THIRTY ONE
"Are you ready?" Tanong ni Chiv na nakahawak sa malaking pinto ng entrance. Nakarating na kami sa venue at sobrang late ko na. Dito rin ang kauna-unahang pagtu-tugtugan ko ng lyre at piano naman ang nay Chiv.
Tumango ako at binuksan na niya ang malaking double doors. Nilahad niya ang kanyang braso at agad ko namNg sinukbit ang kamay ko doon. Tila open floor na ata nang dumating kami dahil sumalubong samin ang liwanag at ang dagat ng mga taong nagsa-sayawan na sa buong venue. Ngunit lahat sila ay napa-tigil at nalipat ang mga tingin sa'ming dahan-dahang naglalakad sa red carpet. Na sakto namang nagpalit na ng tugtog. Walang nakaka-kilala sa'min sapagkat isa itong masquerade ball.
Habang naglalakad kami sa gitna ay may sumalubong samin na lalaki at lumuhod sa aking harapan. May kung anong mali akong naramdaman at natitiyak kong hindi kilig 'yon.
"May I have this dance with you?" Halos magsi-tayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya. Ang lakas rin ng kalampog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Tumingin ako kay Chiv para magpaalam. Una, dahil siya ang escort ko dito at pangalawa, dahil ayaw niyang may umaaligid sa'kin. Ngunit pumayag siya at sinabing ingatan ako. Ako na ata ang pinaka-swerteng babae dahil meron akong kambal na gaya niya.
Tahimik lamang kaming sumusunod sa agos ng musika subalit sobrang lakas ng kabog ng puso ko at halu-halo ang nararamdaman ko dahil lang sa isang kasayaw ko. Pero hindi ito naging alintana upang matuwa ako sa pagsayaw na'min. Magaling siyang sumayaw at nakasa-sabay kasi sa musika kahit na ang gown ko ay nagpapadagdag hirap sa pagsayaw namin.
Ngunit hindi nagtagal ay saka ko lamang napagtanto kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit ganito ako sa kasayaw ko. Marahil lumipat sa pangalawang kanta ay nagsalita na siya at sinabi ang lahat sa'kin. Sinabi niya ang mga bagay na hindi ko nalaman at iniwan ko na lang. Sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko ng marinig ko 'yon. Ramdam ko ang lungkot at pighati sa bawat salitang binibitawan niya. I did hurt him so much, didn't I? I'm so stupid. Hindi ko gustong nasasaktan siya ng ganito pero ngayon, ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
He could have told me earlier! Sana ay hindi ko siya nasasaktan. Sana ay nag-ingat ako sa kilos at salitang bini-bitawan ko dati para hindi siya nasasaktan araw-araw. What did I do? Anong ginawa ko para masaktan siya ng gano'n? Sino ba ako para bigyan siya ng sakit?
Kahit ngayon lang ulit kami nagkita ay pakiramdam ko lahat ng sakit na naramdaman niya ay nararamdaman ko rin. Kaso kahit anong sakit ang maramdaman ko ay hindi nito matatapatan ang kanya. Bakit? Bakit siya nagtiis ng gano'n katagal?
Ang dami konggustong sabihin, itanong at magpaliwanag ngunit wala ni salita ang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko lamang marinig ang boses niyang matagal ko ng hindi narinig. It's been decade mula nang magkita kami. At hindi ko maisip na nasasaktan ko siya lagpas pa ng isang dekada. I feel so ruthless. Pakiramdam ko ay hindi ako nararapat na maging kaibigan niya.
Hindi ko malaman pero kahit naka-maskara pa ang tao sa harap ko ay kilala ko na ito. Una pa lang, alam ko na. Kaya gano'n na lamang ang reaksyon ko kasi itong taong 'to, ay matagal ko ng kilala at matagal ko ng iniwan. Ngunit kahit ganon ay hinintay ko ang oras upang magtanggal ng maskara. Dahil hindi na ako makapaghintay na makita ang kanyang mukha na halos mabura na sa aking isipan. Dahil hindi ako makapaghintay na siguraduhin na siya talaga ang taong tinulungan akong makabangon dati. How could I be so selfish? Nasasaktan ako kasi nasaktan at patuloy ko siyang nasasaktan.
"Arsen..." Bulong ko nang matanggal ko ang maskara niya. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko nang sabihin ko 'yon. Siya naman ang nag-alis ng maskara ko at hinalikan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak. Kumirot ang puso ko sa ginawa niya. Sinaktan ko siya but then he didn't yell on me. Instead, nanatili ang pagiging sweet niya sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3613048-288-k647618.jpg)
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
Roman d'amourI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...