Chapter Thirty

9 0 0
                                    

THIRTY

Ilang taon na muli ang nakalipas at mas lalo kaming hindi naging maigi ni Lola. But I already accepted that thought. Subalit mas lumubha rin ang karamdaman ni Lola habang tumatagal. Nananalangin ako na kahit hindi na kami magka-ayos pang muli, basta't maging maayos lang ang kalagayan niya ay sapat na sa'kin.

Dumating ang taon na inanusyo niyang babalik kami ng Pilipinas para sa isang business party na aming dadaluhan. Halu-halo ang naging emosyon ko. Philippines sounded so alien to me. May kakaiba akong nararamdaman sa tuwing naririnig ko 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko malaman kung dahil ba 'yon sa kaba o sa excitement.

Marami rin ang pumasok sa isipan ko. Tulad ng makikita ko ba si Arsen? Ano ang magiging reaksyon niya? Pati na ang mga kaibigan ko? Kumusta na si Ace? Kung nagkaroon na ba ng mamahalin habang buhay at malamang, meron na. I am now twenty eight years old. I graduated at meron na rin akong license sa pagiging doctor. I got so busy back then na halos kalimutan ko na ang lahat, pati na ang sarili ko. Gaya nga ng sinabi noon ni Lola.

"You were so busy making yourself successful but then you forgot to give yourself some time to have fun and to love," Aniya. Tumawa ako sa kanyang sinabi.

"La, dito po ako masaya. Isa pa, love will find its way to me. Mahaba pa ang buhay, magkakaroon din po ako niyan." Sagot ko naman.

"Nasasabi mo lang 'yan ngayon kasi wala pa. Pero pag nagkaroon na, masasabi mo na lang na kulang na kulang at napaka-ikli ng oras." Wika niya. Ngumiti na lamang ako dahil alam ko namang tama si Lola.

"Hayaan mo muna ang apo na'tin, kung dyan siya masaya, eh maging masaya na lang rin tayo para sa kanya." Biglang sabi ni Lolo. "Tignan mo itong si Orly, may dalang girlfriend noong nakaraan." Nanlaki ang mata ko sa narinig kay Lolo.

"Talaga po?" Gulat kong tanong. Tumawa lamang si Lolo, "Ano pong pangalan?" Tanong kong muli.

"Hmm, I can barely remember him calling her... Miles?" Agad akong natawa sa narinig ko. I knew it! Pero nangako siyang ako ang unang makakaalam! How come it's Lolo who first knew?

"Asan po si Orly, Lo?" Tanong ko.

"He's upstairs, Easel. Bakit?" Sagot niya.

"Wala po," Sagot ko at tumawa. "Akyat na po ako," Sabi ko at agad na dumiretso sa kwarto ni Chiv. Nagkunwari akong naka-simangot pagbukas niya ng pinto. Agad na kumunot ang noo niya.

"What happened?" Nag-aalalang tanong niya. Pumasok ako sa kwarto niya at sumalampak sa kaniyang malambot na kama.

"Did Stef brought her best friend here?" Tanong ko at nilingon siya. Agad na mas kumunot ang noo niya. Natatawa ako ngunit pinigilan ko.

"Who?" Maang-maangan niya. Mas lalo akong sumimangot.

"Miles, whoelse?" Sagot ko. "How is she?" Muling tanong ko.

"Why are you asking me those? Why not call Stef or just simply go to her house?" Aniya at naupo sa sofa. Sumimangot ulit ako. Bigla siyang lumingon sa'kin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Tanong ko.

"You knew it?" Pagbalik tanong niya sa'kin. I raised a brow. "Yeah, kami na ni Miles." Tumawa ako nang aminin niya 'yon.

"You said ako ang unang makaalam!" Singhal ko sa kanya at binato siya ng unan.

"Stop it, Sel." Aniya at naglakad palapit sa kama. Nahiga siya sa tabi ko. "Dinala ko siya dito nung nakaraan para sa'yo, but only to find out that you were outside with Chasm." Sambit niya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Really?" Tanong ko. Tumangu-tango siya. At bago pa siya magsalita ay nagtanong pa ulit ako. "Did anyone else knew except Lolo?" Tanong ko.

"Yeah, all of them. You were the last to know," Sagot niya na ikinagulat ko.

"What?!" Singhal ko sa kanya. "You are so unfair!" Sambit ko sa kanya. Umiling-iling siya.

"You didn't tell me about you and Chasm," Aniya na ikina-gulat ko. I laughed.

"Nothing's going on between us," Sagot ko. Naamoy daw niyang merong something kaya gusto niyang ikwento ko so we went to our cafe para magkwento sa kanya. Nabanggit ko na nagustuhan ako ni Chasm pero wala akong gusto sa kanya. Nakaramdam ako ng simpatya marahil ay naranasan ko na rin ang hindi magustuhan ng taong gusto mo. Kaya naman sinabi kong pwede pa rin naman kami maging magkaibigan at pumayag naman siya. 'Yon nga lang ay nanghingi siya ng konting oras para magmove on. So, nitong nakaraang linggo lamang ay nagpaalam siya sa'kin na lilipat muna siya sa kamag-anak nila sa U.S. Sakto namang nalaman ko na uuwi kami ng Pinas kaya naman ay nagpadala ako ng sulat sa kanya.

"Naka-move on ka na ba talaga kay Ace?" Tanong ng kambal ko. I laughed.

"Are you serious? That was just a goddamn puppy love," Sagot ko habang tumatawa. "Although, hindi ko maipagka-kaila kung bakit ko siya nagustuhan no'n," Sagot ko at tumangu-tango.

"How about Chasm? Wala ba talaga siyang chance sa'yo?" Tanong niyang muli. Napa-ngiti ako sa tanong niya. Aaminin ko, the moment I saw Chasm I knew he was someone different.

"Chasm is a special someone for me, but never more than that." Sagot ko. He is such a good, noble man. Sadyang nasa akin ang mali at hindi ko siya nagustuhan. "Maybe I'm not yet ready to fall in love," Dagdag ko at ngumiwi.

"If you aren't, how about going back to Philippines? Are you ready?" Tanong niya. Nanatili akong tahimik.

I knew I wasn't ready for this. Pero andito na kami, naghahanda para sa party. Kahapon lang kami dumating kaya naman sobra akong napagod at tinanghali ng gising. Late na ako sa preparation at ba-byahe pa kami. I just knew na hidi magagalit si Grandma kaya natawa na lamang ako. I decided to wear the same gown I wore on my debut. Sabi kasi ni Lola ay dapat bongga ang suotin ko, I'm torn between choosing simple and extravagance so I'm left with this gown. This is simple but very elegant kaya ko ito nagustuhan mula umpisa pa lang. It feels so nostalgic wearing this. Ang paglalakad ko sa gitna ng maraming tao, ang pakiramdam na sa'yo ang lahat sa isang araw lamang. I couldn't imagine I went this far. Napa-isip tuloy ako kung ano ang mangyayari sa buhay na'min kung hindi nagka-ayos si Lola at Papa. But when I asked that, ito lamang ang naging sagot nila:

"Kahit kailan ay hindi matitiis ng isang ina ang kanilang anak,"

"I would beg for forgiveness. Kahit araw-araw pa 'yan. Pero kung talagang wala, magsisikap ako para sa inyo, para sa pamilya ko. Because a father only wished for a good status of their family,"

I guess that's what being a parent is. You would risk everything just for them. Sabi ni Lola ay ginawa lamang niya ito para subukan si Papa. At lahat ng pampa-aral na'min? That wasn't from our relatives. Galing pala talaga 'yon kila Lola. 'Yong pangungulit ni Stef na magshopping kami? It was grandma's order. Nakakatuwa lang isipin na okay na ang lahat. Bukod sa'kin.

"Are you finally done?" Tanong ni Chiv na kanina pa naka-ayos.

"Yes, just some finishing touches!" Sagot naman ni Hailey. Sabay kaming natawa nina Elisse. Kanina pa kasi naghihintay ang kambal ko at wala daw pake ang mga nag-aayos sa'kin kung ma-late ako dahil sabi nila ay,

"A princess never comes on time,"

Na ikinatawa ko na lang. How I wish na prinsesa talaga ako. But I would never be. May mga bagay lang talaga na hindi mo pwedeng hilingin at makuha. No buts.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon