Chapter Twenty Six

8 0 0
                                    

TWENTY SIX

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa malambot na kama kaya napagtanto kong nasa hotel na kami. Lumabas ako ng kwarto ko at nadatnan ang kambal kong nag-aayos ng hapag at may suot ng apron.

"Good morning, mademoiselle!" Masiglang bati niya at hinila ang isang upuan, "Red velvet waffles with strawberry toppings and coffee latté especially made for a princess," Aniya habang nakangiti. Jesus, my twin deserves a sweet and tender-loving wife.

"Wow," Komento ko at naupo. Agad kong tinikman ang luto niya at napangiti na lamang ako. Kanino pa ba magmamana ito?

"How is it?" Tanong niya. Sumimangot ako.

"I think we should eat outside," Nakangiwing wika ko. Kumunot ang noo niya at tinikman ang niluto niya. I laughed. "Kidding, pwede ka na maging chef! Approve," Ani ko at nagthumbs up pa.

"Tss, I thought hindi ko malalampasan ang luto ng kambal ko." Utas niya. Tumawa akong muli.

"Hindi naman talaga, pero pwede na 'to. Kahit papaano." Sagot ko at tinawanan siya.

Pagkatapos kumain ay naligo na kami para sa bagong adventure na naman. Excited ako kasi papasyal muna kami ni North. Medyo tinanghali ako ng gising ngayon sa sobrang pagod kahapon. Idagdag mo pa na hindi ako gaano makalakad. Ang trip naman namin ngayon ay sa Museé Rodin.

Pagdating na'min do'n ay halos maging model ako sa kakapicture namin ni Chiv sa garden. Sobrang nakaka-relax dito. Kung pwede lang ay dito na kami manatili para manatiling kalmado ang mundo ko. May malaking kastilyo ito na napalilibutan ng mga halaman at bulaklak. Sa harap nito ay isang malaking pond. Napakalinis tignan nito kumpara sa mga nakikita ko dati. Tila ang ligar na ito ay alagang-alaga.

"Ang ganda ng mga bulaklak!" Sambit ko habang tumatakbo at pinapadausdos ang dulo ng mga daliri ko sa mga bulaklak. I couldn't just pick them. Pag binunot ko sila ay hindi naman mananatili ang kagandahan nila. Marami ring sculptures sa labas at loob ng mansion. Ngunit mas nakapupukaw talaga ang pansin ng mga nakahugis na halaman. Pakiramdam ko ay isa akong diwata sa hardin na ito. Hindi naman masamang mangarap kahit sandali lamang.

Mamaya pang alas singko ang oras ko sa modeling kaya naglibot pa kami ni Chiv. Habang naglalakad ay nagpahili ako kay Chiv at nagtago sa malaking grass wall.

"East?" Rinig kong tawag niya sa'kin. Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nasaksihan kung paano mag-alala ang kambal ko sa'kin. Sa pagkatulala ko ay hindi ko napansing papalapit na siya sa'kin. "What the hell are you doing there? Nag-alala ako sa'yo!" Singhal niya sa'kin.

"You're overreacting, Chiv. Andito lang naman ako, nasa iisang lugar lang tayo." Naka-ngiting sambit ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"I promised to protect you! Paano kung may mang-kidnap sa'yo dito? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari 'yon," Pangaral niya sa'kin.

"Ssh, alam mo para kumalma ka? Kain tayong cake sa malapit na cafe dito!" Sabi ko at hinila siya. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa'kin.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko habang pinapanood siyang naka-ngiting nagba-browse sa DLSR niya.

"Aalis na tayo? We can go to Parc Monceau," Aniya. Tumangu-tango ako.

"Tara na!" Utas ko at hinila siya. Sumakay muli kami ng cab at kagaya ng pagtapak ko sa Paris, napanganga na naman ako. Ang handa ng tanawin dito!

"Maybe you can wear this," Napa-lingon ako kay Chiv na may hawak na paper bag. Kanina pa ako nagtataka kung ano 'yong mga dala niya pero hini siya umiimik.

"Okay naman ang suot ko, ah?" Tanong ko.

"Just... May ni-request lang si Lolo sa'kin. Off you go," Wika niya at tinulak ako sa malapit na comfort room. Pagpasok ko dala ang paper bag ay nagtaka ako sa damit. Isa itong makalimang bistida pero hindi ko maipagkakaila na maganda ito. Nagbihis na ako at lumabas ng comfort room kaya lang paglabas ko ay agad akong sinalubong ng flash ng camera. Napa-lingon ako kay Chiv na naka-ngiti habang tinitignan ang kuha niya sa'kin.

"You just look like our grandmother," Sambit niya at tumawa. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya. May inilabas siyang photo at itinapat doon ang kuha niya sa'kin. Natawa siya samantalang ako ay nagulat.

"I-is that Lola?!" Gulat na utas ko.

"No, that's you." Aniya at tumawa. Bahagya kong pinalo ang braso niya. Naglakad kami at nilibot ang parke. May dala siyang mga pictures ni Lola na ginagaya namin. Tulad noong sa bridge, may litrato si Lola na naglalakad sa bridge habang nakangiti. Totoo ngang magkamukha kami noong kabataan niya pa. Sumakay tin ksmi ni Chiv doon sa carousel na sa mismong pwedto ni Lola. Kinuhaan din ako ng litrato ni Chiv sa Corinthian columns na puno ng mga bulaklak. May iba na ring kumukuha ng litrato sa'kin kaya tumigil si Chiv at lumapit sa'kin saka ako inakbayan paalis. Napangiti na lamang ako sa ginawa niya. Naupo kami sa bench na inupuan nila Lola dati. Dito pala sila nagkakilala ni Lolo.

"Dati ay kumukuha ng litrato si Lolo nang lumabas si Lola sa comfort room kaya kinuhaan niya ito ng litrato pero nakita siya ni Lola kaya kinausap na siya ni Lolo." Paglahad ni Chib ng pangyayari habang naglalakad kami sa may Jardin du Luxembourg. "Nagpanggap pa si Lolo no'n na photographer siya at kung pwede bang gawing model si Lola," Dagdag pa niya at natawa. Natawa na rin ako dahil naisip kong ginagawa ni Lolo 'yon.

"Buti pumayag si Lola?" Tanong ko na ipinagkibit balikat lamang niya. Pagkatapos na'min mag-ikot ay lumipat na kami sa lugar kung saan ako nagworkshop for modeling. Sakto at habang naglalakad kami ay nakarinig ako ng tunog ng harp. Hinanap ko kung saan galing 'yon at nakita ang isang lalaki na tumutugtog nito.

"Parang... Parang gusto ko rin pag-aralan 'yon," Utas ko habang pinapanood ang matipunong lalaking may kulay gold na buhok tulad ng harp na gamit niya.

"Well, you are here to find a hobby. You can try," Ani Chiv. Tumango ako at lumapit sa shop na may workshop rin naman. Nakita ko na lumingon sa'kin sandali ang lalaki. Bagay sa kanya ang pagtugtog niya ng harp. Masarap pa itong pakinggan. Nagschedule na lamang kami ni Chiv marahil ay malapit na ang modeling class ko. Bago umalis ay pinapili muna ako ng instructor ng gagamitin kong harp. Hindi ako maka-pili sapagkat wala naman akong alam sa mga instruments. Pero nagulat ako nang may tumapat na wooden harp sa harap ko.

"Excuse me?" Tanong ko kay kuyang may golden hair. Maitsura siya, halatang may lahi, buhok pa lang, eh. Ocean green ang kulay ng mga mata niya, sobrang tangos ng ilong niya, at mapula ang mga labi niya. 'Yong noo niya kanina pa nakakunot.

"I'm just helping you," Aniya at tinalikuran ako. Sungit! Pero napangiti ako kasi at least, tinulungan niya ako.

"I'll get this," Sambit ko sa instructor at lumapit kay kuyang may golden hair. Si Chiv ang may hawak ng pera na'min kaya hindi na ako nag-abala pa. "Thank you, muchas gracias!" Sambit ko nang makalapit ako kay kuya golden hair. Nagulat ako ng tumawa siya. Aba'y tao pala ito? Biro lang ang gwapo niya kasi tignan.

"Walang anuman," Sagot niya na ikinagulat ko. Medyo hirap pa siya nang sabihin 'yon pero at least. Magsasalita pa sana ako nang tawagin ako ni Chiv.

"Damsel, let's go! You'll be late in your class," Ani ng kambal ko. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa kambal ko at kay kuyang golden hair.

"Ah, see you!" Tanging sabi ko at tumakbo papunta kay Chiv. Pinagsisisihan kong ginawa ko 'yon dahil hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

Dumiretso kami sa workshop at as usual, nahirapan na naman ako pero this time, medyo nakakasunod na ako. Nae-enjoy ko na rin ang high heels kahit hindi ako sanay sa ganito kataas. Medyo nakakapagod kasi pabalik-balik kaming naglalakad at kailangan ay tindig na tindig pa sa pagtayo. Inaral din naming lakarin ang iba't ibang klase ng heels and hopefully, natuto ako.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon