Chapter Eleven

27 0 0
                                    

ELEVEN

"Eat, Damsel." Ani Chiv nang mapansing hindi ako kumakain. Nagdinner kami ngayon kasama ang buong pamilya, pero nasa kabilang table sina Mama at Papa. Pinagsabihan ako ni Chiv nang makitang umiiyak ako dahil hindi ko rin naman maitatago sa kanya ang kagagahang ginawa ko. Ano ba kasing naisip ko? Pinunasan ko muli ang tumulong luha sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Chiv.

"Stop crying! That asshole, humanda siya sa'kin bukas." Giit ni Chiv. Tinignan ko siya at umiling.

"Don't, it's my fault, Chiv." My voice cracked. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak ngayon, eh. Hindi ko naman talaga ine-expect na may gusto rin siya sa'kin. Pero ang sakit pala. Ahit sinabi lang niya ang totoo ang sakit pala talaga. Pinag-isipan ko naman ng maigi 'yon, eh. Kaso lang hindi ko alam na ganito ang kalalabasan. Bumuntong-hininga muli si Chiv. Hindi siya mapakali dahil sa'kin.

"Damn, it's Valentine's day now. And what? You're crying?! I don't like seeing you like that! Kahit pa na ikaw ang may kasalanan! Hindi ko makayanang nakikitang umiiyak ka," Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Nakakatuwa kasi na nag-aalala siya para sa'kin. "Darn it, Sel. Kumain ka muna and I'll make you happy," Utas niya. Sinunod ko siya at kumain na ako. Nang matapos na kami ay namasyal sina Mama. Humiwalay kami ni Chiv at nagpaalam na susunod na lang kami sa bahay. Hindi ko alam ang binabalak na gawin ni North pero sumama na lang ako. Sumakay kami ng taxi at hindi ko alam kung saan siya kukuha ng pambayad pero libre niya daw, kahit na nakulungkot ako, hindi ako tumatanggi ng libre. Tulala lang ako habang naka-tingin sa bintana ng kotse. Maigi at tumigil na ako sa pag-iyak kasi nakakatakot 'tong kambal ko.

Yeah, Happy Valentines, Damsel.

Bumaba na kami ng taxi at hindi ko namalayan ang takbo ng oras dahil sa malalim kong pag-iisip. Agad namang tinakpan ni Chiv ang mga mata ko pagkababa.

"North, 'wag mo ng takpan ang mata ko, hindi ako makakita." Sambit ko.

"Malamang tinatakpan ko nga, dahan-dahan ka, malapit na tayo." Silly, Chivalry. Inalalayan niya ako sa paglalakad, naka-heels ako ngayon kaya mas nahihirapan ako sa paglalakad ko. Ano ba ito, North. "Open your eyes," Aniya at tinanggal ang magkabilang palad sa mga mata ko.

"Joke ba 'to?" Pagbiro ko ngunit hindi ako tumawa. Siya kasi ang bumungad sa'kin.

"Saltik," Komento niya at pinitik ang noo ko. Napanguso ako. Alam niyo ba, alam niyo ba na ang sakit mamitik ng mga lalaki? Tss. Dahan-dahan niya akong inikot at napa-nganga ako sa nakita ko. Para akong namanhid. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Papatayin mo ba ako, Chivalry?!" Singhal ko sa kanya. Paano ba naman kasi nasa cliff kami ng bangin. Ni hindi ko alam kung saan 'to. Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa beywang ko para protektahan ako.

"Nope, I'm not going to let you die sad." Napangiti naman ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "See that? Ang ganda 'di ba? Like you. Didn't you know that pretty things shouldn't be wasted?... So, don't waste your time over that guy. Hahanap tayo, 'yung mas karapat-dapat sa'yo, okay?" Tinignan ko ang paligid. Ang ganda nga.kita ang buong city dito na nagmukhang painting. Samahan mo pa ng langit na puno ng mga bituin na walang kupas sa kakakislap.

"Tama ka," Sagot ko sa kanya.

"East, maraming mas magagandang bagay dyan. Focus your attention on it, darating rin ang tamang oras para sa'yo. 'Wag ka magmadali," Tama siya, pero mas napapa-bilib ako dahil ang dami na niyang sinasabi. Ganito siya palagi kapag malungkot ako. Dumadaldal para sa'kin, kaya hindi ko maiwasang matuwa.

"I'm sorry, North." Bulong ko.

"Forget about it, East. This is such a good day to be ruined. Just enjoy, Happy Valentines, princess." Napa-ngiti ako at pinagmasdan ang paligid. Namamangha talaga ako sa sobrang ganda.

"Thank you, North. Happy valentines, my prince." Hinalikan niya ang buhok ko at huminga ng malalim. Nagtaka naman ako. Lumuwag na ang pakiramdam ko, siya na ba ang may problema ngayon?

"Sel, nangangalay na ako. Let's sit please," Aniya. Humagalpak ako. My brother is so adorable!

"Okay, sure." Sagot ko habang naka-ngiti. Inalalayan niya ako sa pag-upo at naupo naman siya sa likod ko.

"Much better," Komento niya. Nilingon ko siya at nginitian.

"Feel good?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, with your smile." Aniya. Asus! Ito talagang kapatid ko.

"Wag ka muna mag-girlfriend, ah?" Utas ko habang naka-tingin pa rin sa paligid. Lumakas ang hangin kaya inilagay ni Chiv sa balikat ko 'yong suit na suot niya.

"Yeah, until you got a boyfriend." Sagot niya. Tumawa ako.

"Pwede ka naman mag-girlfriend, 'wag mo lang akong kakalimutan." Biro ko at tumawa.

"Messy mess, East. Besides, I'm not going to forget about you kahit magka-alzheimer pa ako." Aniya habang naka-ngiti.

"Asuuus! Sweet ng kapatid ko baka antikin tayo dito," Sabi ko at humagalpak ng tawa. Natawa na rin siya. Hays, ganda talaga sa pakiramdam kapag may nagmamahal sa'yo. So, bakit ko nga naman ba sasayangin 'yong oras ko sa taong hindi ako gusto?

"Damsel, don't be sad, again." Bulong ng kambal ko. Nagtaka ako.

"That's normal," Sambit ko.

"Kahit na, nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan ang kapatid ko." Aww, sweet. Naiisip ko tuloy kung ganito rin siya sa magiging girlfriend niya, humanda sa'kin 'yong babae pag sinaktan niya si North!

"Sayaw tayo?" Anyaya ko sa kanya at tumayo.

"Sht, dahan-dahan ka lang! Ayokong mawalan ng kapatid," Aniya at tumayo na rin. Ngumuso ako.

"Ang layu-layo na'tin sa bangin, eh." Sabi ko at tinignan ang isang metrong pagitan na'min sa cliff. Kinuha ko ang phone ko sa purse at nagpatugtong ng "Only You" luma na 'yung kanta pero nag-eenjoy kami dito ni North noong bata kami. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at siya naman sa beywang ko. Nagsway-sway kami at nagtawanan nang inikot-inot niya ako. Kung anu-ano ang pinagsasayaw na'min pero tuwang-tuwa kami.

Salamat, North! Hindi tuluyang nasira ang Valentines ko.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon