Chapter 20

237 12 1
                                    


[Jem]

"Nice act Jem. Ganyan nga. Wag na wag kang susuway sa kagustuhan ko kundi.... mas mauuna ka pang mamamatay kaysa sa anak mo." sabi nung nakamaskarang babaeng nakatayo sa likuran ko habang tinitingnan namin ang monitor na kuha ng mga drones at spy cameras na nakakatago sa kung saan at sinusundan ang mga kilos at galaw ni Rough.
"Ano ba talaga ang kailangan mo? Bakit mo ba ginagawa sa amin to? Sino ka ba talaga?"
Oo tama kayo. Labag sa kalooban ko ang ginagawa ko. At kanino naman ako pwedeng humingi ng tulong? Wala. I had no one.
Hindi naman pwede si Rough dahil pareho kaming nasusuong sa kapahamakang ito.
I had been bad... Oo inaamin ko. Pero noon yun. Noong kinamuhian ko pa sina Lara at Tadeo.
Tadeo is my bestfriend. Kalaro mula pa pagkabata. We were close back then until i felt something for him... I've fallen inlove with my bestfriend.
Pero dumating si Lara. His eyes were set on her. Nagulat na lamang ako when Tadeo's mom and dad ask for my help para sa nalalapit na kasal noon nina Tadeo at Lara.
I was so angry to the point na gumawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. Good thing i am their wedding planner. I told Lara na may ibang babae si Tadeo at balak nitong umalis patungo sa ibang bansa kasama ang babae sa araw mismo ng kasal nila.
Natakot yata syang maiwanang mag isa at mapahiya sa simbahan kung kaya't ako pa ang hiningan ng tulong nito upang lumayo at magtago kay Tadeo. I acted as her bestfriend para mabilog ang ulo nya.
I was lucky na nung nanganak sya, ako ang naroon sa tabi nya.
Itinakas ko mula sa nursery ng ospital ang isa sa tatlong sanggol at pinalaki ito lingid sa kaalaman ni Lara.
Itinuring kong parang sarili kong anak si Rough.
Tuwang tuwa ako dahil sa nakaganti na ako kina Lara at Tadeo sa pamamagitan ng anak nila.
Pero things changed when she turned 18. Nung nalaman ko ang binalak nilang pagtatanan ng boyfriend nyang si Christopher. Natakot akong iwanan nya. Doon ko na isiniwalat ang tungkol sa pagkatao ng tunay nyang ama. I told her na iniwan kami ni Tadeo para sa ibang pamilya. Marami pa akong kasinungalingang sinabi para lang kamuhian niya ang kanyang ama at hindi na ito hanapin pa.
Nangyari ang inaasahan ko. Naging sunod sunuran si Rough sa mga plano ko.
Until one day.... Dumating ang nakamaskarang ito sa buhay ko. About a year ago. Doon na nya sinimulang kontrolin ang buhay namin ni Rough.
She threatened me. Na sisirain nya ang reputasyong matagal kong binuo. Na mawawala sa akin ang pinaghirapan kong buhay at negosyo.
Huli na ng marealize ko ang mga mistakes ko. Hindi pa pala ako ganun kasama.
Natakot na din ako sa sarili kong buhay at kaligtasan kay hinayaan kong kontrolin ako nito.
But when i saw Daniel sa condo ni Rough doon ako nagkaroon ng pag asa. Maybe Daniel can help our situation. Lalo na kay Rough. Alam kong kahit marunong yun sa martial arts mahina pa din sya at babae.
I did something that could make Rough's life change.
I sent Daniel a letter. Gusto kong pakasalan nya si Rough. So it will be easier for my daughter to fulfill the mission na inaakala nyang ako ang may utos.
Naaawa din ako sa kanya pero wala akong magawa. I was hoping na hindi sya maniwala na si Daniel ang pumatay kay Christopher.
"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko ulit ng hindi sumagot ang nakamaskara.
"Bakit? Kasi gusto ko. Gustong gusto kong nahihirapan ang ibang tao. Doon kasi ako masaya." sagot nito sa akin.
"Bakit sa dinami dami ng tao kami pa? Bakit ako? Bakit si Rough?"
"Dahil kayo! Kayo ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay at pagkatao ko! Kayo ang dahilan kung bakit ako gumaganti." nakita ko ng panlilisik ng mga mata nya na sya ko lamang naaninag sa maskara.
"Sino ka ba talaga?"
"Malalaman mo din in time mo- Jem. Malalaman mo din kung sino ako. Just go on with your acting. Kung hindi? Alam mo na ang mangyayari sayo." tumalikod na ito at akmang aalis.
"Wag na wag kang magkakamaling kalabanin ako Jem. I will be your greatest nightmare kapag nagkataon."
"Opo Big Mommy. Opo."

[Big Mommy]

It has been a year since I crossed Jem's path.
Noon ko pa plinano to. Noong bata pa ako. Binalak ko na talagang gumanti sa kanya, sa pangbabaliwala nya sa akin.
Lucky I am at napasok ako sa mafia na pinamumunuan ko sa ngayon.
Im have dreamt of this. I had dreams of making the biggest revenge of my life... A revenge to my mother.
Yes tama kayo. Jem is my mom. But I had been left alone. She left me behind when Rough came into her life.
She cared for her as if she's her true daughter and not me. She had been obsessed with her own revenge to Tadeo and Lara that she forgot about me and my father.
My father decided that we leave Jem i mean mom's side when I was 3.
*Flashback*
Pumasok si Mommy sa kwarto habang nakaupo ako sa gilid ng kama at pinapanood na nagliligpit ng mga gamit namin si Daddy at inilalagay sa maleta.
"Whats the meaning of this Tom?"
"Aalis na kami Jem. At dadalhin ko ang anak natin. Isasama ko sya sa pag alis ko."
"But why?"
"Dahil wala ka ng panahon para sa amin Jem. Nilamon ka na nga galit mo kay Tadeo."
"Tama ka Tom. Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti. Pero mahal ko kayo Tom. Please dont do this to me."
"Nag iba ka na kasi Jem. Pati sarili mong anak pinapabayaan mo na. Pinapahalagahan mo pa yung anak ng Tadeo na yun!"
"Sshhh. Baka marinig ka ng bata."
"Ah. Ganun? Talaga palang mas mahalaga ang nararamdaman nya ksa sa amin ng sarili mong anak. And for goddamn sake ipinakilala mo pa ako sa kanya bilang kapatid mo at hindi asawa. At itong anak natin? Anak ng katulong? You are really out of your mind Jem. For 3 years na magkakasama tayo sa bahay na ito ginawa mo kaming tau-tauhan sa kwento mo."
"I have to do this. Alam mo naman kung bakit."
"And we have to do this jem. At alam na alam mo din kung bakit."
Kinarga ako ni Dad palabas ng kwarto namin. At palabas ng bahay namin. I saw mom standing on the door pero she never shed a tear, ni hindi nga nya kami hinabol. She was just standing there cross armed at never talaga binalak na sundan kami.
I never saw mom after that. Ni hindi nya ako hinanap. Never nya kaming binalikan ng daddy ko.
I promised myself na balang araw, babalikan ko sya, gagantihan ko sya at ng makita ko ang pag iyak nya, ang mga luha nya na hindi ko miminsang nakita nung nilisan namin ang bahay nya noon.
*End of Flashback*
"Now its time for my revenge Jem. You will hate me for this."
I called my men.
"Bantayan nyo ang bawat kilos ni Jem. And send me footages on Rafaella and Daniel. Sundan nyo kapag lumabas ng bahay. Sundan nyo kahit saan. And evesdrop if ever she went close to her family. Mahirap na kung makapagsumbong yan kay Tadeo."
"Yes Big Mommy."
"Did you wiretapped all their phones?"
"Yes Big Mommy."
"Good."
I turned off my phone and headed out the house.
"We will meet soon Rafaella. I'll make your life a living hell more than you could ever imagine. Hinding hindi ka sasaya. Hinding hindi kayo magiging masaya ni Daniel kailanman. Hahaha."
*Flashback*
....Almost 1 year ago....
Palinga linga ako sa buong kabahayan. Sinigurado kong patay ang lahat ng nagbabantay sa bahay na yun.
"I know where to find you."
Dali dali kong tinakbo ang mababang pader na yun at lumundag papasok.
I fired my gun sa dalawang bantay na nasa may gilid.
Ganun din ang ginawa ko sa iba pang gwardiyang nakita ko.
Patay na bumabagsak sa lupa ang sinumang makita at madaanan ko.
"Lucky me." napangisi ako ng makita kong nakapatay na ang ilaw sa kwarto nya.
Tinalunton ko ang daan papasok dito at nabungaran ko syang natutulog.
"Happy trip Big Mommy." sabi ko sabay saksak sa kanya ng dala kong punyal.
Earlier that night pinadalhan ko sya ng mamahaling alak na alam na alam kong paborito nya.
At tama nga ako. She drank it. Nakita ko pa sa side table ng kama nya. Nilagyan ko ito ng pampatulog para wala ng maging aberya pagdating ng oras ng pagsalakay ko.
"You had trusted me, Big Mommy. But sad to say I'm the traitor. Hahaha"
Nakangisi kong ibinuhos sa katawan nyang duguan ang natitirang alak.
"Baon mo sa impyernong pupuntahan mo Big Mommy."
Kinuha ko ang kapa na palagi nyang sinusuot. Pati ang maskara at katana nya. Tanda na ako na, ako na ang mamamahala sa mafiang pinamumunuan nya.
From then on, I was called Big Mommy. Ako ang pumalit sa position nya.
At piling tauhan lang ang nakakaalam ng nangyari. At kung may nakakadiskobre?
Pinapatay ko at pinapasunod sa Big Mommy nila sa kabilang buhay.
*End of Flashback*
"Its so nice to be called Big Mommy. I love her power over everyone. Ang dali dali ng ginagawa kong paghihiganti dahil dito. Thank you Big Mommy. Rest In Peace. Hahaha."

SMBHBF Book 3: Broken Chorus (A Gangsters' 100 Days Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon