Chapter Three

48 1 0
                                    


THREE

"Sel, can you stop that?" Taka akong napalingon kay Ars. Umirap naman sa hangin si Stef. Napangiti na lang si Miles, kaibigan ni Stef. At si Ace na kataka-takang sumabay sa'min ngayon dahil may mga meeting daw ang mga kaibigan niya.

"Ang tinutukoy niya ay 'yung paglinga mo. Wag mo ng hanapin si Tin. It's been six weeks." Tama si Stef. Hinahanap ko siya. Hindi ko naman pwedeng malimutan na lang 'yon. Kaibigan ko si Tin, matagal na kaming hindi nagkikita at walang closure sa isa't isa. Oo, paulit-ulit na.

"Hindi, ah." I denied. Narinig ko ang buntong hininga ni Miles.

"Sel, araw-araw nauulit 'to. Kaya lagi kang pinapangaralan ng gwapo mong kapatid, eh!" Saway sa'kin ni Miles. Kung 'di lang napalapit sa'kin 'to ay iisipin kong may gusto siya sa kambal ko. Pero tama siya, araw-araw akong ganito.

"Maybe we can do something about that," May ngiting komento ni Ace.

"Ano naman 'yan?" Tanong ni Ars at nagtaas ng kilay. Bakla. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ace. Ay sus wag kang ganyan lakas ng epekto ng ngiti mo!

"Let's hangout!" Masayang sambit niya. Ngumuso ako. Paniguradong ihahatid muna ako ni Chiv sa pupuntahan namin at paniguradong doon niya ri ako susunduin, o kung pu-pwede pa siyang sumama ay sisikapin niya. Tss, nakakatuwa rin naman kahit papaano na may ganoon akong kapatid.

"Wag kang mag-alala! Ako ng bahala kay Chivalry!" Masayang sabi ni Ars na para bang nabasa ang nasa isipan ko.

"Hmm, bakit hindi na lang natin isama?" Nanliit agad ang mata ko kay Miles. Nang napatingin siya sa'kin ay agad siyang nag-iwas. Konti na lang!

"Oo nga, namimiss ko na kayo ni North." Simangot ni Stef. Inirapan ko siya.

"Makapagsalita akala mo kay tagal-tagal ng hindi nagkita!" Totoo naman, araw-araw kaming nagkikita, tuwing summer ay namamasyal kaming magpipinsan.

"Kahit na 'no! Ganon talaga pag sanay ka na, dapat nga kiligin ka pa sa'kin, eh!" Singhal ni Stef. Geez, kakilabot. Narinig kong tumawa si Ace kaya nagngising aso silang lahat.

"Miles, samahan mo naman ako. Manonood ako ng practice ng liga," Sabi ni Stef habang nakangisi. Liga.. Basketball? Nandun si Chiv?

"Talaga? Tara! Nandoon si Chivalry, hindi ba?" Sabi ni Miles at kumislap ang mata.

"Sama ako," Sabi ko at nag-ayos na ng gamit. Sabay silang napatingin sa'kin. "Bakit?" Takang tanong ko.

"Wag na!" Sabay na sabi nila at umiling. Kumunot lalo ang noo ko.

"Hindi ka na kailangan ni Chiv doon!" Sabi ni Stef. Ha? Masama bang panoorin ang kapatid ko?

"Tara, Ars!" Pagyaya ni Miles at agaran namang tumayo si Arsen ng may ngiti sa mukha. Dahil sa gulat ko na ayaw nila akong pasamahin ay napako ako sa kinatatayuan ko.

"Anong problema nila?" Tanong ko sa sarili ko.

Pero nagulat ako nang may sumagot. "Baka gagawa ng paraan si Miles," Napatingin ako kay Ace. Ace? Hala, naiwan kaming dalawa?! Nakalimutan ko!

"S-sa kambal ko?" Sabi ko at dahan-dahang napaupo dahil nangangatog ang tuhod ko sa kaba. Crush lang naman 'di ba? Bakit ganito ang epekto? Dahan-dahan siyang tumango habang nakangiti.

At dahil wala na kaming magagawa ni Ace, naglakad-lakad na lang kami sa Campus ng may kinakaing ice cream. Bumili muna kami bago umalis ng cafeteria kanina. Wrong idea pa ata ito marahil hindi ako makalakad ng maayos sa pangangatog ko.

"Ah, okay ka lang ba, Sel?" Sel na ang ipinatawag ko sa kanya dahil 'yon naman ang tawag sa'kin ng mga malapit sa'kin. Though hindi naman kami ganon kalapin sa isa't isa.

"Hmm, o-oo bakit?" Sagot ko sa kanya. Haluh, sige mautal ka pa.

"Baka napapagod ka na, paika-ika ka maglakad. Masakit ba ang paa mo?" Sabi niya at tinignan ang paa ko. Naka pumps kasi ako ngayon. Hindi naman kami ganon kahirap para magkaroon ng sira-sirang sapatos. Saka mumurahin lang ito kumpara sa gamit ni Stef. Pero syempre, inaambunan niya rin ako minsan lalo na pag birthday ko.

"Ah, oo. Upo muna tayo." Sabi ko at itinuro ang bench. Tumango siya at nagulat ako ng inalalayan niya ako.

"Hubarin mo muna heels mo para mawala 'yung sakit kahit konti." Sabi niya at ngumiti. Napatitig ako sa kanya. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo na sobrang bait pa. Hindi kagaya ng iba, hambog na nga pangit pa. Ang tawag dun, hangit! Hindi kagaya ni Ace, malalim ang mata, makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, mapula ang makapal na labi at parang kutsilyo ang panga dahil humuhugis ito na para bang paghinawakan mo ay masusugat ka.

"W-wag na nakakahiya," Sabi ko at nag-iwas ng tingin nang mapagtanto kong titig na titig ako sa kanya. Bahagya siyang natawa kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Okay lang sa'kin," Sabi niya at ngumiti.

"Hindi rin naman ganon kasakit ang paa ko," Hindi naman talaga. Tumango siya.

"East Damsel. Gandang-ganda ako sa pangalan mo," Aniya at tinitigan ako. Nako po, wag ganito. Para naman siyang isang malaking bangin eh. Pag nahulog ka hindi mo na alam kung saan ka mapupunta... O kung sasaluhin ka ba niya. Haist, ano ba itong pinagsasabi ko?

"Sa katunayan ayoko ng pangalan ko. Parang ewan lang." Sabi ko at tinignan ang langit.

"Parang ewan? Ang unique nga ng pangalan mo!" Sabi niya na para bang bilib na bilib. Umiling na lang ako. Nahihirapan kasi akong huminga. Nanatili akong tahimik. May kailangan ba akong sabihin? Ano ba ang dapat ginagawa kapag katabi mo ang crush mo? Ayoko naman na pagsisihan na lang 'to!

"Uhm, hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo? Okay lang naman ako dito o kaya susunod na lang ako kina Stef." Sabi ko at nginitian siya. Sa katunayan ay gusto ko lang ang pakiramdam na piliin niya ako. Kahit syempre, hindi naman talaga. Ganon naman talaga pag may gusto ka 'di ba? Gusto mong maniwala sa isang bagay na alam mong hindi naman talaga.

"Hmm, nagpaalam na kasi ako sa kanila. Saka alam kong gagabihin sila at mamasyal pa tayo hindi ba?" See? Masaya ako kahit na alam kong sumama lang siya dahil busy ang mga kaibigan niya. Pero ewan ko, para akong lumulutang sa ere sa saya.

Tumango ako at tumayo. "Puntahan na natin sila ng hindi tayo mabagot dito," Sabi ko at iginaka ang paningin sa paligid. Tumayo na rin siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon.

"Hindi naman ako nababagot na kasama kita," O-okay.

Sabay naming iginala ang paningin namin sa court upang hanapin sila Stef. Hindi ko naman akalain na ang dami pa lang nanonood sa training nila Chiv.

"Ayun na sila!" Sabi ni Ace at itinuro sila Stef na kumakaway. Agad kaming lumapit kahit na pahirapan. Ang daming fangirls ng kapatid ko! Sorry na lang at wala siyang paki sa inyo.

"Hi, East!" Sabi ng isang lalaki habang naglalakad ako sa may pwesto nila kaya napahinto ako. Pero bago ako sumagot ay iginaya ako ni Ace para magpatuloy sa paglalakad. Uhm, what was that?

Nang makarating kami kila Miles ay lumulutang pa rin ako. Si Ace na ang kumausap sa kanila.

Ayaw kong umasa. Hindi ako aasa. Pero ba't ganito? Kinikilig ako?

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon