Chapter Thirty Three

8 0 0
                                    

THIRTY THREE

Kinabukasan ay sinundo ako ni Ars ng tanghali sa mansion. Nagkaroon daw kasi ng re-union ang batch namin ngayong nakabalik na ako. Nagsuot ako ng simpleng jumper na may puting shirt sa loob at pinartneran ko ng sneakers na puti. Tinali ko ang buhok kong natural na may kulot sa dulo at saka bumaba at sinalubong si Ars na naghihintay sa sala namin.

"Nakakapanibago ka," Utas niya nang makita ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa. I shrugged. 

"I learned in Paris that fashion should be played well," Sagot ko at umikot.

"At least I love the way you changed," Aniya at tumayo na. "Let's go?" Wika niya. Tumango ako at naunang maglakad subalit nahagip ng mata ko ang kambal ko.

"Take care of her," Ang laging linya niya tuwing iba ang kasama ko.

"Surely will," Ang lagi namang sagot ni Ars. I sighed at lumapit kay Chiv upang humalik sa kanyang pisngi.

"Bye!" Sambit ko at naglakad na palabas ng mansion.

"Damn, I must be crazy to even get jealous of your brother." Bulong sa'kin ni Ars. Napa-lingon ako sa kanya at umiling. "I think you should wear ragged clothes instead of those," Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why?" Tanong ko.

"You'll probably still look hot even with ragged clothes." Utas niya.

"What are you talking about?" Tanong ko at pumasok sa mazda niyang latest nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Pinanood ko siyang maglakad papunta sa drivers seat at inabangan ang pagsakay niya.

"Nothing, you just look like a goddess. 'Yon ang problema ko sa'yo, dati pa." Sagot niya na ikina-ngiwi ko.

"If you are trying to get me by those 'sweet' lines then---" Hindi niya na ako pinatapos pa sa pagsasalita at agad na sumabat.

"I'm trying to get you by truth, Sel." Aniya at nagdrive. Ngumiti na lamang ako at umiling.

Hindi nagtagal ay dumating kami sa rendezvous na'min sa isang coffee shop. Nakita ko agad ang mga pamilyar na mukha, pati na rin si Ace. Ang huling pag-uusap lang na'min ay 'yong sa pool, ten years ago. Pakiramdam ko ay maayos naman na siguro kami.

Nagkakasiyahan sila nang dumating kami ni Ars. I guess we are late.

"Damsel!" Tawag sa'kin ng isang kaklase nang makita kami ni Ars. Nakipag-high five ako sa mga kalalakihan at beso naman sa kababaihan.

"Kumusta ka na?" Tanong ng isa naming kaklase. Ngumiti ako at uupo na sana sa tabi ni Ace dahil 'yon na lamang at ang sa tabi ng isang kaklase ang available na pwesto pero agad akong inunahan ni Ars. Kumunot ang noo ko ngunit lumipat na lamang ako sa kabilang bakanteng upuan habang sinasagot ang tanong ng dating kaklase.

"Maayos naman," Sagot ko at bahagyang natawa dahil hindi ko talaga alam ang hinahanap niyang sagot.

"Balita ko galing kang ibang bansa?" Tanong naman ng kaklase na'ming si Lizzy.

"Oo, kauuwi ko lang nitong nakaraang araw." Sagot kong muli at ngumiti.

"So, kumusta naman do'n? Hmm, nagkaroon ka ba ng boyfriend doon?" Panunuya sa'kin ng kaklase kong lalaki. Naramdaman ko ang mga titig nila, pati na rin si Ars na tila hini-hintay ang sagot ko at malalim ang tingin sa'kin. Umiling-iling ako.

"Masyado akong naging abala, para do'n." Tanging sagot ko na lamang. Nagtanong pa sila ng kung anu-ano at nagkwento kung gaano raw nila ako na-miss. Nangamusta rin ako sa kanila at nalamang successful na ang iba, 'yong iba ay may pamilya na o may plano ng magpakasal. Hindi ko alam kung huli lang ako o masyado silang maaga but I knew, there is no exact time for this.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon