Chapter 41

236 7 1
                                    


[Zamara]

"You like what's happening Dark Lord?"
Kasalukuyan kaming magkaharap ng aking ama-amahan sa isang madilim na iskinita. Kabi-kabila ang mga maliliit na bahay sa magkabilang dako ng kalsada. Sinong mag aakala na dito kami palaging nagkikita ni Dark Lord?
It feels like home. I miss the smell of this place. Ito din ang lugar kung saan n'ya ako pinulot 20 years ago when I was a street kid. No home, no family, no anyone except my brave heart and my determination to survive.
"Very much Zamara. Hindi ako nagkamali sa pagpapalaki ng isang demonyong kagaya mo. You had always been loyal to the Organization."
"Sinabi ko na sa inyo hindi ba? Gagawin ko lahat para sa Organisasyon. Kayo ang nagpalaki at nagbihis sa akin Dark Lord. Marapat lamang na suklian ko ng katapatan ang inyong ginawa."
"Good job Zam. Good girl."
"Salamat Dark Lord."
Yumuko ako tanda ng pagpapasalamat sa kanya.
It's right and just na gawin ko ito para sa kanya. Mabuti ng si Rafaella ang makulong at mapagbintangan. Babango ang pangalan ko sa Mafia at the same time hindi ko na kailangan pang patayin si Daniel. Mapapasaakin na ng tuluyan si Daniel.
Si Daniel who had been sweet this past days. Para na nga kaming mag asawa. We had been living on the same roof since our last confrontation with Rafaella on the Headquarters.
Halos tumalon sa tuwa ang puso ko habang nakikita silang nag aaway sa harapan ko. They were cursing each other. I can see that they hate each other so much. Dan threatened Rough at iyon ang mas nagpatibay sa paniniwala kong mahal pa din n'ya ako at hindi n'ya ako niloloko.
"Did I make you proud Dark Lord? Naipakulong ko na si Rafaella. S'ya na ang sinisisi ng lahat ngayon. Ginawa ko ang lahat para s'ya ang maituro ng mga ebidensya."
"Good job Zam. Ang galing ng naisip mo. Now, we can operate without worrying about the cops. Maipagpapatuloy na natin ang drug dealing sa underground Zam. We will be Multi-billionaires in no time.Hahaha."
Natuwa naman ako na satisfied s'ya sa aksyong ginawa ko. Ngayon, makakahinga na ako ng maluwag. Wala ng balakid sa mga plano namin. Matututukan ko na ang lovelife ko.
"Are you sure na magagawa n'yo talaga 'yun?" napaatras ako sa direksyon ni Dark Lord ng may magsalita mula sa dilim.
"Sino ka?" lumapit ang taong 'yun sa amin at ng masinagan s'ya ng nag iisang ilaw mula sa makayong poste ay nagngalit ang bagang ko.
"Daniel? Ikaw?"

[Daniel]

"Ako nga Zamara. Ako nga." lumabas ako mula sa dilim habang nakatutok ang baril sa kanilang dalawa. 'Yung tinutukoy nilang Dark Lord ay nasa harapan ko na ngayon. Nakasuot ng purong itim na coat and tie habang may suot na maskara.
"Son of a bitch!" I heard him curse at akmang kakalabitin ang gatilyo ng baril na kinuha n'ya mula sa kung saan.
Nagulat ito ng may humablot sa hawak nitong baril mula sa kung saan gamit ang latigo.
"Fvck! Zamara!" sigaw nito sa ngayon ay namumutla na sa takot na si Zamara.
"How can you do this to me Dan? Paano mong nalaman na nandito kami?" hindi makapaniwalang taning nito habang paatras sa kinaroroonan ng tinatawag nilang Dark Lord.
Napasandal ito sa kanya at kamuntikan ng matumba dahil sa kakaatras.
"Tinatanong mo talaga sa akin iyan Zam? Manloloko kang hayop ka? Sinubukan mo pa talagang bilugin ang ulo ko! Bakit ako nandito? I planned this. Alam kong makikipagkita ka din sa Dark Lord na 'yan. Kaya nga nakipaglapit ako sa'yo. Para malaman at masubaybayan ang lahat ng kilos mo."
"Ha ha ha. Dan naman eh. Nagbibiro ka yata." tumawa ito ng peke.
"Wala akong alam sa sinasabi mo Dan."
"Stop lying Zamara! I heard you and Ron that night."
*Flashback*
Nagising akong masakit ang ulo dahil sa pagsipa ni Rough sa akin. Galit ako sa ginawa n'yang iyon. Gusto ko s'yang tulungan at maisuko ng hindi napapatay pero hindi n'ya ako pinakinggan bagkus tinakasan n'ya pa ako.
Inot-inot na tumayo ako at tiningnan ang orasan.
Umaga na pala ulit. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa n'yang iyon ay halos tulog ako ng isang buong araw. Nananakit ang ulo, leeg at batok ko sa lakas ng sipa n'yang iyon.
"I'll find you Rough. Hindi mo ako matatakasan. Hindi ka din mamamatay ng dahil sa Shoot to Kill order na 'yan."
Buong araw ko s'yang hinanap sa buong paligid pero wala.
"Saan ka ba nagpunta Rough?"
Halos maggagabi na pero wala akong nakita. She's nowhere to be found.
"Kay Ron. Baka nagpunta s'ya sa bahay ni Ron."
Nagbakasakali akong nagpunta s'ya sa bahay ni Ron pero laking pagtataka ko ng si Zamara ang nakita kong pumasok sa bahay ni Ron.
"Ano kaya ang ginagawa n'ya rito?"
Palihim kong minanmanan ang bahay. Kung nandito si Zam siguradong hindi magpupunta si Rough dito.
Nagtataka lang talaga ako kung bakit nandito Si Zam sa bahay ni Ron kung kaya mas pinili kong magmanman na lamang.
Inakyat ko ang puno na kanugnog ng kwartong nakabukas ang ilaw.
"Tama ako. Dito nga ang punta n'ya."
I saw Ron lying on the bed at halatang natutulog kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit pumunta dito si Zam ng walang pasabi.
Nagulat ako when Zam entered that room at hinubad ang lahat ng saplot nito sa katawan bago nahiga sa kama at tumabi sa natutulog na si Ron.
Nakakuyom ang kamao ko habang nasasaksihan ang kahayupang ginagawa nila. I thought Zam loves me, pero heto't nakikipagtalik s'ya sa ibang lalaki.
Dahil sa galit ay akma akong bababa ng puno at aalis na sana sa lugar na 'yun ng mapansin kong may umaligid sa may bintana.
"Rough?"
Inaninag ko ang taong sumandal sa may pader malapit sa kwartong iyon.
Si Rough nga at halatang matamang nakikinig din sa nangyayari sa loob.
Nagngalit ang bagang ko sa narinig kong usapan sa kanila.
"Hayop ka Zam. Manloloko. Ikaw pala ang totoong traydor at hindi si Rough."
Dahan dahan akong bumaba sa puno at inihanda ang panyo na nilagyan ko ng pampatulog.
Kailangang maialis ko si Rough sa lugar na ito bago pa s'ya makagawa ng bagay na ikakapahamak n'ya.
*End of Flashback*
"Dan pag usapan natin 'to. Bakit hindi ka nalang umanib sa amin?" sabi ng lalaking nakamaskara.
"Nagpapatawa po yata kayo? Ilang taon ang ginugol namin sa pag alam sa katotohanan. Maraming kasamahan ko ang nagbuwis ng buhay para sa misyong ito. Hindi ako papayag na mauwi lamang sa wala ang lahat ng pagsisikap naming malaman ang katotohanan."
"How much do you need Agent? One? Two? Not Million but Billion pesos. Ibibigay ko kahit na magkano tigilan mo lang kami Agent."
"Hindi ko kailangan ang pera mo! Mas gugustuhin ko pa ang simpleng buhay kaysa magtamasa ng magandang buhay gamit ang kayamanang galing sa kasamaan! Hala! Sumama kayo sa akin sa presinto. Dapat n'yong pagbayaran ang ginawa n'yong kasalanan. Mga walanghiya kayo! Pati inosente idinamay n'yo sa kalokohang ito."
"Dan?" akmang lalapit si Zamara sa akin ng tinutukan ko s'ya ng baril.
"What Zam? Kamuntikan mo ng sinira ang buhay ko. Kamuntikan mo ng sinira ang pagsasama namin ni Rough dahil sa mga kasinungalingan mo! Kamuntikan ko ng mapatay ang asawa ko dahil sa kagagawan mo!" singhal ko kay Zamara. Sobrang nagpupuyos talaga sa galit ang puso ko dahil sa ginawang pang uuto ni Zamara sa akin.
"Asawa? Asawa mo si Rough Dan? I thought ako ang mahal mo?"
"Mahal? Noon sana Zam. Minahal naman kita pero ng malaman ko ang totoong pagkatao mo nawalang bigla ang pagmamahal at paghangan ko para sa'yo Zam."
"Pero Dan we can work things out. Pag usapan natin to."
"Hindi Zam. Wala na tayong pag uusapan. Kailangan n'yong pagdusahan ang mga kagaguhang pinaggagawa n'yo!"
"Not that fast Agent. To think of it wala kang ebidensya. Hindi mo naman kami maikukulong ng dahil sa sabi-sabi lamang. Tara na Zam. Nag aaksaya yata tayo ng oras dito."
"Akala n'yo ganoon-ganoon lang 'yun Dark Lord? Big Mommy?"
Maski ako ay nagulat ng may magsalita sa likuran ko. Sigurado akong she's not a part of my team. Iilan lamang kaming may alam sa misyon na ito. Si Rough, si Rain, si Sir Tadeo at ang asawa ni Rain na si Jacob, pati na rin ang ibang Agents at ang mga guardians.
Sasabihin ko sana na hindi pa din sila makakawala dahil may nagvivideo sa pag uusap naming ito ngayon.
"Sino ka? Magpakita ka!" sigaw ni Zam.
"Ngayon ikaw na itong natatakot na makita ako? Hahahaha! Hawak ko ang mga ebidensya Dan. I took pictures and videos of their illegal transactions. I wiretapped Zamara's calls with Leandro Marasigan Madrigal a.k.a. Dark Lord. Dalhin n'yo na sa presinto ang mga 'yan at ikulong hanggang sa mabulok sa kulungan ang mga iyan."
All this time, may tao palang may hawak ng mga ebidensyang magdidiin sa mga hayop na ito.
"Magpakita ka sa akin kung sino ka man. Ibigay mo sa akin ang mga ebidensya na tuluyang magdidiin sa mga hinayupak na ito."
"Sige Dan. Have it."
"Ikaw?" nasambit ko na lamang when I saw her smiling face as she walk out from the dark

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon