THIRTY FIVE
Kinaumagahan ay nag-almusal kami sa buffet ng sabay-sabay. Hindi pa ako makakasabay kung hindi ako ginising nina Rosie. It's still eight in the morning ngunit bihis na kami ng pang-swimming. Tanging suot ko lamang ay isang puti na see-through cardigan at ang bikini sa loob. Yes, I learned to wear bikini at London. But unlike normal bikinis, mine was strapless top at mini-skirt. Pastel blue ang kulay nito kaya naman ay nagliwanag ito sa kutis ko.
Nakapila kami sa buffet habang si Arsen ay hindi mai-alis ang titig sa'kin at halos naiilang na akong gumalaw.
"Who told you to wear those kind of clothes?" Bulong niya sa'kin. Halos mangilaboy ako sa kanyang boses.
"Uhm, does it look bad?" Tanong ko at ngumiwi. Tumingin ako sa kanya nang hindi siya sumagot. Only to see na nakatingin siya sa malayo kaya naisip kong baka hindi niya narinig ang sagot ko.
Matapos kong kumuha ng pagkain ay agad itong inagaw ni Ars sa aking kamay at pinaalis ako sa pila. Agad na kumunot ang noo ko ngunit hindi na muling nagtanong nang makita ang iritado niyang mukha.
"Good morning," Bati ni Ace na mukhang bagong ligo lamang dahil sa kanyang basa at magulong buhok.
"Magandang umaga," Sagot ko at ngumiti.
"Wow, look at this foreign girl speaking our native language." Komento ni Angelie. Natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi ko naman nakalimutan ang pinagmulan ko," Sabi ko at tumawa. Umiling-iling na lamang siya.
"Of course, the witty girl." Bulong niya sa sarili at inabala ang sarili sa pagkain.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Ace. Ininaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Hindi, pero..." Hindi ko mai-deretso na si Arsen ang may dala ng pagkain ko gayong normal naman ito dati dahil magkaibigan kami pero iba na kasi ngayon.
"Here's your food, Queen." Masiglang utas ni Arsen at inilapag ang plate ko sa hapag. Agad na nandilat ang mata ko at napa-lingon kay Ace. Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ang reaksyon niya. At ano ang tinawag sa'kin ni Ace?
"Sandali lang, kukuha lamang ako ng pagkain." Pagpapaalam ni Ace na tinanguan ko na lamang. Hinagod ko ang paningin ko sa mga kasama namin na pinapanood pala kami. Sixteen lamang kami dahil hindi nakasama ang iba. Sa isang suite ay apat ang nanunuluyan at sina Rosie ang nakasama ko.
Tahimik kaming kumakain ngunit itong si Arsen ay hindi tumitigil.
"Sel, you should eat more." Aniya at naglapag ng panibagong pagkain sa playo ko kahit na halos masuka na ako sa sobrang busog. Tinitignan na rin kami ng mga kaklase na'ming malalagkit na ang tingin.
"Ars, I'm already full." Sambit ko na ikinibit-balikat lamang niya. I let out a heavy sigh.
Matapos namin kumain ay dumiretso agad kami sa beach. Nagtatakbo sina Angelie na animo'y ngayon lamang nakatapak sa buhangin habang ako'y naglalakad nang may aviators marahil ay mataas na ang sikat ng araw kahit nine pa lang. Si Arsen ay naka-upo sa bench sa hindi kalayuan at... Hindi ako sigurado pero parang nakatingin siya sa akin.
"Let's go, Sel!" Sabi ni Rosie kasama si Angelie at hinila ako samantalang si Lizzy ay kinalas na ang cardigan ko. Nahagip ng mata ko ang pagtayo ni Ars sa gilid. Nagpadala ako kina Lizzy sa dagat at nagtampisaw kami. Hindi kalaunan ay nabasa namin ang boys kaya nakisama sila. Natapunan ako ni Ace sa mukha ng tubig kaya agd ko siyang binawian at humagalpak ng tawa. Nagtakbuhan kami habang nagbabasaan. This feels good. Pakiramdam ko ay nakawala ako sa hawla.
Ngunit ang ngiti ko ay napawi nang pagtalikod ko ay ang nabasa ko si Ars na at hindi si Ace. Nasa likod ni Ars si Ace ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang galit na tingin ni Ars.
"I'm sorry," Bulong ko, naguilty ako dahil hindi ko naman alam na si Ars ang nandoon. Ngunit nagulat ako nang basain niya rin ako at halos marinig ng lahat ang lakas ng tawa ko nang makitang mukhang bata si Ars sa kanyang ginawa. Naghabulan rin kaming dalawa ngunit sumisid na ako para makawala sa tubig na tinatapon niya. Nagulat ako nang sabayan niya ako sa pagsisid kaya napagdesisyonan ko ng tumuloy sa malalim.
Nakikita ko na ang mga korales sa ilalim nang biglang hilahin ako ni Ars paahon.
"Don't go too far!" Singhal niya sa'kin. Kumunot ang noo ko.
"Bakit hindi? Ang ganda sa ilalim," Sabi ko at nangiti pa ngunit nag-alab ang kanyang mga mata.
"What if maubusan ka ng hininga? O pulikatin? I'm worried, Sel!" Singhal niya sa'kin. Napangiwi ako sa narinig.
"Ars, lumalangoy ako ng mas malalim sa London." Sambit ko.
"I don't care!" Singhal niya. Napanguso ako. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. "Fine! Lumangoy ka sa mas malalim kung gusto mo! Sasamahan na lang kita," Aniya na parang nagtatampo. Napangiti ako. Minsan na lamang ako sa Pilipinas kaya gusto ko itong makita.
Agad akong nagpatuloy sa paglangoy hanggang sa maabot ko ang mga korales. Gustong-gusto ko ang itsura niyo at naaliw talaga ako. Umahin na ako para kumuha ng hangin at agad namang sumunod si Ars.
"Isn't it beautiful?" Masiglang tanong ko. "Kaya gusto ko dito sa Pilipinas, eh!" Dagdag ko pa. Nahagip ng paningin ko sina Lizzy kaya kumaway ako.
"Your skirt are too short," Biglang utas ni Ars kaya napatigil ako sa pagkaway. Bakit ngayon niya pa naisipang sabihin? Nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi.
"Ganito lang kasi ang mga swimsuit ko," Pagpapaliwanag ko at ngumuso.
"Alright, then. Basta't wag ka ng aahon ng tubig pag may tao. At, dito lang tayo, malayo sa mga kaklase na'tin." Aniya na ipinagtaka ko.
"Bakit? Andito tayo para sa kanila," Sambit ko ngunit nilagay lamang niya ang index finger sa labi ko. Naramdaman ko ang mabilis na kalabog ng puso ko. Kung nakakapagsalita lamang ito ay tinanong ko na siya kung ano ang problema niya.
Nag-floating na lamang kaming dalawa ni Ars at nagpadala sa tahimik na alon ng dagat. Makulimlim naman kaya hindi masakit sa balat.
"How's your life in London?" Biglaang tanong niya.
"Blast. I have so much memories there," Sambit ko habang tinitignan ang maliwanag na langit ngunit bigla na lamang may humila sa paanan ko dahilan para mapatili ako ngunit narinig ko ang mga tawanan ng kaibigan namin.
"Hindi man lang kayo nag-aaya! Maganda daw sa malalim na parte ng dagat! Tara?" Aya ng isang kaklase.
"Napuntahan na namin," Sagot ni Ars. Pero kahit na sumagot na siya ay hinila ako nila Lizzy pasisid muli sa ilalim ng dagat. Sinabayan namin ang mga isda sumisid at kahit nasa ilalim ng tubig, bakas sa mga mukha nila ang saya.
Umahon kami nang magutom. Hindi ko na kailangan pang kumilos marahil ay nagpresinta na ang mga lalaki na kukuhaan nila kami. Ngunit sabay na naglapag ng plato si Ars at Ace sa harap ko kaya naman natulala ako doon.
"Ah, maraming salamat! Kakainin ko itong lahat," I said before I let out an awkward laugh. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ars at ang pagtaas ng kilay ni Ace kaya kumin na ako. Ngunit habang nhumunguya ako ay lumipad sa mukha ko ang isang malambot na tela.
"Wear that," Sabi ni Ars. Mukha itong iritado at bigla na lamang akong tinalikuran. Nagtataka kong tinignan ang hinagis niya sa'kin. Puting robe pala ito na hanggang lagpas tuhod ko.
"Hay, bantay-sarado." Rinig kong sambit ng isa kong kaklase. Hindi ko malaman kung para saan ito but I guess, it's none of my business.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...