon. Kailangan kong mailigtas si Rough. Kailangang mabuhay s'ya. Kailangan ko pang makahingi ng tawad sa kanya.

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon